41. That Sin

16.2K 1.1K 101
                                    

The imaginary wind passed by, I heard it's sound because of the silence. Ang kaninang inakala kong naglaho ng tensyon, bumigat muli isang iglap.

Natulala ako sa pwesto ko bago ilibot ang tingin sa paligid. All of them are too shocked to move— maybe scared?

"P-Principal, ang ibig niyo pong sabihin, kaming anim lang, hindi ba?" pagbasag ni Drine sa katahimikan.

Seryoso niyang tinignan ang lalaking prenteng nakaupo sa upuan niya.

"Kailan pa kayo naging anim lang?" sarkastikong sambit ni Principal Bora. Huminga siya nang malalim at bakas sa mukha niya na maski siya ay nahihirapan din sa desisyon niya.

"Kakailanganin niyo siya. . . kailangan niyo siyang isama," malamig na muling sambit niya.

Hindi kaagad nakasagot ang mga kasama ko. For the first time, I saw Nyx' expression changed for a moment, he faltered. Kita ko ang pagbabago ng elegante at kalmado niyang galaw, na para bang nahinto siya sa pag-arte ng ilang segundo.

"We understand, Principal Bora," pagpayag ng guild's master nina Chain.

"We'll do this mission. . . together with that Sin," dagdag niya.

He plastered a smile on his face before bowing his head like a prince to show respect. Kasunod n'on ay ang paglabas niya sa silid.

Hindi man lang nagawang makaangal ng mga guild members niya sa desisyon na ginawa niya. Tanging pag-ismid ang nagawa ni Kris at Drine bago magpaalam sa princial at sumunod kay Nyx.

"Let's go, kitten," pag-aya ni Chain sa akin.

Nauna siyang tumalikod sa akin. Dahilan kung bakit nakita ko ang pasimple niyang pagsulyap sa isang lalaking nasa silid— kay Red.

Saktong pagtalikod niya ay ang paghawak niya sa kamay ko para isunod ako sa paglabas niya. Tanging si Law, Red, at si Principal Bora lang ang naiwan sa silid.

Sumalubong sa amin ang sinag ng repleksyon ng buwan na sumisilip sa maliliit na bintana ng Academy. Ramdam ko ang tensyon kada yapak na ginagawa namin.

Nakasunod kami ni Chain kina Nyx, Kris, at Drine na nauunang maglakad. Pasimpleng umangat ang tingin ko sa lalaking kasabay kong maglakad.

I saw Chain's expression changed for a second when he looked at Red. Hindi ko tuloy mapigilang ma-curious kung ano ang mga nangyari sa pagitan nila.

"Kasama ba natin 'yong gagambang 'yon?" biglaang sambit ni Drine na nakakuha ng atensyon ko.

Nagpapatuloy kami sa paglalakad sa mahabang pasilyo.

"Hehe, mukha ngang kasama talaga natin ang mga gagamba ngayon," dagdag ni Kris.

Tila may naalala ako sa sinabi niya at agad akong napatingin kay Chain.

"Teka, nasaan si Acel? Hindi ba kasama niyo siya?" natatauhang tanong ko.

Sinama ko rito si Acel para kasama niyang bumalik sina Red. . . hindi ko maisip kung ano ang magiging reaksyon niya kapag kusa pa lang sumama sina Red dito.

Walang gana akong tinignan ni Chain. Looks like he's back to his usual self.

"Tsk, the barney's with the woman who loves to smoke," walang gana niyang sagot.

Tumaas ang dalawang kilay ko sa narinig. The woman who loves to smoke. . . si Iris!

"Paniguradong alam na niya rin ang mga nangyayari ngayon," dagdag niya pa.

"Wait, sasama rin ba siya sa atin?"

Natigilan ang sadistang lalaki sa tanong ko. Kita ko ang pagbabago ng ekspresyon niya na para bang may naalala. Napaismid si Chain at nagdikit ang dalawang kilay.

"Mas okay na sa akin na sila ang kasama. . ." mahinang giit niya. "Kaysa siya."

I was taken aback by what he said. Napatingin ako sa mga kasama ko na unti-unti na ring nagbabago ang mga ekspresyon. Pare-parehong madidilim ang mga mukha nila habang naglalakad. Even Nyx.

"Isasama ba talaga natin siya, Nyx?" nakayukong sambit ni Drine. Kita ko ang paglunok niya nang malalim.

"Mukhang seryoso nga talaga 'tong mission. . . kung kasama natin siya," dagdag ulit ni Kris.

Hindi nakakibo si Chain sa usapan nila. Kunot noo akong wala sa sariling napatanong.

"Why? Sino ba 'tong Sin na pinag-uusapan niyo?" tanong ko kay Chain.

The way they act is making me more curious. Who is this Sin, that even Nyx, acts like this?

Mariin na napakagat sa ibabang labi si Chain. Naging sobrang tahimik at ang mga yapak na lang namin ang nagsisilbing ingay.

"Have you heard of twins?" tanong ng katabi ko na kinabigla ko. Deretso ang tingin ni Chain habang nagsasalita.

"For people, having twins gives luck. . . but not for gifteds."

Habang naglalakad kami ay nakuha ng atensyon ko ang nakita ko sa labas ng bintana. Papalapit kami nang papalapit sa nag-iisang napakalaking tore sa Academy.

"Pagdating sa mga gifteds, ang kambal ay hindi swerte. Dahil paniguradong, isa sa kanila ay malas."

"One will inherit a gift. . . and another one, will inherit a curse."

Ramdam ko ang pabigat na pabigat na tensyon. Pansin kong papalapit lalo nang papalapit ang tore. Looks like we're going there.

"We act nice, gentle, and elegant. . . not because Nyx is watching," muling sambit ni Chain.

Natigilan ako sa sinabi niya at agad niyang nakuha ang atensyon ko. Hindi ako makapaniwalang tinapunan siya ng tingin.

What is he talking about-

"It's because. . . we know that he's not the only one looking."

Bigla na lamang ako nakaramdam ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan. Napakurap-kurap akong napatingin kay Chain.

Seryoso siya at deretso ang tingin. Malapit na kaming makapunta sa pinakamalaking tore sa Academy, ang nag-iisang tore na nakakuha ng atensyon ko

"Kung ano ang mga nakikita ni Nyx. . . iyon din ang mga nakikita niya."

"The Sin who have the strongest gift among us, but was cursed."

"Nyx' twin sister, the Sleeping Sloth."



Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon