19

390 16 8
                                    

19 : Tournament

"Hala! Opo! Di na ako late! Papasok na ako ng gate! Promise!" sigaw ko sa phone ko habang papasok ako ng gate ng Roundell at inaayos ang suot kong jacket na may tatak ng Roundell.

Ngayon na ang araw ng basketball tournament. Actually second day na ngayon ng   Inter-high at kahapon ang simula nung tournament pero ngayon lang ako makakapunta dahil hindi na ako tamad. Ilang araw na din ang lumipas simula nung matapos yung beach trip.

"Buti andito na si manager!" masayang saad ni Luis at nag-ambang aakbayan ako pero agad ko siyang iniwasan at dumiretso kay coach dahil patay ako kung hindi ko sasabihin kung bakit wala ako kahapon.

Buti nanalo etong mga manok ko sa Eastfar kahapon, kung hindi baka hindi na ako makapunta dito.

"Hi, coach. Na-miss kita," ngumiti ako ng matamis habang si coach naman ay tiningnan lang ako bago ako inirapan. Napanguso tuloy ako.

"Coach! May emergency kahapon kaya hindi ako nakapunta!"

"Ang sabihin mo, late ka lang," biglang sabat ni John habang kinukuha yung bote ng tubig sa may bench.

"Langya ka, umalis ka nga sa harapan ko, pasalamat kayo dumating yung muse niyo," inirapan ko si John na nagkibit balikat lang.

"Oy, bat parang sad boy yang captain niyo? Baka matalo tayo niyan. Isang game nalang Nationals na," saad ko sa mga players nung nilapitan ko sila. Si Elion naman ay nakaupo sa bench habang nakatingin sa phone niya.

"Di yata sisiputin nung babae niya," saad ni Cadmus.

"Awit," saad ni Andrei habang pinaglalaruan yung bola sa kamay niya.

"Diba classmate mo yun, Drei?" tanong ko kay Andrei, tumango naman siya.

"Hoy kayo ha! Akala niyo hindi ko malalaman?!" nagpamewang ako, bigla namang kinabahan etong mga kinakausap ko dahil sa sinabi ko.

"What do you mean?" tanong ni Andrei. Kumunot naman ang noo ni Cadmus, si Luis naman ay nagtataka akong tiningnan.

"Ha?" ani John.

"Hayop kayo! Akala niyo hindi ko malalaman na naghahanap kayo ng bagong manager?!" agad na napalayo sa akin etong mga engot nung humakbang ako ng isang beses.

"Ikaw kase eh manager! Wala ka kahapon tapos yung mga ibang mga teams, kasama nila managers nila!" nakabusangot na sagot ni Luis.

"Atsaka si Cadmus nagpasimula nun," tinuro pa ni Andrei si Cadmus na papalapit kay Dylan na nakaupo sa bench.

"Ewan ko sa inyo, diba may injury si Dylan?" tumango naman sila, kaya naisipan kong kamustahin si Dylan. Mukhang hindi siya makakalaro ngayon pero sa Nationals baka makalaro siya, kung mananalo.

"Musta injury?" umupo ako sa tabi ni Dylan si Cadmus naman ay nasa kabilang banda ni Dylan.

"Masakit pa din,"nakangiwing bulalas ni Dylan.

"Kawawa ka naman-"

"Pero mas lalong sumasakit sa tuwing sumasagi sa aking isipan na hindi ako makakalahok sa laro, ngayong araw na ito," seryosong saad ni Dylan sa purong Tagalog.

"Ah gege," iniwan ko na sila bago umupo sa tabi ni Elion na walang ekspresyon sa mukha.

"Oy, anyare?" tiningnan lang ako ni Elion bago inirapan. Aba't etong baklang toh ah! Attitude.

Nabalot kami ng katahimikan ni Elion pero bigla nalang nagsalita ang engot.

"Gusto ka ni Aldridge,"

"Ha?"

"Hays, mga babae nga naman halos mga manhid," nagpailing-iling si Elion habang nagtataka akong nakatingin sa kanya.

"Who the fuck is Aldridge?" tanong ko kay Elion.

"Ay amputa, di kilala, awit," mas lalong kumunot ang noo ko sa pinagsasabi ng kumag na ito.

"Alam mo? Akala mo hindi ko alam ha?!" napalingon si Elion sa akin kaya ngumisi ako.

"What do you mean?"

"Narinig ko na may gusto ka," ngumiti ako ng matamis kay Elion. Kumunot naman ang noo niya.

"How are you sure about that-" agad kong tinaas ang jersey niya dahilan para tumambad sa akin ang tattoo niya. Nanlaki naman ang mata niya sa gulat at agad na tinampal ang kamay ko.

"Alam ko kung anong salita iyan! Japanese word yan ng Faith," saad ko.

"Then?" tumagilid ang ulo niya habang hinihintay ang sasabihin ko.

"Yung babaeng kaklase ni Andrei na palagi mong kasama tuwing break, rinig ko Azielle Faith yung pangalan niya," kinindatan ko si Elion nung makitang napaiwas siya ng tingin dahil tama ako.

I'm a genius.

"Yieee! Nakaukit sa kanya ang pangalan ng magiging bebe niya," sinundot ko ang tagiliran ni Elion kaya kumunot ang noo niya.

"May chika pa ako, ayaw mong aminin sa sarili mo na gusto mo siya at ayaw din aminin ni Azielle sa sarili niya na gusto mo siya," susundutin ko pa sana ulit yung tagiliran ni Elion kung hindi lang siya tinawag ni coach.

Napairap ako bago tumayo at nilapitan ulit sila Luis.

"Hoy, Luis Martin, Johnzel, Zach Andrei, sinuot niyo ba yung yellow bandana na pinapasuot ko?" tumango silang tatlo. Kaya napangiti ako bago sila tinalikuran at binuksan yung isang locker sa loob ng boys locker kung saan madalas nagpapalit ng damit ang mga basketball players.

"Eto black bandana naman gamitin," agad silang lumapit sa akin para kunin ang mga black bandana. Pati ako ay nagsuot na din ng bandana.

"Ano guys? Ready na?" tanong ni coach habang nasa tabi niya si Elion. Binigay ko kay Elion yung black bandana kaya sinuot niya na.

Ow shet, magsisimula na.

"Go Black Warriors!!! Whohooo!!!" pang-che-cheer ko sa kanila habang papunta na kami sa court kung saan magaganap ang laro.

"Pang-cheer mo kami mamaya ha coach?" saad ni Cadmus kaya tumango ako.

"Sino pala makakalaban niyo ngayon?" tanong ko kay Cadmus.

"Lakewood," my mouth formed an 'O'. One of my old classmates from my middle school, went to Lakewood University. Niyayaya niya nga ako dati na dun din mag-aral kaso ang layo sa bahay. Atsaka baka araw-araw akong maligo dun sa may ilog.

Napuno ng sigawan yung court nung pumasok na ang Black Warriors. Halos puro mga supporters ng Black Warriors yung nasa court. Obviously, we're here in Roundell. Duh.

"CAPTAINS!!!" tinanguan kami ni Elion bago siya lumapit dun sa tumawag sa kanila ng captain nung kabilang team.

Nahagip ng mata ko ang bench na uupuan namin, pero natigilan ako nung makita si Javi na nakaupo doon.

Make You Mine (CRS #4)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن