07

423 18 8
                                    

07 : Close

"Tama ba yung nakikita ko?" tanong ni Trixia habang naglalakad kami sa labas ng Unibersidad.

"Bakit?"

"Si Javier at Deah! Sabay na lumabas ng kotse!"

"Saan?! Saan?!" tinuro ni Trixia si Javier na nakangiti habang si Deah naman ay naglalakad sa tabi niya, syempre pinagtitinginan sila ng mga estudyanteng papasok din sa gate.

Langya, ang bilis naman nilang maging close. Ibig sabihin nun...

"Galing mo talaga eh! Akalain mo? Nagawa mong ipaglapit sila?" saad ni Trixia.

Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ko para mapaglapit sila. Hindi ko nga sigurado kung totoo yung mga ipinapakita ni Javi eh.

"Syempre, ako pa," nag-flip ako ng hair bago kinindatan si Trixia.

"Paano niyan? Ikaw nalang single," napabusangot ako sa sinabi ni Trixia.

"Walang galang! Mas matanda ako sayo ng ilang buwan pero sinasaktan mo ako ng ganito!" inirapan ko si Trixia bago siya iniwan.

"Hoy! Gaga! Hintayin mo ako!" sigaw niya.

"So... musta? Galing ko diba?" tanong ko kay Deah habang nakasandal sa pader.

"We're close now," saad ni Deah habang nakangiti at nakatingin sa may black board.

Langya, ako kinakausap pero sa board nakatingin.

"Well, thanks to me," saad ko habang tinitingnan ang mga kuko ko, mukhang kailangan ko ng magpaayos ng kuko. Well maybe, next week.

"Are you sure?" bahagya akong nagulat sa sagot niya kaya napatingin ako sa kanya, na nakatingin pa din sa may board imbes na sa akin.

"What do you mean?" nakakunot na ngayon ang noo ko. This is the second time she talk to me like this. Ito ang pangalawang beses na kinausap niya ako na seryoso siya. Nung una ay iyong tinanong niya ako kung totoo ba ang kumakalat na chismis tungkol sa akin na naging target daw ni Javi.

"Are you sure that because of you we became close?" ngayon ay nakatingin na siya sa akin, nakaupo siya sa pwesto niya habang nakasandal ako sa pader at nakatingin pababa sa kanya.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko. Umalis sila Shiela, Mariel at Trixia para bumili ng pagkain sa canteen kaya kaming dalawa ni Deah ang naiwan. Wala pa ang teacher kaya nagagawa pa namin ang gusto namin.

"Of course, if you didn't asked for my help, you guys wouldn't be close," sagot ko bago bahagyang ngumiti. Blanko naman ang ekspresyong ibinigay ni Deah.

Nakakapanibago ang Deah na nasa harapan ko ngayon. Is it because she's close now with Javi? Ano bang ginawa ni Javi kay Deah at parang may topak tong babaeng toh?

"Anyare sayo? May topak ka ba? Anong ginawa sayo ng Javi na yun?" mataray na tanong ko kay Deah, wala eh, hindi ko na napigilang magtaray.

"Javi? Don't call him like that, hindi kayo close," napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Ano ba pake ni ate girl kung tawagin ko si Javi ng Javi? Close palang naman sila ah! Hindi pa naman sila!

Napailing-iling ako habang tumatawa ng bahagya.

"Bakit? Javi ba yung tawag mo sa kanya?" tanong ko bago itinagilid ang ulo ko.

"Y-Yes! From now on! I'll call him like that!" saad niya kaya napatawa ulit ako ng bahagya.

"Wala kang originality, ako unang nakaisip niyan eh! Pero sige call him Javi and I'll call him baby," ngumisi ako bago kinindatan si Deah na bahagyang natulala sa sinabi ko.

"Joke lang! Sayong-sayo si Javier! Atsaka hindi naman dahil sa akin kaya naging close kayo, diba dahil iyon sa taglay mong kagandahan na napansin ng kumag-I mean ng lalaking iyon," ngumiti ako kay Deah bago umalis sa pagkakasandal sa pader at umupo sa pwesto ko.

Sakto naman ang pagpasok nila Trixia na may dala-dala ng mga pagkain.

"Akin na lang yang sandwich," binigay ni Shiela ang sandwich kaya masaya akong sumandal sa upuan ko bago kumagat sa sandwich. Bahagya akong lumingon kay Deah na ngayon ay namumula at nahihiya dahil binibiro siya nila Trixia tungkol sa pagiging close nila ni Javi.

Kung maging sila ni Javi, sana hindi magbago itong si Deah kagaya ng iniisip ko. Simula nung kinausap niya ako kanina. Kumagat ulit ako sa sandwich ko bago naglipat ng tingin sa harapan.

Nagulat ako nung biglang tumunog ang phone ko, agad ko iyong kinuha sa bulsa ko at tiningnan.

"Unknown number?" kumunot ang noo ko bago binuksan ang message mula sa unknown number.

Shet, baka eto na si Satanas? Sinulat ko kase sa likod ng banyo ng mga babae yung number ko tapos sinulat ko din na magtext sa number na iyon kung makakapunta na ba ako sa impyerno.

Unknown:
May VIP ticket ka papuntang impyerno, pero kung gusto mo maranasan ang langit, i-save mo ang number na ito at ipaparanas ko sayo ang langit.

Napangiwi ako sa nag-text na unknown number sa akin. Walanghiyang toh, ganito ba mag-text yung mga demonyo?

Me:
Are you Satan?

Unknown:
Nope, I'm your future

Me:
Ah gege, bye.

Unknown:
It's me! Your Javi!

Me:
Ok

Unknown:
Save this number, it's mine.

Me:
Paano mo nakuha num ko?

Javi:
I have my ways ;)

Me:
Ano kailangan mo?

Javi:
Our deal...

Agad kong pinatay ang phone ko nung pumasok na sa room namin ang adviser namin.

"Class, tuloy ang beach trip niyo kasama ang mga third years." naghiyawan ang mga kaklase ko at ako naman ay tahimik lang.

Nung first year, hindi ako sumama sa camping. At kahit ngayong second year wala pa din akong balak sumama.

"Sama ka?" tanong ni Trixia kaya umiling ako. Napanguso siya.

"Bakit??? Tinatamad ka na naman ba tulad ng dati?" tumango ako.

"Dapat kahit isang beses lang eh makasama ka namin sa isang trip!" saad ni Mariel nung marinig ang usapan namin ni Trixia.

"Guys, hindi naman kayo mamamatay ng wala ako eh!"

"Hindi nalang din ako sasama," saad ni Trixia.

"Same," saad ni Mariel.

"Ako din," napalingon ako kay Shiela na nagtaas pa ng kamay.

Napunta naman ang atensyon ko kay Deah na nakatingin lang sa amin. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago tiningnan sila Shiela.

"Gaga, hindi niyo ba sasamahan si Deah? Ang trip na iyon ang chance na mas lalong maging close si Deah at Javier! Malay niyo maisipan na ni Deah na umamin sa beach habang papalubog ang araw! Tapos si Javi ay umamin din! Edi kabalik niyo sila na! Ayaw niyo masaksihan yun?" paliwanag ko sa kanila.

"Oo nga noh, kailangan ng moral support ni Deah," saad ni Trixia bago lumingon kay Deah.

"Okay, pumunta lang ako para i-announce ang trip. Aalis na ako," saad ni ma'am.

"All right! Vacant!"

"Manager, may practice?" biglang tanong ni Elion.

"Oo," sagot ko bago kinuha ang phone ko.

Me:
The beach trip is your chance to be with Deah.

Javi:
Idc.

Napairap nalang ako nung makita ang sagot ni Javi sa text ko.

"Let's go," yaya ko kay Elion, dahil pupunta kami ng court.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now