18. Run

20.2K 1K 215
                                    

Walang nakakilos kaagad sa kanila dahil sa pagkabigla. Naliligo na ngayon sa sarili niyang dugo ang Mime na walang buhay habang pilit pa rin siyang ginigising ng Surgeon.

"Andina. . . anong gift 'yon?" hindi makapaniwalang sambit ni Barabbas.

Hindi nagawang makasagot ng babaeng kausap niya. Bagkus ay tinapunan niya 'ko ulit ng tingin.

Ang takot sa mukha niya ay unti-unting nawala at unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi.

"S-She really is a God. . . our God!" nahihibang niyang sambit.

My eyes slowly widened and I stepped back. Alam nila ang tungkol sa 'kin. . . ang Diyos na nasa katawan ko. . .

Napalunok ako nang malalim bago bumalik ang mga mata ko sa normal.

I don't know how they found out about me. . . but I won't let them do what they want. . .

"I-Ikaw. . ."

Nalipat ang tingin ko sa Surgeon na puno na rin ng dugo ang damit. He looks decent at first, but now he looks like a crazy psychopath.

"ISANG KANG PUT-"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang muntik na siyang tamaan ng patalim na gawa sa dugo.

Kapwa kaming napatingin kay Chain na walang ekspresyon. "Don't ever. . . ever. . . tell that to a lady."

Mas lalong nairita ang lalaking kaharap namin sa sinabi niya. Pero bago pa man siya makasagot ulit ay naramadaman ko na ang paghawak ng kasama ko sa kamay ko.

He didn't think twice to grab me and started running.

"Mga tanga!" sigaw ni Andina nang makatakbo kami ni Chain.

Hindi pa 'ko bumabalik sa katinuan at pinoproseso pa rin ng utak ko ang mga nangyayari. Bumalik lang ako sa katinuan nang magsalita ang kasama ko.

"I don't know what and how you did it, kitten. . ."

"You saved my life, I guess. . ."

"But you just killed a Big shot from the underground association. Magiging malaking issue 'to laban sa mga academies. Lalo na't kapatid 'yon ni Surgeon."

Nabigla ako sa sinabi niya. Doon ko napagtanto ang naging reaksyon kanina ng lalaking kasama ng Mime.

I just killed his brother. . .

Napansin kong napatingin sa 'kin si Chain habang tumatakbo kami.

"Just who are you?"

I was startled by what he said. May matinis na tunog na dumaan sa tenga ko. Hindi ko na rin mapigilang mapatanong sa sarili ko. . .

Sino nga ba 'ko? Sino na ang nagmamay-ari ng katauhan ko?-

"You won't get away from us, brats!"

Pareho kaming napalingon ng kasama ko nang marinig ang nagsalita. Doon namin nakita na kani-kaniyang paraan ang mga wanted na kriminal sa paghabol sa 'min.

Agila summoned his familiar, a huge Leucrocuta. An extremely speedy beast that has a badger's head with a large bony gum. Prente siyang sumakay rito kasama sina Andina at Barabbas.

Sa kabilang banda, nasa ere si Zabeth. Hindi ko alam kung paano niya ginawa 'yon. . . but she looks like a witch riding a broom. Habang si Cael ay nanatiling naka upo sa sanga na mukhang walang intensyon na habulin kami at nanatiling nakatingin sa 'min.

Ang nauuna sa kanila ay walang iba kung hindi ang Surgeon. He turned himself into a liquid that is destroying everything he interacts with.

A freaking takeover type of gifted.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon