15

398 18 7
                                    

15 : Last

"What?!" sabay na tanong ni Mariel, Shiela at Trixia nung sinabi ko sa kanila ang pinag-usapan namin ni Deah, kahapon.

"Langyang babae yun, may prove you wrong prove you wrong pang nalalaman, tingnan ko lang kung may mukhang maipakita pa siya kung hindi siya magtagumpay," mukhang mas apektado pa itong si Trixia kesa sa akin ah.

"Guys, chill," I said dramatically while patting their backs.

"Ay shet! May quiz pala next subject," biglang saad ni Mariel kaya umayos siya ng upo, malakas naman akong napasinghap bago umayos ng upo.

"Akala mo naman mag-re-review," bulong ko at narinig naman ni Trixia na katabi ko kaya walang pag-aalinlangan bigla niya akong hinampas habang tumatawa.

"Aray! Ba't nanghahampas kang engot ka?!" pasinghal kong sabi kay Trixia. Ay talagang sinabi niya pa kay Mariel ang binulong ko kaya may part 2 yung paghampas sakin. Haha, ang saya.

Natahimik na naman kami nung biglang tumayo si Deah sa kinauupuan niya at lumabas ng room ng walang sabi-sabi.

"Anyare dun?" tanong ni Trixia nung makalabas na si Deah.

"Emergency yata, baka nabutas yung panty," napahagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Shiela. Mukhang seryoso pa siya sa sinabi niya eh.

Nung natapos ang klase, napag-isipan ko na mamayang uwian nalang ako pupunta sa practice ng basketball team.

Kaninang nag-quiz kami ay hindi na bumalik si Deah. Akala mo special student siya na bibigyan ni ma'am ng special quiz. Tsk! Syempre hindi. Agad zero siya kaya siya agad ang lowest sa amin.

"Tambay tayo mamaya sa fishball-an?" tanong ni Trixia habang naglalakad kami papunta sa canteen.

"Hintayin niyo ako, may practice sila Elion," saad ko sa kanila.

"Ay shet! Pwede makinood? Daming gwapo dun eh," nag-apir si Mariel at Trixia.

"Akala ko ba may mga jowa na kayo?" napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Pumasok na kami ng canteen at halos sabay-sabay kaming napangiwi nung makita namin sila Deah na ang lalakas ng tawa na akala mo papansin. Nagkatinginan kaming apat bago naghanap ng pwesto.

Matapos kumain ay bumalik na kami sa room, nag-check na kami ng mga sagot sa quiz. As usual second to the lowest si Elion tapos ako eh medyo sumabit naman sa pasadong score.

"Elion! Sabihin mo kay coach na pupunta ako sa practice," tumango si Elion bago lumabas ng room para mag-practice. Lumingon ako kila Shiela na nag-aayos na ng mga gamit para makasama sa akin sa practice nila Elion.

"Ay weyt, mauna na muna ako senyo. Bili lang ako ng mga tubig baka kase ubos na yung tubig nung mga players. Punta nalang kayo sa court,"

"Gege," sagot ni Trixia kaya lumabas na ako sa room. Napadaan ako sa clinic nung makita ko si Cadmus na kasama si Dylan na nakabenda ang paa.

"Hala anyare sa kanya?"

"Nagka-injury baka hindi siya makalaro niyan sa tournament," sagot ni Cadmus nung makalapit ako sa kanila.

"Makakalaro ako," saad ni Dylan habang nakaakbay kay Cadmus.

"Una na kami manager, para makaupo na toh," tinanguan ko sila Cadmus bago sila naglakad palayo. Napalingon ako sa pinto ng clinic bago naisipang pumasok para kumuha ng ekstrang benda para sa injury ni Dylan.

Mula sa peripheral vision ko, napansin ko ang isang pamilyar na tao na nakaupo sa higaan habang kinukusot-kusot niya ang mata niya. Nakatulog yata siya. Hindi na ako nag-ambang kausapin siya.

"Ma'am, pwede Pong makahingi ng benda?" tanong ko sa babaeng nurse. Binigyan niya naman ako ng benda kaya lumabas na ako ng hindi kinakausap si Javi.

Pagkalabas ko ng clinic may biglang humarang sa harapan ko dahilan para mapatigil ako sa paglalakad.

"Are you ignoring me?" nanlaki ang mata ko nung bumungad sa akin ang may sugat na labi ni Javi at ang mapupungay niyang mata.

"Huh? Hindi noh! Parang tanga toh, tabi mainit!" lalagpasan ko na sana siya pero pinigilan niya ako. Tangina naman oh.

"You're telling me, that you're not ignoring me but your actions shows otherwise," magkasalubong ang kilay niya habang sinasabi niya iyon sa akin.

"Weh?" mukhang ako pa yata ang mukhang tanga sa aming dalawa. Hays.

"May problema ka ba?" tanong niya sa mas malambot na boses. Medyo nagulat pa ako dahil doon.

"Wala noh-"

"May problema ba tayo?" napangiwi ako sa tanong niya. Habang seryoso ang ekspresyon niya na nakatingin sa akin.

"Luh! Walang tayo noh," inirapan ko siya.

"Well, if you want. Tayo na-" medyo kinabahan ako sa salitang lumalabas sa bibig niya kaya bago pa niya iyon matapos, inunahan ko na siyang magsalita.

"Puntahan mo na si Deah, baka hinahanap ka nun," saad ko bago nag-ambang lampasan siya.

"Wait, you're mad at me are you?"

"Bat ako magagalit sayo?" nakangiwing bulalas ko kay Javi.

"But Zani, mukha kang galit kaya iniiwasan mo ang pagkatao ko," madramang bumuntong hininga si Javi. Dahilan para mapabusangot ako.

"Okay, Javier. Hindi ako galit sa iyo okay?" tumango naman na parang bata si Javi.

"Pero bat di mo ko tinatawag na Javi?" parang batang nagtatampo etong si Javi kaya napailing-iling nalang ako.

"Bat pati yun napapansin mo?" napanguso naman siya sa sinabi ko.

"Oh sige na, puntahan mo na si Deah," pagtataboy ko sa kanya.

"May papagawa ka ba saakin? Tell me and I'll do it quickly so after that I can spend my time to you," saad niya bago inayos ang uniform niya at neck tie.

"Ganito, puntahan mo si Deah tapos-" natigil ako sa pagsasalita nung maalala ko ang pinag-usapan namin ni Deah, kahapon. Ipapakita niya sa akin na mapapasakanya si Javi ng wala ang tulong ko.

Kaya ngayon, dapat ay hindi ko na kinakausap si Javi.

Tinitigan ko si Javi na naghihintay ng sasabihin ko na akala handa siyang gawin kahit ano ang iutos ko. Napangiti ako sa kanya dahilan para mapalitan ng pagtataka ang determinado niyang ekspresyon kanina.

"You know what Javi? You did a good job. This might be the last time we'll be together, cause we don't have any business with each other now. Susuko na ako sa deal natin na sa loob ng isang buwan dapat mapalapit ko kayo ni Deah," saad ko bago bahagyang ngumiti kay Javi.

"What do you mean?"

"Hindi na kailangan ni Deah ng tulong ko para mahulog ka sa kanya, alam kong magtatagumpay siya," napansin ko ang kakaibang tingin ni Javi sa akin.

"Hindi ako mahuhulog sa kanya-"

"Tsk! You and your excuses. Masasabi ko lang sayo, follow your heart," I said to him before patting his head. Katapos nun ay agad ko na siyang iniwan sa pwesto niya.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now