37.5 The first Villain (PART 1)

18.6K 962 152
                                    


ALEJO'S POV 2 YEARS AGO (FEW MONTHS BAGO PUMUNTA SI CLEOFA SA NOCTURNE ACADEMY)

Madilim at malamig ang paligid. Dahil na rin siguro na napalilibutan lang kami ng mga bato dahil underground ito. Tanging ang mga torches lang ang nagsisilbing liwanag namin dahil walang kahit anong ilaw mula sa itaas ang tumatama rito.

Pero sa kabila ng lamig. . . nag-iinit ang mga tingin ng bawat isang nandito. Pabigatan sila ng presensya dahilan ng mabigat na tensyon sa silid.

All of the Big Shots are here. . . together with their right hands and some of their trusted members.

Kani-kaniya silang pwesto at nasa gitna namin ang napakalaking pugon na mas lalong nagpapainit pa ng silid. Nanatili akong nakatayo sa isang gilid at nakasandal sa pader.

I remained expressionless, maintaining my serious face. Sinisigurado kong makukuha sa itsura ko pa lang ang kahit sinong lalapit o makakakita sa akin. Makuha sa tingin kung gaano kalaki ang lakas sa pagitan namin.

Isang bagay na kabaliktaran na kabaliktaran sa kung paano ako nakikita sa itaassa labas ng Underground Association.

Hindi nagtagal ang paghihintay namin sa silid. . . nang ang kaninang mabigat na tensyon, ay dumoble pa ngayon. Rinig namin ang kada yapak ng takong ng babaeng naglalakad papunta sa gitna ng silid. Ang taong nagpatawag ng pagpupulong na 'to.

One of the Big Shots, Andina, alias Cobra.

Mabilis na naningkit ang mga mata ko nang mapansin kong hindi siya nag-iisa. Kapwa ko ay mabilis na nagsiiwasan ng mga tingin ang mga taong nasa silid nang mapagtanto na hindi lang mag-isa si Andina.

For pete's sake, she's with her gorgon familiarEuryale.

"Oh, masyado ba kayong nasilaw sa kagandahan ko?" natatawang pang-aasar ni Andina nang mapansin ang pagsiiwas namin ng mga tingin. Napaismid ang karamihan sa sinabi niya.

"Tumahimik ka, babae. Alisin mo ang ahas na 'yan," iritadong sambit ni Ofran, alias Agila.

Tawa ang sinagot sa kaniya ni Andina bago pumalakpak. Kasunod nito ay ang pagwala ng presensya ng gorgon dahilan ng pagbalik namin ng mga tingin sa kaniya. "Nakikipagbiruan lang naman ako sa inyo," pagdadahilan niya na muling kinaismid namin.

Nanatili akong walang kibo at matalim ang tingin sa kaniya.

"'Wag ka ng mag-aksaya ng oras, Andina. Anong rason bakit mo kami pinapunta rito?" deretsong tanong ni Deus, alias Barabbas.

Kumurba ang labi ng babaeng tinitignan namin na para bang inaasahan na niya na marinig 'yon. Nagkrus ang mga braso niya at nagsimula siyang maglakad-lakad at ilibot ang tingin sa paligid.

"Handa na ang mga preperasyon. . ." panimula niya habang iniikot ang tingin.

"Handa na rin kami. . ."

Pabigat nang pabigat ang tensyon at dumidiin at lumalalim ang tono ng pananalita niya. Natigilan ako nang nahinto ang pag-ikot ng tingin ni Andina at napako ang tingin niya sa akin.

"Ano na, Alejo? Hanggang kailan mo kami paghihintayin?"

Nagsipunta ang mga malalamig at matatalim na pares ng mga mata sa akin. Kahit naramdaman ko ang pagsitaasan ng mga balahibo ko sa katawan, pilit kong pinakalma ang ekspresyon ko bago ako magsimulang matawa.

Ramdam ko ang matalim na tingin sa akin ni Andina na nanatiling nakakrus ang braso. Nakakurba rin ang labi niya sa isang ngisi pero bakas na bakas sa mukha niya na hindi siya natutuwa sa akin.

"Nababagot na 'ko sa mga palaro mo, Alejo. Kailan mo sa 'min ihaharap ang pamangkin mo?" kaswal na sambit niya ngunit may tono ng pagbabanta.

Natigil ako sa pagtawa at hinabol ko ang tingin niya. Looks like. . . I won't get away with this easily.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon