34. Solar Academy

18.1K 1K 104
                                    

We were greeted by a cold breeze at the other side of the portal. Dumampi sa balat ko ang paghampas ng malamig na hangin, pati na rin ang malalamig na pagpatak ng ulan.

Mabilis akong nabuhayan ng dugo nang maramdaman ko ang pag-ulan. Pero hindi pa 'ko tuluyang nababasa nang husto, nakaramdam na 'ko ng pagkakaroon ng harang sa ulunan ko.

Napatingin ako kay Chain na nanatiling deretso ang tingin at pinapayungan ako.

He used his gift in just a snap, to cover us from the rain. Malaki ang payong na ginawa niya para masilong kaming lahat-

Maliban kay Acel na gamit ang sariling gift para pansilong sa ulan. Nakasimangot siya habang masama ang tingin kay Chain na sadyang itinututok ang dulo ng payong namin kung saan tumutulo ang ulan sa ulunan niya.

"Oh, we're on Resoir, huh?" Pag-angat ng ulo ni Nyx sa itaas para tignan ang pag-ulan. "A town where the rain never stops," muling kumento niya.

He smiled before glancing at us in the back. "Let's go," nakangiting pag-aya niya bago maunang humakbang.

Natauhan ako sa sinabi niya at doon ko napagtanto kung nasaan kami nakapwesto. Unti-unting namilog ang mga mata ko at napaawang nang kaunti ang bibig nang dahan-dahang umangat ang tingin ko sa harapan namin.

Nasa tapat kami ng napakalaking gate. And when I say huge, it's really freaking huge!

Sapat na para hindi ko makita ang tuktok dahil sa makulimlim na kalangitan at natatakpan na rin ito ng ulap. Gawa sa makapal na semento ang matataas na pader na humaharang sa amin.

Hindi ko mapigilang matulala. Sigurado akong kahit mahanap ng kahit anong Dark guild ang academy na 'to, hindi pa rin nila magagawang makapasok sa loob.

For pete's sake, it's really impossible to cross this gate!

"Hurry, before it disappears," muling ani Nyx na nagpabalik sa akin sa katotoohanan.

Napako ang tingin ko sa kaniya nang itapat niya ang pulso niya sa tapat ng gate. Doon ko lang nakita ang tattoo na nasa pulso niya. Isang tattoo na nakita ko na noon. . . the upside down cross.

Kusang bumukas ang napakalaking gate nang itutok ni Nyx ang tattoo niya sa bukasan nito. Kasabay nang unti-unting pagbukas ng gate ay ang unti-unti ring pagtaas ng mga kilay ko at pamimilog ng mga mata.

For the second time in a row, my mouth fell open.

Hindi ako makapaniwalang napatingin sa Academy na sumalubong sa amin sa likod ng napakalaking gate.

"Hehe, welcome to Solar Academy!" Pag-welcome sa amin ni Kris na sumunod kay Nyx sa pagpasok sa loob.

Dahan-dahan akong humakbang papasok sa gate na hindi kumukurap at nakapako ang tingin sa harapan.

So this is. . . what Solar Academy looks like.

Tila parang ibang lugar ang pinasukan namin dahil saktong pagtapak ko sa loob ng gate ay ang pagwala ng ulan. Sa kabila ng makulimlim na kalangitan sa pinaggalingan namin, maaraw rito sa Academy.

Ramdam ko ang paghampas ng preskong hangin at ang pagtama ng sinag ng araw sa amin. But rather than a castle, the Academy itself looks like a freaking fortress.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Halatang mahigpit ang eskwelahan na 'to base pa lang sa itsura nito.

Instead of a beautiful garden that are full of colorful flowers, huge rocks greeted me in front of the Academy. Naglalakihang mga bato na para bang pinasadya ang nakalagay sa harapan.

Naaagaw rin ng pansin ko ang napakalaking tore sa gitna ng fortress na para bang sadyang pinagawa dahil ito lang kaisa-isang tore na nandito. Wala man lang makukulay na bulaklak o mga rebulto na pampabuhay sa lugar na 'to.

But to my surprise. . . imbis isang gubat ang sumalubong sa akin sa paligid ng Academy. . . matitingkad na kulay dilaw ang bumungad sa akin.

A sunflower field.

"Ang pinakaunang principal ng Solar Academy ang nagpagawa niyan," sambit ni Chain na hindi ko napansin na tumabi at lumapit sa akin. Kapwa ko ay nakatingin din siya sa naggagandahang mga dilaw na bulaklak na nakapalibot sa eskwelahan.

"It's said that sunflowers reminded her of someone. . ." nakangiting dagdag niya. "Some alien who has a yellow skin, I guess?" He chuckled.

Nawala ang pagkatulala ko at hindi maipinta ang mukha ko nang malipat ang tingin ko kay Chain. Walang kwenta na ang huli niyang sinabi.

"Tara na," sambit ni Nyx na nauunang maglakad.

Sunod-sunod kaming sumabay sa kaniya sa paglalakad. Magkakatabi si Kris at ang babae nilang kasama. Nasa likuran kami ni Chain na nasa tabi ko at si Acel na nasa kabila.

Pumasok si Acel sa loob. Sinalubong kami ng isang malawak na bungad pagkapasok. Gawa sa malalaking bricks ang pader at kisame. Isang napakalaking chandelier ang nasa gitna ng silid na nagbibigay liwanag sa paligid.

Gawa sa kahoy ang lapag at meron ding nagsisilakihang mga pillars sa loob. Nagbibigay buhay ang mga pulang kurtina sa loob at ang iilang mga estatwa.

"Nyx! You're back!" nag-echo ang isang matinis at maliit boses sa silid.

Pare-parehong naagaw ang mga pansin namin ng isang maliit na lalaki na tumatakbo para salubungin kami. Tumaas ang dalawang kilay ko na nakatingin pababa sa kaniya.

He's kinda fat and small. . . like a human troll.

He's wearing a formal suit with a tie. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti nang sinalubong ang mga kasama ko.

"Mabuti ay nakabalik kayo kaagad!" muling sambit ng maliit na lalaki.

Isang ngiti ang pinakita sa kaniya ni Nyx. "It's not that hard to find Chain, professor Mor," nakangiti niyang sagot sa lalaki.

What Nyx said slightly caught my attention. Not that hard to find Chain. . . huh.

"Oh, well you're his guild's master after all," natatawang sagot ng professor kuno nila. "Anyways, did you bring her-"

Inilibot niya ang tingin niya sa amin at tila napako ang tingin niya sa akin. I saw his expression changed in a snap as he paused for a moment.

Napatingin din sa akin sina Nyx nang mapansin nilang natulala sa akin ang professor nila. Kita ko ang pagseryoso ng ekspresyon ni Nyx at ang paglaho ng ngiti niya sa labi nang makita ang naging reaksyon ng professor nang makita ako.

"Professor," pagtawag ni Nyx na nagpabalik sa professor nila sa katinuan.

Napakurap-kurap ito bago muling mapatingin sa direksyon ni Nyx. "O-Oh, I'm sorry. My mind got lost for a moment," mabilis niyang pagdadahilan.

Hindi kumibo ang mga kasama ko. "Nandiyan po ba si Principal Bora?" pagtanong ni Chain na nakakuha ng atensyon ng professor.

Tumaas ang dalawang kilay nito sa tanong ng kasama ko bago mabilis na umiling. "H-He's out for a while. Pero babalik din siya maya-maya," sagot niya.

Tahimik ako at walang kibo sa pwesto ko nang muling mapunta sa tingin sa akin ng professor nila.

"While waiting for him. . . I think you should need to know some things," sambit niya sa akin na nakakuha ng atensyon ko.

Huminga nang malalim si professor Mor bago muling magsalita.

"You should talk to her."

"The person who wanted to bring you here. . . and the first person who knew about your existence."

"One of the sins, the Envious Theorist."


Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now