25. A secret

17.6K 1K 87
                                    

Napatitig ako kay Chain habang seryoso siyang nakatingin sa labas at pinapanood ang pag-ulan. I saw a new side of him once again. Hindi ko alam kung bakit, pero iba ang ipinakita niya sa akin na ekspresyon nang banggitin niya kung saan niya nakuha ang peklat na nasa kilay at ibabang mata niya.

From the first woman he loved? Sino ang tinutukoy niya?

"Curious?"

Natauhan ako sa pag-iisip nang biglang humarap sa akin si Chain. Nawala ang seryosong ekspresyon niya kanina at kumurba na naman ang mapang-asar na ngisi sa labi niya.

Napaismid ako at napasimangot bago umiwas ng tingin. I'm really not that curious to his past. . . but when I saw that expression of his, I guess I am now.

"Don't worry, kitten. I'll tell you all about my childhood when we get married," pang-asar niya sa akin.

Hindi maipinta ang mukha ko nang tinapunan ko siya ng tingin. "I have no interest in marrying you, sadist. At isa pa, kasasabi mo lang kanina, hindi ba? You won't love anyone again," walang ganang sambit ko.

Ako ngayon ang nanood sa pag-ulan. Nararamdaman ko ang malalagkit na titig sa akin nga sadistang katabi ko.

"Yeah, I guess I said that. But if it's you, then I won't mind loving someone again," malambing na sambit niya sa akin.

Napailing ako at hindi ko siya pinansin. Hindi ako madadala sa mga ganiyang salita, lalo na't naranasan ko na ring mahalin ng hindi lang isa, kung hindi ng isang buong bayan noon. . .

Pero ito ang inabot ko.

Pasimple akong napaismid nang maalala ulit 'yon. Bumabalik ang mga masasamang alaala na inabot ko roon na ayoko ng balikan pa.

"Well, anyways. Siguro, isa roon ang dahilan kung bakit kumukulo ang dugo sa akin ng mga Spiders," natatawang pag-iba ng katabi ko. Tulad ko ay napatingin na rin siya sa labas at nanood sa pag-ulan.

"The fact that I did something to their guild. . . but they can't do anything about it. Kahit anong galit nila sa akin, kahit gaano nila akong gustong patayin. . . hindi nila magawa. Sa katotohanang, kadugo ako ng guild's master nila," dagdag niya.

Muling lumawak ang pagkakangiti niya sa labi. "I told ya, my blood is precious," nakangisi niyang sambit.

I rolled my eyes when I saw him smirk in the corner of my eye. Nabigla ako nang humarap siya sa akin at kumikislap ang mga mata.

"Woi, kitten. I just told you a secret, you know. Tell me something about yourself!"

Natigilan ako sa narinig at hindi ako nakakibo kaagad. Pasimple akong napatingin sa katabi ko na malawak ang ngiti at naghihintay ng sasabihin ko. Hindi kaagad ako nakaisip ng sasabihin sa tanong niya.

Malalim akong huminga at nagtanong sa kaniya habang nanatiling nakatingin sa pag-ulan sa labas.

"Tell me, when we first met, what part of me caught your attention?" I asked.

Natigilan si Chain sa tanong ko na hindi kaagad inaasahan ang sinabi ko. Pero mabilis na nagbago ang ekspresyon niya sa tanong ko at malagkit akong tinignan.

"Well, to be honest, of course it's your body- I mean, walang masamang ibig sabihin 'yon ah. Ano ba kasing makikita ko dahil pareho tayong nakasuot ng mask no'n, hindi ba?" He chuckled. Lumapit pa siya nang kaunti sa akin.

"But when our eyes met. . . I guess I'm already captivated, kitten. It was your eyes. . . that caught attention."

Nanatili akong walang ekspresyon. Tila natigilan si Chain nang harapin ko siya at nagtama ang mata niya sa walang buhay kong mga mata.

"Then guess what, it's from the first person I killed."

Deretsong sagot ko sa sinabi ni Chain. Ito gusto niyang malaman, hindi ba?

Something about me. . . a secret.

Kung gano'n, sa dinami-rami ng tinatago ko, atlis, meron na siyang alam na isa.

Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan dahil nabigla ang lalaking kaharap ko sa narinig. Pasimple akong napaismid bago siya talikuran at nagsimulang humiga sa kama ko.

"Go to sleep. You're going to take me to the Solar Academy tomorrow. Don't try to do anything stupid," ma-awtoridad kong sambit bago takpan ang sarili ko ng kumot.

Hindi ko man lang pinakinggan ang sasabihin niya o tinignan ang reaksyon niya. Mariin kong isinara ang mga mata ko at pinilit ko ang sarili kong matulog.

Habang nakatakip sa ulo ko ang kumot, narinig ko ang paghiga ni Chain sa kabilang kama.

"Good night."

₪₪₪₪₪₪₪₪

"Wah!! Napakagaling mo talaga Erks!"

"Totoong hulog ka nga ng langit!"

"Isa kang anghel!"

Napuno ng papuri ang bayan. Nasa gitna ako ng palayan habang pinapanood silang magdiwang dahil sa panibagong himala na ginawa ko gamit ang tulong ng mga diyos at diyosa.

Nakakurba ang labi ko sa isang ngiti at masaya akong pinapanood sila. Patuloy lang silang nagdidiwang nang biglang nagbago ang lahat sa pagkurap ko.

Nasusunog na ang palayan. Nawala ang mga ngiting ipinapakita sa akin ng mga tao at napalitan ito ng galit at isang tingin. . . isang tingin na gusto akong patayin.

"Pasensya ka na, Erks. Para sa bayan natin itong gagawin namin."

Pilit kong iniiling ang ulo ko at walang tigil ang katawan ko sa panginginig. Patuloy ako sa pagsigaw sa mga magulang ko. Pero sa isang iglap, sumalubong sa akin ang walang buhay nilang mga katawan.

"P-Pasensya ka na, Erks. . . hindi naman sana aabot sa ganito. . ."

Sumalubong sa akin ang mukha ni Cella na may hawak na patalim bago ako unti-unting mawalan ng paningin.

Tinalikuran nila akong lahat. . . maski ang mga diyos at diyosa-

"I'll give the power to destroy everything. . . a power to defeat anyone—even a God."

Unti-unting nasusunog ang katawan ko. Hindi na ito sa akin pa-

Hindi na-

Habol-habol ko ang hininga ko nang magising ako. Walang tigil ang pagtulo ng mga pawis ko at mabigat ang paghinga ko.

Nahihirapan akong huminga-

Punong-puno ng takot ang mga mata kong nakatingin sa kawalan. Siya na naman-

Nagpaparamdam na naman siya-

Agad kong nilibot ang tingin ko sa kwarto at natigilan ako nang makitang bakante ang kama ni Chain. Nabigla ako nang makita wala siya at kunot noo akong napabangon.

Where is he?!

Mabilis akong nag-ayos at lumabas ng kwarto namin. Hindi ko siya nakita sa CR o balkonahe man lang. Agad akong pumunta sa bungad ng inn kung saan nakita ko ang tagabantay rito.

"E-Excuse me, nakita mo ba 'yong lalaking kasama ko kahapon?" tanong ko nang makalapit ako sa kaniya.

Tumaas ang dalawa niyang kilay nang tignan niya 'ko at walang kamuwang-muwang na napatingin sa labas.

"A-Ah, 'yong gwapong lalaking kasama niyo po ba?" sambit niya bago ituro ang labas. "Nakita ko po siyang nagmamadaling lumabas kanina."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Lumabas?!

Tinakasan niya ba ko?!


Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon