19. Her

20.5K 1.1K 269
                                    

Tuluyang natakpan ng pakpak ng nilalang nasa kalangitan ang araw. Kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang paghampas ng malamig na hangin.

It's too dark. . . the whole sun was blocked. . .

Naglabas ng matinis na tunog ang Ziz sa langit. Kasabay nito ay ang pagkaramdam ko nang unti-unting pagtumba ni Chain.

Kusang gumalaw ang katawan ko para saluhin ang pagtumba niya. "H-Hey-"

Mukhang nawalan siya ng malay. His familiar took all of the strength he has left.

"B-Bwisit! Sinong mag-aakala na 'yong batang lalaki pala na 'yon ang may-ari sa Ziz?!" Rinig kong sambit ni Barabbas.

Natauhan ako sa narinig. Doon ko lang napansin nang mahawakan ko si Chain ay hindi lang puro dilim ang nakikita ko.

Kahit tuluyang nandilim ang paligid na wala ka talagang makikita ni isa, nakikita ko pa rin ang mga pwesto ng mga kriminal na nakalibot sa 'min.

I can see it. . . the blood flowing in their bodies. . .

Namilog ang mga mata ko sa nakikita. Tanging ang mga kalaban lamang ni Chain ang maapektuhan ng kakayahan ng familiar niya. . . dahil nagagawa niya pa rin silang makita kahit sa dilim.

I looked at the guy I'm holding. So this is his and his familiar's power.

"Hanapin niyo 'yong dalawa!"

Nabigla ako sa narinig. Napatingin ako sa mga posisyon nila at pare-pareho na silang nagsikilos.

Tatlong minuto. . . 'yon ang sinabi sa 'kin ni Chain na kayang itagal ng familiar niya. Wala na 'kong oras para tumunganga rito.

Mariin kong hinawakan si Chain. Kasabay n'on ay ang pagbabago ng mga mata ko.

I closed my right eye, using my left instead.

Uubusin ko na ang lahat ng natitirang lakas ko sa gagawin kong 'to. Swertihan na lang kung makalayo kami ng kasama ko sa loob ng tatlong minuto.

Pinalibutan ng malalambot at maninipis na ugat si Chain para hindi ako mahirapang alalayan siya. Kasunod nito ay ang paggamit ko ng gift ko.

Pare-parehong natigilan ang mga nagbabalak na habulin kami nang nagsigalawan ang mga puno. Kahit madilim ang paligid ay naririnig namin ang paghampas ng mga dahon sa isa't isa.

Nagsilakihan at humaba ang mga sanga ng mga puno. Tinrap nito ang mga taong nasa paligid namin ni Chain.

"Put- Anong-"

Kinuha ko ang chansang 'yon para tumakbo sa kabilang direksyon nila. I didn't waste a second and I didn't look back.

Pareho na kaming wala sa posisyon ni Chain para lumaban. Kailangan na muna naming umatras ngayon.

Wala akong nakikita sa sobrang dilim. Pinakikiramdaman ko lang ang mga puno sa gubat para hindi kami makatama ng isa ng kasama ko. Hindi pa 'ko nakararating sa parte ng gubat na 'to at hindi rin ako gaanong pamilyar sa lugar.

Kung sakaling makalayo kami ni Chain, hindi pa rin sigurado na makakatakas talaga kami.

Patuloy ako sa pagtakbo nang mapansin kong unti-unti ng lumiliwanag. Napaismid ako nang mapagtanto kong tapos na ang tatlong minuto.

I glanced behind me to find Andana quite far from us struggling to get out from the trunks.

Pero hindi rin ito nagtagal dahil walang kahirap-hirap nilang pinagsisira ang mga tangkay ng puno. Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan nang makitang kahit ilang metro na ang layo namin ay nagtama pa rin ang tingin naming dalawa.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon