32. To the Solar Academy

17.6K 1K 80
                                    

"An order to bring you to Solar Academy."

Nanlamig ang buo kong katawan sa isang daan ng hangin. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig.

Take me?

To Solar Academy?-

"Huh?!" Malakas at mahabang reaksyon ni Chain. "What are you talking about-"

Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya nang sa isang iglap, napunta sa likuran niya ang babaeng kasama nina Nyx— the Pride.

She used her gift to hide herself without anyone noticing. Natigilan sa pagsasalita si Chain nang takpan nito ang bibig niya at mariing nilagay ang mga kamay ng sadistang lalaki sa likuran niya.

"Shh! Chain, ano ba?" mahinahon pero mariing pagpapahinto niya kay Chain.

Dahil nasa kanila ang tingin ko ay hindi ko napansin ang paglapit sa akin ni Nyx na ngayon ay nasa harapan ko na.

Napalunok ako nang malalim nang magtapat kami. He's showing a warm smile, even his eyes are smiling.

But. . .

There's really something in him. . . that's so intimidating.

Pasimple akong napaataras at naging alerto. Hindi ko alam kung bakit-

Pero parang kailangan kong ihanda lagi ang gift ko kapag nasa presensya niya— or worse, my commandments.

"So, any objections?" marahan at nakangiting tanong ni Nyx sa akin.

Nagdikit ang dalawang kilay ko at pasimple akong napaismid. Matalim ko siyang tinignan sa kabila ng mahinahon niyang ekspresyon sa akin.

"At bakit naman ako gustong kunin ng Solar Academy?" may diin na tanong ko.

Nanatili akong alerto at hinihintay ang sagot ng lalaking kaharap ko.

I know that I need to go to the Solar Academy. . . pero hindi ko mapigilang magtaka-

Dahil ako ang may kailangan sa kanila. Ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa kung anong meron ako ngayon— kung anong klaseng kakayahan ang meron ako ngayon.

Kaya. . . paanong naunang kumilos ang Academy, kaysa sa akin?

"Oh. . ." Nawala ang nakangiting mata ni Nyx kahit nanatiling nakakurba ang labi niya. Nagtama ang mga tingin namin sa isa't isa. "That. . . is something I can't answer."

Kumunot ang noo ko sa sinagot niya.

Huh?! Anong ibig niyang sabihin na-

"But. . . I'm allowed to tell you one thing," muling sambit ni Nyx na nagpatigil sa akin.

Unti-unting namilog ang mga mata ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa tenga ko at bumulong.

"You're not a gifted. . . nor a God," mahinang bulong niya sa akin na nagpataas ng lahat ng balahibo ko sa katawan. "You're just a soon to be an empty vessel. . . for the God you had contract with."

Lumayo sa tenga ko si Nyx na may malawak na ngiti sa labi na para bang walang sinabi sa akin na nagpahina ng buong katawan ko. Hindi kaagad ako nakakibo sa sinabi niya at nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Unti-unting humigpit ang pagkakasara ng kamao ko at mariin akong napakagat sa ibabang labi.

How. . . how the fuck did he knew about the God who's inside of me?!

Pinanood ko si Nyx na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi na sinimulan na 'kong talikuran.

Alam niya. . . hindi-

Paniguradong nila. . . may alam ang Academy. Tungkol sa akin— tungkol sa Diyos na nasa katawan ko. At hindi rin magtatagal, ang magmamay-ari na rin ng katawan ko.

Nanatiling matalim ang tingin ko kay Nyx na nagsimula ng maunang maglakad.

"Well then. Let's go to the-" Nahinto siya sa pagsasalita at napalingon muli sa akin na para bang may nakalimutang sabihin. "Oh, before I forget."

Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi niya. Parang bumagal ang oras at hindi namin inaasahan ang sumunod niyang ginawa.

Sa isang iglap, naglabas siya ng isang gintong baril na may simbolong orasan sa bulsa at tinutok ito sa ulo ko. Hindi siya nagpababala o huminto man lang, saktong pagtutok niya sa ulo ko ay ang pagkalabit niya rin ng gatilyo.

Namilog ang mga mata ko nang parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa paligid. Dahan-dahan na lumabas ang gintong bala sa baril na nakatutok sa noo ko. Pagkalabas nito ay ang saktong pagtama sa noo ko.

Pero hindi pa ito tuluyang nakakadikit man lang sa balat ko, tanging ang malamig na dulo lang nito ang nagawang maramdaman ko nang unti-unti itong nawasak. As if it's a cotton candy that got wet.

Hindi ako nagkaroon ng sugat. . . o maski nakaramdam ng sakit.

Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang bilis ng mga pangyayari at naiwan akong napakurap-kurap. Sa kabilang banda, walang kaemo-emosyong nakatingin sa akin si Nxy na nakahawak pa rin sa baril.

"Y-You!-"

Natauhan ako nang marinig ang boses ni Chain na hindi makapaniwalang nakatingin sa amin.

"What are you doing, Nyx!-" Nanggigil ang boses ni Chain na muling sinungalngalan ng babaeng pumipigil sa kaniya.

Hindi kaagad ako naka-react o nakakibo sa ginawa niya. Nalipat ang tingin ko sa lalaking walang pagdadalawang isip na binaril ako sa ulo.

Nyx stared at the gun he's holding, as if disappointed. "Oh, even this can't kill you, huh?" Kaswal niyang reaksyon.

Napabuntong-hininga siya bago ipasok ang baril sa bulsa at talikuran ako na para bang walang nangyari.

"Oh well, let's go." Muli niyang pag-aaya niya sa amin.

Napaawang ang bibig ko nang maproseso ko na ang nangyari. He. . . just freaking shot me in the head! HE SHOT ME IN THE HEAD!

Tapos mag-aaya siya na parang walang nangyari?!

Napaismid ako bago akmang lalapit kay Nyx nang makaramdam ako ng paghawak sa balikat ko.

"Hehe, I won't do that if I were you," biglaang sambit ng lalaking napunta sa gilid ko. Hindi natuloy ang paghakbang ko at napatingin kay Kris na nakakurba ang labi sa isang ngisi at nakalagay ang isang kamay sa bulsa habang tinitignan ang guild's master niyang nauuna ng maglakad.

"You may survive. . . well, not us, hehe." He chuckled. Inalis niya ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko bago sumenyas sa likuran namin.

"Let's just go. And, bring him if you want," sambit niya bago maunang maglakad sa akin.

Natauhan ako sa sinabi niya at napalingon sa likuran namin. Doon sumalubong sa akin ang isa pa naming kasama na nawala sa isip ko dahil sa biglaang pagkakaroon ng tensyon.

Walang ekspresyong pinapanood kami ni Acel. Napaismid siya nang makita niyang napansin ko ang presensya niya. Nakasandal siya sa isang puno at magkakrus ang mga braso.

"I really felt like I'm also a tree here, woman," giit niya nang magtama ang tingin namin.

"Tsk, sobrang nakuha ng atensyon ko ang pagdating nila, nawala sa isip ko na nandito ka," sagot ko na kinaismid niya ulit.

"But still, he said that you can-"

"Woi, if you're coming then start moving, barney," pagsingit ng isang lalaki sa usapan namin ni Acel.

Pareho naming hindi napansin ang pagsali ni Chain sa amin na nasa likuran ko na pala ngayon. Napatingin ako sa mga kasama niya na nagsisimula ng maglakad at hindi kami hinintay.

"As if I'll go with you-"

"Let's go, Acel," pagputol ko na kinatigil ni Acel at Chain.

"H-Huh? You really want him to come-"

"We can see Red there," pagsingit ko sa irereklamo ni Chain. Desidido kong tinignan ang lalaking kaharap ko.

"They won't harm us, I promise."

"Let's go to the Solar Academy."


Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now