33. Here it goes

18.1K 995 105
                                    

Desidido kong tinignan ang lalaking kaharap ko. Paniningkit ng mata ang sinagot sa akin ni Acel.

Alam kong nagdadalawang isip siya sa pagsama sa amin, at hindi ko siya masisisi roon. I mean, we're both from a dark guildand Solar Academy freaking tames us down.

Pero. . . kailangan niyang sumama sa amin. Dahil sigurado akong nandoon si Red.

Hindi ko alam kung magagawa ko pang makapunta pa sa Spiders o kahit saan pa kapag napunta na 'ko sa Academy. Kaya kailangan kong masigurado na magagawa kong maibalik ang guild's master ng Spiders sa guild nila. . . kaya dapat kasama ko si Acel, para masigurado 'yon.

"Let's go, Acel," muling pag-aya ko sa lalaking kaharap ko. I didn't break our eye contact.

Ilang segundo rin kaming nagkatinginan ni Acel bago siya ang maunang mapaiwas ng tingin. Umiiling siyang napaismid sa akin bago mapabuntong-hininga. Napalunok ako nang malalim habang nag-iintay ng isasagot niya.

Nang muling bumalik ang tingin niya sa akin ay kusang lumiwanag ang ekspresyon ko. I can already see his answer written on his face.

"Tsk, fine," walang ekspresyon at iritadong sagot ni Acel.

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa sinagot niya. Na mabilis ding naglaho nang malipat ang tingin ko sa lalaking mukhang pumapatay na ang mga mata na nakatingin sa akin na nasa gilid ko.

Hindi maipinta ang mukha ko nang malipat ang tingin ko kay Chain. Hindi ako nagpatalo sa kaniya at binalik ko rin ang tingin niya.

"Woi, kitten-"

"Oi, oi. Pakibilisan kung sasama ba," pagputol ng boses sa sasabihin ni Chain.

Natigilan sa pagsasalita ang sadistang lalaking kaharap ko. He looks irritated, while rubbing his tongue against his canine tooth. Pilit niyang pinapakalma ang ekspresyon niya pero bakas na ang pagkairita niya at dahan-dahang lumilingon kay Law na walang ganang pinapanood kami.

He looked at Law as if he said something that freaking ruined his whole life. "Seriously?" Pagmumukha ni Chain sa kaharap na parang na-offend siya nang sobra sa pagsingit ni Law.

"SERIOUSLY?" pag-uulit niya na may diin. "I was talking. . . and you just inter-"

"Fuck off, Chain," pagsingit ng babaeng kasama namin.

"Hehe, 'wag ka na raw magsalita," dagdag pa ni Kris.

Napakurap-kurap si Chain sa narinig. He paused for a moment, thinking if he heard them right. Akmang sasagot ulit siya nang hindi na siya hinayaan pang magsalita ni Nyx.

"Let's go," mahinahong sambit ng guild's master niya. He just glanced at us, enough to shut Chain's mouth.

Tanging pag-ismid na lang ang nagawa ng sadistang lalaki bago lumapit sa akin na parang aping-api.

Hindi maipinta ang mukha ko na nakatingin sa kaniya at pilit na inilalayo ang sarili ko. Napairap na lang ako bago sumunod kina Law sa paglalakad.

Sumunod sa akin si Acel at tumabi sa gilid ko si Chain na nanatiling nakayuko at nakatikom ang bibig. It's his childish side again.

Sinasadya niya ang pasimpleng pagbangga sa braso ko at lilingon sa kabilang direksyon kapag tinignan ko siya. Napaismid ako bago siya tignan na kinatigil niya.

"Cut the crap, sadist," mariin at may tonong sambit ko. Matalim ko siyang tinignan at gusto ko siyang makuha sa tingin.

But as expected, he's a sadist. Imbis na matigilan o matakot sa tingin ko, mabilis na kumurba ang labi ni Chain sa isang nakaiiritang ngisi.

Inilayo ko ang mukha ko sa kaniya nang walang pag-aalinlangan niyang inilapit ito sa akin.

"Aww, kitten. I really love it when you look at me like that. . . it feels like. . . you really want to do it with-"

Hindi naituloy ng sadistang katabi ko ang sasabihin niya nang mabilis kong hilahin ang collar na nasa leeg niya, dahilan ng pagkasakal niya.

"Watch your mouth, sadistic dog," iritado at madiin kong sambit.

Chain showed his iconic smirk and look. Malalagkit ang tingin niya sa akin na mukhang masaya pa sa ginawa ko.

"And. . . I would bark for you, kit-ten."

Napangiwi ako at hindi maipinta ang mukha kong nakaharap sa kaniya. Iritado akong napaismid bago mariing binitawan ang pagkakahawak ko sa collar. Matalim ko siyang tinignan bago ibalik ang tingin ko sa daanan.

He's really a fucking sadist.

I saw him at the corner of my eye. Looking at our back, at Acel, raising his middle finger.

Napapailing akong napaismid na nakasunod kina Nyx. He's back at being a freaking psychotic sadist.

He needs a therapy.

Nanatili akong nakasunod sa harapan nang bigla silang tumigil sa paglalakad na kinatigil ko rin.

Nawala ang pagkakainis ko kay Chain at nakuha ng pansin ko ang biglaang paghinto nina Nyx. Nagtataka akong napatingin sa kanila.

"Bakit tayo huminto?" nagtatakang tanong ko.

Nyx just flashed a smile, slightly glancing me at the back.

"Well, hindi tayo makapupunta sa Academy nang basta-basta, hindi ba?" sagot niya sa akin na nagpatanto sa akin.

Doon ko lang naalala ang dahilan kung bakit imposibleng makunta sa Solar Academy kapag tagalabas ka.

It's because. . . the Academy changes its position every second.

Kung totoo nga 'yon. . . paano kami makapupunta sa Academy?-

"But don't worry. . .. Even if we don't know where the Academy is right now, as long as we have someone who can bring us to the Academy itself. . . there's no problem!" Pagpapagaan ni Nyx ng loob ko nang mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ko.

Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya. Tumaas ang dalawang kilay ko at naguguluhan akong tumingin sa kanila.

Anong ibig niyang sabihin?-

Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magtanong, nahinto ako nang pumunta sa unahang pwesto si Kris.

Kumurba ang labi niya sa isang ngisi at nanatili pa ring nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.

"Hehe, 'yan lang naman ang rason kung bakit mo 'ko sinama, Nyx," pagbibiro niya.

Hindi ko kaagad naisip ang gusto niyang iparating. Natauhan na lang ako nang makitang magbago ang mga mata niya.

His eyes turned. . . gray.

Kasunod nito ay ang biglaang pagkaroon ng malaking bilog sa harapan namin. Sobrang liwanag nito at purong liwanag at puti ang nasa gitna.

Namilog ang mga mata kong nakatingin sa ginawa niya. It looks like a-

"A portal," bulong ni Acel na hindi ko napansin na nasa kabilang gilid ko na pala.

"Let's go, bago pa magbago ulit ang posisyon ng Academy." Pag-aya ni Nyx na naunang maglakad sa loob.

Namimilog ang mga mata ko at hindi pa rin makapaniwala. Napalunok ako nang malalim bago lakas loob na tumapak sa loob.

Here it goes. . . I'm goin

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now