51. Escape

15.5K 1K 132
                                    

Nagtama ang mga mata namin ng Joker. Walang buhay at seryoso ko siyang tinitignan habang nakatutok siya sa kanan kong mata.

Selene was mesmerized. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras sa pamamagitan lang naming dalawa. Natauhan na lang siya nang bumalik sa dati ang mga mata ko.

Napakurap-kurap siya pero hindi pa rin niya magawang makakibo. Nang tuluyan siyang bumalik sa katinuan, nabigla ako nang alisin niya ang pagkakakwelyo ko sa kaniya at nagmamadaling inirolyo pataas ang malaking lab coat na suot-suot niya.

I was caught off guard when I saw what's hidden underneath. May mga itim na tinta na hugis kadena ang unti-unting nagsiwalaan sa kamay niya.

Hindi makapaniwalang napatulala si Selene sa nakikita niya.

"I-I can't believe it. . . you really did released me. . ."

Namamangha ang mga mata ng batang babaeng kaharap ko na hindi magawang makapaniwala sa nangyari. Malalim akong lumunok.

"So, that means-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang mabigat na pagkabog ng puso ko. Kusang namilog ang mga mata ko at mariin akong napahawak sa dibdib.

It's beating slowly yet so hard. Namanhid ang buo kong katawan ng ilang segundo pero hindi ko pinapahalata ang reaksyon ko.

Relax, Erks. . . yeah, I need to relax.

Mabigat ang bawat paghinga ko at padiin nang padiin ang pagkakahawak ko sa dibdib ko.

Kailangan kong kumalma. . . tama, wala ako dapat ikabahala.

I've only used 5 commandments yet. . . out of 10.

As long as I don't use the last one. . . I'm sure, I'm sure that everything is going to be alright.

Huminga ako nang malalim nang magawa kong pakalmahin ang sarili ko.

"You're going to help us now, right?" sambit ni Nyx.

Natauhan ako sa sinabi niya at muling bumalik ang tingin ko kay Selene. Napatulala siya ng ilang segundo bago malalim na nag-isip.

Napatingin siya sa kamay niyang wala ng itim na tinta hudyat na malaya na siya. Mariin siyang napakagat sa ibabang labi bago mapangisi.

She showed a smirk and tilted her head while looking at us. "Not bad, brats. Better introduce me to Helena."

Para akong nabunutan ng tinik sa narinig. Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Drine. Kahit hindi rin ipahalata ng iba, alam ko rin na nakampante sila sa narinig.

"Nice, hehe. Then let's-"

Hindi naituloy ni Kris ang sasabihin niya nang marinig namin ang pagkatok sa pintuan. Pare-pareho kaming napalingon dito.

Sabay-sabay kaming naalerto at napaayos ng tayo. May tao sa labas-

"Tsk, nahuli na kaagad tayo?" iritadong bulong ni Chain.

"It's only been 444 seconds since you came, according to my calculations, that's not possible," pagsingit ni Selene.

I looked at her, dumbfounded. For pete's sake, this kid was counting the seconds since we came here!

"Calculating, 444 seconds is equivalent into 7 minutes and 24 seconds," pagsali ni Van.

Napaismid ako nang magsalita ang singsing. I didn't asked!

Muli akong napatingin sa pinto nang may kumatok ulit. Napalunok ako nang malalim at mas lalong naging alerto.

Kita ko ang pagbabago ng mga mata nina Chain at Acel na humakbang papalapit sa pintuan. Mabilis ang pagtibok ng puso ko at hinintay ang susunod na mangyayari.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now