The Real Savage

3.3K 122 21
                                    

This will be the last chapter. The epilogue will be Updated soon. Thanks for waiting patiently and joining our Naughty Thaysky and Goofy Zedrick's rodeo adventure. 😊 Please make me smile and vote by clicking that star at the bottom of your screen. Enjoy reading!

THE MOMENT they entered the elevator going to the fourth floor, she couldn't hear anything aside from her heart's rapid beat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

THE MOMENT they entered the elevator going to the fourth floor, she couldn't hear anything aside from her heart's rapid beat. Her Auntie Criselda was talking with Eury, but she can't hear them properly. The fact that they are just behind her. All her attention was on the number on the screen as it changed to three and finally four.

Bumukas ang pinto ng elevator. Tahimik silang lumabas doon at naabutan si Dorothy kasama ang dalawa pa nitong kaibigan na babae. Mga kapwa na naluluha habang kausap ang panganay na anak ng Hetch at si Don Benedict.

"Bakit dinala niyo dito 'yan?"

Tumaas ang kilay niya sa binungad ni Dorothy. "Wala ba akong karapatang makita ng fiancé ko?"

"Sky, it's not like that," Joffrey defended.

Lumapit si Don Benedict sa panganay nitong anak upang ipatong ang kamay sa balikat. "Let her, son."

Seeing Dorothy cried made her angry. Patay lang ang iniiiyakan. Her Zedrick won't die. He will survive. She was sure of that. She filled her chest of air before punching the door lock. Kusang nagbukas ang pinto. Giving her a proper view of her precious man who's peacefully asleep.

Sinikap niyang magpakatatag, kahit pa nanghihina ang kanyang bawat binti upang makalapit. Mula sa likod ay narinig niya na ang pag-iyak ng Auntie niya. Hindi siya iiyak. Hindi siya magpapalinlang sa lahat ng ito. Natutulog lang si Zedrick. He will wake up as soon as he hear her voice.

Marahan niyang hinawakan sa kamay ito. His big and rough hand was warm against her small hand. Pinagsalikop niya iyon bago tumitig sa mukha nito. He had this bandage on his head. He must be hit on that spot.

"Why are you still lying here? Get up, sleepyhead."

Kusang lumandas ang luha sa kanyang pisngi. Piniga niya ang pagkakahawak sa kamay nito at naupo sa gilid. Ayaw niyang ipakita sa kanilang wala ng pag-asa dahil mayroon pa. Alam niya sa sarili niyang lalaban si Zedrick. Hindi siya iiwan nito.

"Tapos na ang launching. Napanood mo ako hindi ba? Maganda ba ang mga designs ko? Answer me, Zed. Your feedback is important for me. Alam mo namang ikaw ang number one fan ko. Wake up, Baby. Wake up." Idinikit niya ang noo nito sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang bugso ng damdamin. "Fine. Payag na ako sa limang anak na gusto mo. Kahit team pa ng volleyball or baseball, gumising ka lang. Please!"

Inangat niya ang kanyang sarili rito. Minasdan ang posibleng pagbabago sa galit nitong normal na expression. Sadly, he didn't moved. Maybe she needed to be harsh this time? "Kapag hindi ka gumising diyan magpapakasal ako sa iba. Sige ka! Gusto ba 'yon?"

The Scent Of Savage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon