10. The Sadist

20.4K 1K 34
                                    

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Nanatiling nakapulupot ang kamay niya sa akin habang ang kabila naman ay nakahawak din sa kamay ko.

"So, what's your answer, kit-ten-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang sipain ko ang pagkalalaki niya.

He flinched but he prevented himself from making a sound. Nanatili siyang nakatayo sa pwesto niya kahit alam kong nasaktan siya sa nagawa ko.

I heard him chuckled.

"So. . . is that a yes?"

Tinignan ko siya na bakas sa mukha ang pandidiri. Walang kaemo-emosyon akong sumagot sa tanong niya.

"Go fuck yourself, sadist."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ng sadistang kaharap ko at agad ko siyang tinalikuran.

That guy definitely have problems in his brain. For pete's sake, he's sadistic.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at napaismid ako nang hindi ko na makita ang target namin.

It's all that guy's freaking fault!

"Lucien."

Hinintay ko ang sagot ng kasama ko. Habang nag-iintay ay hinahanap ko pa rin ang babaeng kasama ko lang dito kanina.

"Yes, Erks?"

Rinig ko ang malambing na boses ni Lucien na kinaikot ng mga mata ko. We started communicating through telepathy.

"I-I lost the target."

"Oh, don't worry. Red just told me that he's with her right now. Malapit na tayo matapos! Bumalik ka na kay Acel."

"Copy."

Sinunod ko ang sinabi ng lalaking kausap ko. Nagsimula na akong maglakad paalis sa pwesto ko nang biglang napako ang tingin ko sa isang direksyon.

Naningkit ang mga mata ko habang tinitignan ang isang pamilyar na babaeng walang malay na buhat-buhat ng isang lalaking hindi ko kakilala.

Bago ko tuluyang maramdaman ang pagkawala ng koneksyon namin ng kasama ko ay mabilis ko siyang tinawag.

"H-Hey, Lucien!"

Napalunok ako nang malalim habang hindi nawawala ang tingin ko sa babaeng akay-akay. Dinadala siya ng lalaking kasama niya sa labas ng venue at papasok na sila sa isang pintuan.

"Yes?"

"S-Si Iris. Sino ang kasama niya ngayon?"

"Ang pagkakaalam ko ay kasama niya si Red na nasa target na ngayon."

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang pinasok ang babae sa isa sa mga pintuan dito sa venue. Bago siya tuluyang ipasok sa loob ay nakumpirme ng bagay na hawak-hawak niya ang hinala ko.

A cigarette.

"Why?"

Mabilis akong kumilos sa pwesto ko.

"Hey, bakit, erks?"

"I-I saw her! I saw Iris! Dala-dala siya ng isang lalaki!"

Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan sa isipan ni Lucien. Panigurado akong nabigla siya sa sinabi ko pero pilit siyang naging kalmado habang nakikipag-usap sa akin.

"O-Okay, bumalik ka na kay Acel, titignan-"

"No! Nandito na ako! Hindi pwedeng hayaan ko lang siya!"

Rinig ko ang pag-ismid ni Lucien sa sinabi ko.

Hindi ko magagawang sumunod sa sinabi niya. Nandito na ako ngayon at ako ang nakakita kay Iris. Hindi pwedeng hayaan ko lang siya.

"F-Fuck, fine. Babalikan kita. Kauusapin ko 'yong iba. Be careful."

"Copy."

Naramdaman ko ang pagkawala ng komunikasyon naming dalawa ni Lucien. Nagpatuloy ako sa ginagawa ko at mabilis akong pumunta sa direksyon kung saan dinala si Iris.

Naririnig ko ang mga yapak ng sapatos ko habang papunta ako sa pintuan kung saan sila pumasok ng kasama niya. Hindi ako nagdalawang isip na itulak ito pero hindi ko pa ito tuluyang nabubuksan ay may pumigil sa akin na babae.

It looks like she's a receptionist. She immediately stopped me from entering through the door.

"Ops, sorry ma'am, but this is off limits. You're not allowed to enter inside," nakangiting sambit sa akin ng babae.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "B-But my friend is inside-"

"I'm really sorry ma'am. But you're not allowed to enter inside, okay?" mariin niyang pag-uulit.

Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili ko. "I-I understand."

"Good! Now, enjoy-"

Hindi na naituloy ng babaeng kaharap ko ang sasabihin niya nang nabigla siya sa ginawa ko. Akala niya ay tuluyan na akong huminahon pero natigilan siya nang hawakan ko bigla ang braso niya. I felt my eyes changed. I suddenly felt like my body is burning.

"My second commandment. . ."

"I'm God. . .."

"You're just a mere human. . . you will obey me."

Para siyang nawala sa sarili at natulala. Dahan-dahang tumango sa sinabi ko ang babae. Kusa niya akong pinagbuksan ng pinto at agad akong pumasok sa loob. Mariin akong napakagat sa ibabang labi dahil sa ginawa ko.

The more I use this ability. . . the more I become a God. .

The more he takes over my body. . .

Mabilis kong iniling ang ulo ko at inalis ang mga nasa isip ko. Hindi ngayon ang oras para problemahin iyon. Tinapanunan ko ng tingin ang pasilyo kung saan ako napadpad. Sinalubong ako ng isang eleganteng pasilyo.

There are different paintings in the walls and golden chandeliers in the ceiling. Kabaliktaran ng pinanggalingan kong venue ay tahimik dito sa loob. Ni hindi man lang marinig ang mga ingay mula sa likod ng pintong pinanggalingan ko.

Napalunok ako nang malalim bago magsimulang maglakad sa pasilyo. Nanatili akong alerto at pinakikiramdaman ko ang paligid.

I need to find Iris fast. If she's not with our guild's master then maybe something also happened to Red. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa maaninagan ko na ang babaeng sinusundan ko. Wala pa ring malay si Iris habang buhat-buhat ng isang lalaki.

"H-Hey, stop!"

Mabilis na natigilan ang lalaki sa paglalakad. Habang buhat-buhat niya si Iris ay unti-unti siyang humarap sa akin

Sumalubong sa akin ang isang lalaking nakaitim. He has a pale skin and his fangs are showing. It looks like he's roleplaying as a vampire. He has a dark blue hair and he has a mole near his lips.

"Oh, can I help you, Miss?"

Naningkit ang mga mata ko sa kaniya. Kaswal niya akong nginitian na para bang wala siya buhat-buhat na babaeng walang malay.

"Yeah. Do you mind if you let that woman down?"

Nakuha ng sinabi ko ang atensyon niya. His smile suddenly faded and he gave me a serious look.

"And why should I?"

Hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan lang din ako sa kaniya.

"It's because I said so."



Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now