3. First Commandment

26.5K 1.6K 219
                                    

Tahimik akong naglalakad habang mabigat ang mga paghinga. Nasa gitna ako ng gubat. Walang ekspresyon ang mukha ko habang tinatamaan ako ng sinag ng araw.

Malayo-layo na ako sa bayan na pinanggalingan ko. Nasisigurado ko ring hindi pa ako nakakapunta sa lugar na ito dahil kakaiba ang gubat.

Kasing kulay ng mga puno ang langit na para bang sinasalamin ang asul na kalangitan.

I'm covered with sweat, dirt, and blood. Para akong naligo sa putik at dugo.

Hindi pa rin napoproseso ng utak ko ang mga nangyari. Walang laman ang utak ko ngayon at ayoko munang mag-isip.

I feel numb. . .

Habang naglalakad ay bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mga pangyayari kaninang madaling araw. Natigilan ako sa paglalakad at doon ko nararamdaman na nanginginig na pala ang mga kamay ko.

I killed my bestfriend. . . I killed people and destroyed our village. . .

I'm a monster. . . I'm a monster-

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng paglalakad. Mabilis akong napatingin sa pwesto niya.

A lady with a brown hair is casually walking in the middle of the forest. She looks like she's on her mid 20's. She's just wearing a brown shirtwaist dress and a hood.

Napalunok ako nang malalim nang makakita ng ibang tao. Ayokong may makakita sa akin ng ganito ang itsura ko.

Dahan-dahan akong umatras nang bigla akong nakatapak ng kahoy. Dahilan ng pagkagawa ko ng tunog.

Mabilis na natigilan sa paglalakad ang babae at inilibot ang tingin sa paligid.

"S-Sino ang nandiyan?"

Inihanda ko na ang sarili ko kung sakaling mapatingin siya sa direksyon ko. Paniguradong ipahuhuli niya 'ko kapag nakita niyang naliligo ako sa dugo.

"May tao ba riyan?"

I got ready when she's about to look at my direction.

Akmang uunahan ko na siya at susugod na ako nang matigilan ako. Nagtama ang mga tingin namin at napako ako sa kinatatayuan ako nang matauhan ako.

She's blind. . .

"Meron bang tao rito?"

Napakagat ako sa ibabang labi bago muling umatras. Mas mabuti ng lumayo ako rito at baka may iba pang taong dumating.

Maingat akong naglakad papalayo nang muli akong nakarinig ng boses. Mabilis akong nagtago sa isa sa mga puno nang makita ko ang dalawang lalaking naglalakad sa direksyon ng bulag na babae.

"Miss! Miss! Mag-isa ka lang?"

Nagtatawanan ang dalawa nang makalapit sa babae. Ni hindi man lang sila maiwasan nito dahil hindi niya magawang makakita.

Napaismid ako nang hawakan ng isa sa kanila ang babaeng kaharap. "Tara, Miss!"

Nanatili akong walang ekspresyon. Walang kaemo-emosyon akong tumalikod sa kanila.

Mas mabuti ng hayaan ko na lang sila. Hindi ko naman kilala ang babae at hindi naman ako malapit sa kaniya.

I don't care what will happen to her. It's all her fault to begin with. She's blind. Why is she walking in the forest on her own?

Nagsimula na akong maglakad papalayo. Nagbulag-bulagan at nagbingi-bingihan ako.

"P-Pasensya na kayo. Kailngan ko ng mauna-"

"Dali na sabi, Miss. Napaka-arte mo naman."

Rinig ko ang pagpiglas ng babae habang naglalakad ako papalayo. I bit my lower lip out of frustation. Fuck. . .

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon