44. The Glutton

17.3K 1K 348
                                    

Hindi ako nakagalaw sa pwesto ko at natigilan ako sa sinabi niya.

Five?

Ano ang ibig niyang sabihin-

Pilit akong tumawa at umiling. She's definitely bluffing right now.

"Imposible, wala akong narinig-"

"Sinong nagsabing narinig ko?" paghinto niya sa akin.

Itinuro ni Hemera ang nakapikit niyang mga mata bago lumapit sa akin.

"There are things that you can see when your eyes are closed while those who are open, can't."

Halo-halo ang tono ng pananalita ni Hemera. Pero ang alam kong gusto niyang iparating sa akin. . . ay may alam siya.

May alam siya tungkol kay-

"Hehe, why won't we go and meet up with the others, ate Hemera?" biglaang pagsulpot ni Kris sa pagitan naming dalawa.

Nakaramdam din ako ng marahan na paghawak sa braso ko para hilahin ako palayo kay Hemera.

"Go get Ivan, Chain." Utos ni Nyx sa lalaking nakahawak sa braso ko.

Nakamulat ang mga mata niya sa amin at tinapunan niya 'ko ng tingin. Walang buhay ang mga mata ni Nyx nang magtama ang mga tingin namin.

Hindi siya nagsalita, bagkus ay tinalikuran niya lang ako ng walang sinasabi. Doon ko nakita ang pagpikit ulit ng mga mata niya nang humarap siya sa pwesto ni Hemera, ang kakambal niya.

Wala pa rin ako sa sarili para makakibo o makapagsalita. Natauhan na lang ako nang marahan akong hinila ni Chain papunta sa pinto habang nanatili akong nakaharap sa kambal.

"Let's go to the Glutton, kitten," pag-aya niya sa akin.

Hinayaan ko lang siyang hilahin ako papalabas habang nakapako ang tingin ko kay Hemera. The last thing I saw before leaving her room is her, plastering a smile with her eyes closed.

Napakurap na lang ako nang maramdaman ko ang pagsara ng pinto sa harapan ko, hudyat na nakalabas na kami ni Chain. Natulala pa 'ko ng ilang segundo bago ko maramdaman ang pagtapik sa akin ng kasama ko.

"Are you okay?"

Napakurap-kurap ako bago humarap sa kaniya. "Y-Yeah."

"Then let's go."

Naunang bumaba sa akin ng hagdan si Chain bago ako sumunod. I glanced at the tower for the last time before following Chain.

Hemera. . . the cursed twin. I don't know if she's just weird— or special.

Naglakad kami sa mahabang pasilyo ng kasama ko, papunta sa isang Sin na hindi ko pa nakikita pero pamilyar na sa akin ang pangalan.

The Glutton. Ang gifted na kayang gumawa ng kahit anong maisip niya, ayon sa guild.

Tanging ang mga yapak lang namin ni Chain ang nagsisilbing ingay sa mahabang pasilyo. Nanatili kaming tahimik na dalawa nang may maalala ako.

"I'm just curious," pagbasag ko sa katahimikan na nakakuha ng atensyon ni Chain. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya. "Bakit ipinipikit ni Nyx ang mga mata niya kapag kaharap niya si Hemera?" tanong ko.

Iyon ang isa sa mga napansin ko kanina. Nyx didn't even looked at his sister once. Laging nakapikit ang mga mata niya.

Chain paused for a moment before answering my answer. Nakatingin sa daanan ang tingin niya.

"It's because. . . he's guilty," malamig na sagot niya na kinanuot ng noo ko.

"They can share the same eyesight. Kung ano ang nakikita ni Nyx, ay 'yon din ang nakikita ng kakambal niya."

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon