24.5 Chained by blood

18.3K 1.1K 192
                                    

5 YEARS OLD CHAIN'S POV

Marahang hinawakan ni mama ang pisngi ko at nakangiti akong tinignan. Nasa bakuran kami ng bahay at naglalaro.

"Anong sinasabi ni mama sa 'yo lagi, Chain?"

Kumurba ang labi ko sa malawak na ngiti at hawak-hawak ang kamay niyang nasa pisngi ko.

"You should always treat a lady right!" masigla kong sagot.

Nakangiting tumango sa sinabi ko si mama bago niya guluhin ang buhok ko gamit ang kabila niyang kamay.

"Very good."

I smiled widely as she pats my head. Gustong-gusto ko kapag ganito sa akin si mama. . . kahit alam kong panandalian lang.

Natigilan si mama sa paggulo ng buhok ko nang marinig namin ang pagbukas ng pinto ng bahay. Agad na napatayo nang tuwid si mama at napatingin sa loob.

"Oh, nandito na si papa!" masaya niyang sambit.

Agad na naglaho ang ngiti ko nang tinalikuran ako ni mama para pumasok sa loob.

Wala na. . . wala na ulit siya. My favorite side of her will change as always. . .

Ilang minuto lang nang pumasok si mama sa bahay para salubungin si papa ay nakarinig na 'ko ng mga pagdabog at sigawan sa loob. Matapos ng ilan pang minuto, lumabas si mama papunta sa bakuran ng umiiyak.

Nang magtama ang mga mata namin ay punong-puno ng galit ang tingin niya. Mabilis siyang lumapit sa akin at sinalubong ako ng sampal.

"K-Kasalanan mo kasi 'tong lahat, peste ka!" sigaw niya sa akin.

Nanggigil niyang pinagpupukpok ang ulo ko.

"Anak ka ng diablo! Bwisit ka! Mamatay ka na!"

Nagsimula siyang umiyak habang pinapalo ako. Nanatiling akong nakatayo sa harapan niya—hindi umiiwas.

It's that side of her once again. . . the side of her that despises me.

Kahit siya ang madalas kong nakakaharap at bibihira lang ang pagiging mabait niya sa 'kin, hindi ni isang beses akong nanlaban o sumagot.

Dahil alam ko kung paano nasasaktan at nahihirapan si mama. . . dahil sa akin.

I'm an unwanted child. Bunga ng kasalanan na hindi naman niya ginusto. Sapilitan lang siyang kinuha ng tatay ko, at nabuo ako.

Dahilan kung bakit laging nag-aaway si mama at ang totoong asawa niya, dahil sa akin. I'm the reason why she's always sad— why she suffers.

"Mamatay ka na! Mamatay-"

"Ma, magpahinga na po kayo. Alam naming pagod ka na po."

Natigilan si mama sa pagpalo sa 'kin nang may humarang sa pagitan naming dalawa.

Pinipigilan ko ang sarili kong umiyak at unti-unti akong tumingin sa nasa harapan ko.

"K-Kuya. . ."

Nakakurba ang labi ni kuya Red sa isang ngiti. Nasa harapan ko siya at pinipigilan si mama. Siya ang nag-iisang anak ni mama at ng totoong asawa niya na anim na taon ang tanda sa akin.

Tila mabilis na nagbago ang ihip ng hangin at parang bumalik sa katinuan si mama sa narinig. Nawalan ng buhay ang mga mata niya na para bang si kuya lang ang nakikita niya at hindi ako.

"O-Oh. . . sige, magpapahinga na 'ko," walang kaemo-emosyong sambit ni mama.

Para bang walang nangyari nang tumalikod siya at bumalik sa loob ng bahay.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon