13

406 14 15
                                    

13 : Her side

"Manang!"

"Ate!" kabukas na kabukas ko ng front door namin, ang tatlong maliliit na mga panda ko ang sumalubong sa akin.

"Namiss ko kayo mga baby ko," malambing kong saad sa tatlo kong kapatid. Triplets sila, tapos parang boy version ko pa sila. Ang cute nila.

Lumuhod ako para mayakap nila ako ng mabuti.

"Ang babango naman," saad ko at hindi ko namalayan na kanina pa pala nakatayo sa may gilid si manang.

"Ate! Ate!" pilit akong hinaharap ni Zayden sa kanya habang nakatingin ako kay manang na mukhang may sasabihin sa akin.

"Ate is mine!" saad naman ni Zuri bago bahagyang tinulak si Zayden.

"Don't fight," saad naman ni Zion, na pinakamatanda sa kanila.

"Anong sasabihin mo manang?" tanong ko kay manang bago tumayo habang nakayakap pa din yung tatlo sa mga binti ko.

"Baka gabihin daw si sir," tumango ako kay manang bago ginulo ang mga buhok ng mga kapatid ko. Limang taon na sila at tatlong taon na din simula nung huli nilang makita si mama.

Napangiti ako ng mapait nung maalala si mama. She's currently in hospital. Cause she's comatose.

Simula nun, ako na ang tumayong nanay nila Zion. Habang si papa naman ay nagtatrabaho para matugunan ang mga pangangailangan namin atsaka sa mga hospital bills ni mama. Sabi nung doktor nun, unti nalang ang pag-asang magising si mama pero si papa? Hindi sumuko. Alam niyang isang araw magigising si mama at magkakasama ulit kami.

Ever since I'm a child, I adore their love. Minsan ko na ngang hiniling na sana maranasan ko ang true love kagaya ng kila mama. Pero mukhang malabong mangyari yun, kaya ngayon ako nalang ang napag-iiwanan samantalang yung iba kong tinulungan, nahanap na yung true love nila.

Well, maybe soon. Baka dumating na ang para sa akin kaya handa akong maghintay. Kagaya ng paghihintay at pag-asa ni papa na magising si mama.

"Sige iha, maiwan ko muna kayo,"

"Sige manang, ingat po," tumango si manang bago lumabas ng pinto, tiningnan ko ang mga kapatid ko na nakatingala sa akin. Nginitian ko sila bago niyaya na pumunta sa sala.

"So how's school?" tanong ko sa kanila nung nakaupo na sila sa sahig at nakaharap sa akin. Langya, parang ako ang reyna nila ah. Parang gusto ko tuloy magkaroon ng baby. De joke.

"It's fine! Pero si Zion po nakipag-agawan ng ballpen," sumbong ni Zuri habang nakaturo kay Zion.

"It's mine," nakabusangot na sagot naman ni Zion nung pinandilatan ko siya ng mata.

"Your ballpen is old, you can buy another one," napunta ang atensyon ko kay Zayden na nakakrus ang dalawang braso habang nakatingin sa dalawa niyang kambal. Minsan talaga iniisip ko na sa akin nagmana ng ugali etong si Zayden.

"Wait? Ballpen?! Gumagamit na kayo ng ballpen?! Jusko mga bata pa kayo oy!" gulat kong tanong sa kanila. Tiningnan lang nila ako.

"No ate, Zion just want to call it ballpen kase daw you're using ballpen while we're using pencil, and he wants to use ballpen too so he keeps thinking that he's using a ballpen," nakanganga lang akong nakatingin sa kanila bago umiling at iniba ang usapan namin.

Talino ng mga batang toh, bakit nung kasing edad ko sila hindi pa ako nakakapagsalita ng English?

"Kumain na ba kayo?" tanong ko bago tumayo sa pagkakaupo ko sa couch.

"Ate, can you cook for us?" tanong ni Zuri na pinakabunso sa kanilang tatlo.

"Sige, para mawalan tayo ng bahay dahil sa sunog," sagot ko dahilan para mapanguso siya. 16 years ang agwat ko sa kanila, langya gurang na ako kapag malaki na sila.

Napunta ang atensyon namin ng mga kapatid ko nung biglang bumukas ang front door namin, at doon inilabas si papa kasama ang secretary niya na si kuya Jake.

"Papa!" agad siyang sinalubong nina Zayden kaya lumuhod si papa at sinalubong ang tatlo. Napunta naman ang atensyon ko kay kuya Jake. Nung panahong naglalaro pa ako ng tumbang preso at chinese garter, crush ko siya eh.

Tinanguan ako ni kuya Jake kaya nginitian ko siya bago bumaling kay papa.

"Pa, akala ko po ba aabutin kayo hanggang gabi?" tanong ko kay papa kaya bumaling siya sa akin bago hinalikan ang noo ko. Nakasanayan na ni papa na halikan ako sa noo sa tuwing aalis siya, darating siya, at bago matulog. Gawain niya na yun simula bata pa ako.

"Naisip ko lang na baka wala kayong kasama dito," sagot ni papa bago ngumiti.

"Boss, lagay ko na po ba to sa kusina?" tanong ni kuya Jake kay papa kaya tumango si papa.

"Pa? Pwedeng bukas bisitahin ko si mama?" napangiti si papa sa tanong ko bago bahagyang ginulo ang buhok ko. Si papa lang ang hinahayaan kong humawak sa maganda kong buhok.

"Pwedeng-pwede nak," sagot ni papa. Pumunta na si papa sa kusina habang nakasunod si Zion at Zayden. Si Zuri naman ay nakatayo sa tabi ko bago hinawakan ang dulo ng damit ko. Kapag ginagawa niya yon sa akin, ibig sabihin ay gusto niyang magpabuhat, kaya binuhat ko siya bago naglakad patungo sa kusina.

"Saan ka pala galing kanina?" tanong ni papa matapos umalis ni kuya Jake dahil pinauwi na siya ni papa.

"Mall po," sagot ko bago sinubuan ng dalang pagkain ni papa si Zuri na naka-kandong sa akin.

"Musta pag-aaral? Hindi ka ba sasama sa trip na provided ng school niyo?" umiling ako. Napangiti naman ng mapait si papa. Eto na naman kami sa usapan na ito.

"Anak, bakit hindi ka sumama? Para naman mag-enjoy ka kahit tatlong araw lang? Ako na ang bahala kila Zayden," saad ni papa kaya napabuntong hininga ako.

"Pa, ako nalang ang bahala kila Zion, magpahinga ka nalang po," saad ko bago ngumiti.

"Atsaka nangako po ako sa kanila na pupunta kami ng perya, at naisip ko po na sa araw ng trip dun ko nalang sila dadalhin sa perya," saad ko kay papa kaya napabuntong hininga siya bago tumango.

"Oh sige, sa kwarto muna ako at magpapahinga," tumayo na si papa bago kinuha ang bag niya.

"Tawagin ko nalang po kayo kapag kakain na," tumango si papa bago umakyat papunta sa kwarto nila ni mama. Bukas, bibisitahin ko si mama sa hospital.

Napunta ang atensyon ko sa phone ko na nakapatong sa lamesa. I-text ko ba si Javi at tanungin kung nakauwi na siya?

Tsk, bahala siya.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now