30. Nyx

17.6K 1K 72
                                    

Pare-pareho kaming natigilan sa mga pwesto namin. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa apat na bagong dating.

I've already met two of them. The Pride and the Sins' guild's master.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi at nagdikit ang kilay ko habang matalim ang tingin kay Nyx.

What the hell are they doing here?

"W-Woi, Nyx!" hindi makapaniwalang sambit ni Chain na nakaawang na ngayon ang bibig at nakatingin sa guild's master niya.

"What are you doing here?!" naguguluhan niyang tanong.

Nyx flashed a smile. Nakangiti niyang tinapunan ng tingin si Chain.

"The greed looks like he's in trouble," kaswal at elegante niyang sambit.

"Of course, as your guild's master, I should help you, am I right?" dagdag niya.

Kita ko ang pagdikit ng dalawang kilay ni Chain at pasimple niyang pag-ismid. Nanatiling matalim ang tingin ko sa lalaking tinitignan niya. I. . . I really don't like that guy.

"Hehe, what's with the collar, Chain? Are you a dog? Hehe," pagsali ng isang lalaki na ngayon ko lang nakita.

Nang pinagmasdan ko siya mabuti, doon ko lang napansin ang itsura niya. He has a curly chestnut hair that enhances his fair and pale skin. Nakalagay ang mga kamay niya sa bulsa ng pantalon at nakasuot siya ng puting shirt na hindi nakabutones sa unang dalawang butones.

Marahang naningkit ang mga mata niyang nakatingin sa amin na para bang nilalait ang buo naming pagkatao habang nakangiti.

He looks like a prince charming but with an annoying look in his face! The complete opposite of the guy beside him that looks like a villain!

"Shut up Kris! You freaking freak!" iritadong sagot ni Chain sa lalaking nang-asar sa kaniya.

Napaismid siya ulit bago tapunan ng tingin si Nyx ng magkadikit ang dalawang kilay.

"I don't need any help! I can manage this!" giit niya.

Inangat lang ng guild's master niya ang tingin nito sa kaniya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti ni Nyx sa labi at ang tingin niyang parang may gustong iparating at ipamukha sa amin— hindi namin kakayanin kung wala ang tulong niya.

"Eh?" He reacted.

Bumigat ang pakiramdam ko nang makita ang paglaho ng ngiti sa labi ni Nyx. Nagsitayuan bigla ang mga balahibo ko sa katawan sa hindi ko malamang dahilan.

"Chain. . . alam mong ayaw kong ganiyan ang tono mo ng pananalita, hindi ba?"

Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Hindi ko alam kung bakit. . . pero ang takot na nararamdaman ko kanina ay dumoble ngayon. . . dahil lang nang makita ko ang walang buhay na mga mata ni Nyx.

Hindi nakaimik si Chain sa narinig at natahimik. Pare-pareho naming nabasa ang tensyon ngayon.

I don't know why. . . but when Nyx' smile fades, I can feel the chills down my spine.

Ngayon ko lang nakita ang ganitong ekspresyon ni Chain. Hindi siya sumagot o umangal man lang.

He kept his mouth shut, being obedient.

Unti-unti siyang napaiwas ng tingin at napayuko. I can see it in his eyes. . . he's not angry or scared. . . but there's something— there's something keeping him from talking back to his guild's master.

"S-Sorry-"

"WHAT THE HELL?" biglaang pagsali ng isang boses.

Pare-pareho kaming natuhan sa narinig. Nagsitaasan ang dalawa kong kilay nang mapagtanto kong hindi lang kami ang nandito.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now