50. Not a hero

15.2K 1.1K 219
                                    

Walang buhay ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Parang sa pamamagitan pa lang ng tingin, nagkakaintindihan na kami ni Selene.

Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ko nagawang makakibo. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasara ng kamao ko at tuluyan akong nawalan ng ekspresyon.

Her words snapped me back to reality. It made me realized that. . . we're not really different.

Napakurap-kurap ako at mariing napakagat sa ibabang labi. Napayuko ako at hindi ko magawang harapin siya nang makaramdam ako ng marahan na paghawak sa balikat ko.

Even if I'm not looking, I already know who it is.

"Woi, you don't need to think about it too much. After all, all of us here are killers," malamig na sambit ni Chain.

Napaismid ako at narinig ko ang pagtawa ng batang babaeng kaharap namin.

"Judging by what you've said, I guess you're not going to help us, aren't you?" pagsali ni Hemera sa usapan. Elegante siyang nakatayo at nakakurba ang labi sa isang ngiti at nakapikit.

The Joker chuckled. "Of course, I won't," walang pag-aalinlangan niyang sagot.

Rinig ko ang pag-ismid nina Acel at Drine.

"Bakit? Dahil ba tapat na aso ka rin ni Andina?" giit ni Chain.

Napunta ang tingin sa kaniya ni Selene na may subo-subong lollipop. Tinapunan niya ng mapang-asar na tingin si Chain na nakakurba ang labi sa isang ngisi.

"Sort of. Pero hindi lang dahil do'n." sagot niya.

Kaswal niya kaming tinalikuran para lumapit sa isa sa mga lamesa niyang napupuno ng mga kung ano-anong mga gamit. Kinagat niya ang lollipop na subo-subo at iniluwa ang stick.

"I'm not really into powers or authority stuff. Ang rason kung bakit ako nandito ay hindi dahil may pangarap ako para sa mundo katulad nila."

Kumuha siya ng isang tube na may lamang itim na likido at inikot-ikot ito bago kami muling tapunan ng tingin.

"I just wanted to have fun." She smiled.

"At hinahayaan ako ni Andina gawin ang lahat ng gusto ko. Mula sa mga kakaibang eksperimento, mga bagay na makasisira ng pagkatao ng isang indibiduwal, at kung ano-ano pa."

"In short, you're a psychopath, just like them," pagsingit ni Nyx.

Nakangising napailing ang batang kaharap namin.

"No, I'm a genius."

Kumuha siya ng panibagong tube na may puting likido at pinaghalo niya ang itim at puti sa iisang tube na walang laman.

"You won't understand our point of views. Dahil para sa inyo, kayo ang tama." Biglaang nagbago ang ekspresyon ni Selene. Walang kaemo-emosyon niya kaming tinignan ulit. "Fucking brats, for me, you're the psychopaths."

Nang paghaluin niya ang dalawang likido ay imbis na maghalo ang mga kulay, parang kalawang itong namuo sa tube. Napaismid si Selene bago nakasimangot at iritadong napaupo ulit sa swiveling chair.

"Anyways, I only want to have fun. Iyong may napapala ako. Mas mabuti sana kung espesyal ang kaso mo. . . para nga lang sa iba, kaso para sa 'kin, alam ko na 'yan." She looked at me with a lazy look. "I don't care what will happen, it's your fault to begin with."

I was taken aback by what she said. Parang may kung anong tumusok sa akin at nawalan ako ng lakas ng loob para sumagot sa kaniya.

"Woi, that's enough. Even if you're a girl, I won't tolerate that kind of behavior," pagsingit ni Chain.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now