37. The Incident

17.5K 1K 163
                                    

Ramdam ko ang pagbabago ng tensyon sa silid. Ang kaninang unti-unti ng gumagaan na tensyon dahil sa pagsagot ni Mimi sa mga katanungan ko ay bumigat sa isang iglap nang magkaroon ng panibagong katanungan.

Rinig ko ang pag-ismid niya habang malalim na nag-iisip.

It felt like we've just finished a puzzle. . . without knowing that we still have some pieces left.

That's when I saw her eyes changed. agkaroon ng iba't ibang lengguahe sa mga mata niya.

Mabilis na bumalik sa harapan ng panibagong whiteboard si Mimi para burahin ang mga nakasulat dito at magsulat ulit.

"I've heard about that case before," sambit niya habang mabilis na nagsusulat.

Parang nagkabuhol-buhol ang mga impormasyon na iniisip niya at nadamay na rin ang pagsusulat niyang hindi ko maintindihan.

"The Deities managed to defeat a Dark guild. . . the Trejon," bulong niya sa sarili.

Kasing bilis ng pag-iisip niya ang pagsusulat niya.

"Tanda ko ang bawat salitang nabasa at narinig ko tungkol doon. . ."

"The Deities' guild's master, Sir Keon, Miss Aqua, Sir Zail, Sir Rivan. . . Miss Kyera, Miss Taliyah, Sir Francel, and Sir Jester." Every words that comes out of her mouth, she's writing it.

Napaawang ang bibig kong pinapanood siya. She freaking remembered all of their names!

"The rookies, Miss Risca, Sir Alvis, Sir Helix. . . and Miss Cleofa."

Nahinto siya sa pagsusulat ng mga pangalan nila. Akala ko ay roon na siya titigil sa pag-iisa-isa. Pero laking hanga ko pa nang isa-isahin niya rin ang mga Gods at Goddesses na pinagmanahan nila.

Mas lalong umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata sa pagsusulat ni Mimi.

"Zeus' heir. . . Poseidon's. . . Hades-"

Tila nahinto siya sa pagsusulat nang matapat siya sa pangalan ni Cleofa.

"Cronus," may tono niyang sambit.

Ilang segundo siyang natigilan na nakakuha ng atensyon ko. Bigla na lamang siyang nagsulat ulit sa panibagong whiteboard na para bang may hinahabol dahil sa sobrang bilis.

"The Trejon wants to summon a titan. . . and to summon it, they need an Heir or Heiress of Cronus. . ." ani Mimi.

"And before. . . Alejo was one of the Big Shots."

Rinig ko ang pag-ismid niya nang huminto siya sa pagsusulat. Kunot noo siyang napatingin sa mga sinusulat niya na para bang may kulang.

"Yes. . . I'm sure that they're connected. The Underground Association hunting you now, and the incident that happened before."

Mariin siyang napakagat sa ibabang ngipin habang hawak-hawak ang whiteboard marker na nakatusok sa pisngi niya.

"But something is not right!"

"Dahil kung konektado nga sila. . . bakit ang Trejon lang ang kabilang sa insidenteng nangyari noon?" naguguluhang tanong niya.

"Kabilang si Alejo sa UA! Isa siya sa mga Big Shots!"

"Dapat kasama ang UA sa kaganapan na 'yon! Panigurado akong hindi sila matatalo ng mga Deities. . . kung sama-sama ang mga Big Shots. . ." paglambot ng pananalita niya.

"Unless. . . the Trejon wanted to face them on their own?" naguguluhang tanong niya.

Napasigaw na lang sa inis si Mimi. Pabilis nang pabilis ang pagbabago-bago ng mga lengguahe sa mga mata niya kaiisip.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon