51

29 2 0
                                    

“What do you want me to do?” 

Makailang beses akong pumihit ng malalim na paghinga. Hindi ako mapalagay at kanina pa ako kinakabahan. 

Lintik! 

Nilingon ko si Aven na abala sa hawak niyang rubik’s cube. Napangiwi pa ako nang makitang may subo-subo itong lollipop. 

“What do you want me to do?” tanong niya ulit. Hindi ko naman naintindihan dahil ugong lang naririnig ko. Sunod kong nakitang tumulong laway mula sa bibig niya. 

“Salahula!” 

“Ikaw lang naman ang nakakita. Okay lang ‘yan!” sabi niya sabay punas sa gilid ng labi niya. 

“Yuck, disi-otso ka na pero tulo-laway ka pa rin!” 

“Huwag kang maingay!” He laughed harder. “Parang hindi tumutulo laway mo kapag natutulog ka, ah?” 

“Hindi naman talaga!” 

“Oh? Hindi? Talaga ba?” 

“Hindi nga!” angil ko. “Kaygwapo mong tao, dugyot ka naman!” 

“Woah! Am I handsome, then?” 

Tila natuwa pa siya sa narinig. Nakangising siyang humarap sa akin habang hawak ang kaniyang baba.

“Madumi ang tainga mo, namali ka lang ng dinig!” 

Ngumuso siya. “Sa ‘yo na nanggaling, gwapo ako!” 

“Tumigil ka nga!” I shouted, bahagya ko siyang tinulak. “Wala ka bang klase?” 

“Break time namin,” he answered. “Ikaw ba? Bakit nandito ka sa field?” 

“Nag-cutting class ako.”

“What?!”

“Nagcutting class ako, bingi lang?” 

“Bakit ka nagditch ng class?”

Nagkibit balikat ako. “Wala...”

“Ano? Trip-trip mo lang?” 

Mahina akong napatango. Napabaling ang tingin ko sa malawak na field. Tirik na tirik ang araw ngunit hindi ko man lang maramdaman ang init no’n. Nanlalamig ang buo kong katawan at kulang na lang magbalot ako ng kumot. 

“There’s a lot of people struggling with their studies... They can’t afford to enter school...” biglang wika niya kaya napunta ulit ang paningin ko sa kaniya. “Study hard, Rosane... That’s the other way to get revenge on the people who look down on you..”

I rolled my eyes. 

Wala naman akong pakialam sa mga taong nangmamaliit sa akin. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral pero kasi... 

Sa sitwasyon kong ngayon...

Ang hirap kumilos...

Ang daming sagabal at nakamatiyag sa mga kilos ko... May mga matang nakamasid… 

“Oh!” 

Napairap ako nang bigla siyang tumayo at nag-inat. Pinagpagan niya pa ang pang-upo niya at humarap sa akin. 

“I forgot, I have something important to do. Mauna na ako!” nakangiti niyang saad at saka ginulo ang buhok ko bago tuluyang tumalikod papaalis. 

“Bwisit! Ang hirap magsuklay!” 

Inis kong pinadaan ang daliri ko sa buhok ko. Magulo na nga, lalo pang nagulo! Punyeta naman! 

Naisipan ko na lang bumalik sa classroom kahit pa nababanas ako sa bago kong mga kaklase. Pagpasok ko ng room, sumalubong sa akin si Syrone. Hindi ko naman siya pinansin at nagdire-diretsong tumungo sa upuan ko. 

MADNESS IN LIFEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt