18

377 18 19
                                    

18 : Family

Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin bago napagdesisyunang lumabas ng kwarto dahil kanina pa naghihintay sila papa at yung mga kapatid ko.

"We're going to amusement park!" excited na sigaw ni Zayden bago inakbayan si Zuri na kinakain yung lollipop na dala ni papa kanina kauwi niya galing trabaho.

"Keep quiet," saway ni Zion sa dalawa niyang kambal habang nakabusangot. Minsan talaga ang batang iyon ay wala sa mood. Minsan iniisip ko baka matanda na siya at nakulong lang siya sa katawan ng bata pero minsan naman ay nag-a-akto siya na parang bata.

"Let's go?" tumango ako kay papa kaya ngumiti siya bago kinuha kay kuya Jake ang susi ng sasakyan.

"Sasama po ba siya?" tanong ni Zuri kay papa habang nakaturo kay kuya Jake.

"Pa! Sama niyo si kuya Jake para kapag masakit na paa ko, pabuhat ako sa kanya," saad ko bago naglakad papunta sa pintuan at nauna ng lumabas sa kanila.

"Whoa!" nagtatatalon na itong sila Zayden habang papasok palang kami sa isang sikat na amusement park dito sa lugar namin.

"Saan niyo gusto?"

"Carousel!" si Zuri.

"Bump car!" Zayden.

"Rollercoaster," si Zion.

Napangiwi naman ako sa gustong rides na sakyan ni Zion. Wala bang takot ang batang ito?

"Food court nalang," sagot ko bago naglakad papasok ng amusement park, sumunod naman ang tatlo kong kapatid na hinabol pa ako.

"Wag kayong tumakbo baka madapa kayo tapos una ulo pa edi hindi na kayo magkakamukha nun!"

Kung ano-ano sinakyan namin pero yung mga rides na pang-bata nga lang, gusto ko sana rollercoaster kaso baka mahulog wig ko kapag sinakyan ko yun baka kase makita nila yung makinis at makintab na kalbo kong ulo. Charot.

"Pa! Gusto ko yun! Bili mo ko pa!" tinuro ko yung nagtitinda ng cotton candy, salamat sa mga santo dahil binigyan ako ni papa ng pambili ng cotton candy.

"Kuya! Pabili isang cotton candy," aabot ko na sana yung bayad kaso pinigilan ako ng nagtitinda.

"Wag na po, libre na po yan senyo," lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni kuyang tindero. Agad akong nagpasalamat at dahil libre lang iyon, ibig sabihin may pambili na ako ng ice cream!

"Ice cream, chillin, chillin, ice cream, chillin!" saad ko bago masayang naglakad papunta sa ice cream store sa loob ng amusement park.

"What!?" napatingin sa akin yung ibang bumibili ng ice cream. Paano ba naman kase, bumibili ako ng ice cream tapos nung tatanungin ko na kung magkano sinabi nung nagtitinda na libre lang daw. Tas kumuha pa ako ng isa pang flavor pumayag naman siya at ang matindi libre pa din daw pero bakit yung ibang bumibili eh nagbabayad naman.

Nagdududa ako sa amusement park na toh.

Hinanap ko sila papa dahil medyo naligaw ako, habang hinahanap sila ay kinakain ko na ang mga ice cream sayang naman baka kase malusaw na kung di ko pa kakainin.

Napabuntong hininga ako nung makita ko sila papa sa isang stall na punong-puno ng tiger stuffed toys.

"Pa? Bakit hindi ka pa nagsisimulang bumaril?" tanong ko kay papa kase nakatingin lang siya sa rocket ship na kailangang patumbahin para makakuha ng stuffed toy.

"Hindi pa ako nakakabaril pero binigyan niya na si Zuri ng tiger stuffed toy, libre lang daw,"

"Huh?!" kumunot ang noo ko bago tiningnan ang lalaking tinutukoy ni papa. Nakangiti lang ito.

"Gusto niyo pa po ba ng isa pang stuffed toy?" tanong ni kuya kaya umiling ako.

"Bakit puro libre?" nagdududang tumingin ako sa paligid ko, nahagip ng paningin ko si kuya Jake na nakatayo sa may kalayuan habang may kausap sa phone niya.

Katapos naming pumunta sa amusement park, umuwi na kami. Pero yun ang akala ko, dahil napansin kong parang sa ibang direksyon kami papunta. At ilang minuto pang pagmamaneho ni papa, nakita nalang namin ang sarili namin sa ospital.

This is the first time, Zion, Zayden and Zuri to go in hospital. Matagal na din simula nung huli nilang makita si mama.

Napatingin ako kay papa.

Siguro eto na ang oras para malaman nila kung nasaan talaga si mama.

Nung pumasok na kami sa private room ni mama, iniwan kami ni papa at kuya Jake. Sa labas lang daw muna sila at bibigyan kami ng oras.

"She's our family right? Pero bakit hindi po siya natutulog sa bahay?" nakangusong tanong ni Zuri habang nakatingin kay mama.

"Kaya pala hindi umuuwi si mama, dito pala siya natutulog," nakanguso ding saad ni Zayden.

"What if we also sleep here?" seryosong tanong ni Zion sa mga kapatid niya. Napangiti nalang ako ng mapait bago lumapit sa kanila.

"Hindi pwede," sagot ko bago lumuhod para maging kapantay ko sila at hinimas ang kanilang mga ulo. Napanguso naman sila.

"Why?" tanong ni Zion.

"Alam mo? Wag ka muna magtanong sa kin masakit ang aking ulo," hinilot ko ang sintido ko kaya tumango si Zion at hindi na nagtanong.

Jusko baka kapag lumaki na ang batang ito, hindi ko magawang manalo sa usapan namin.

"Ate? Iwan nalang natin itong tiger stuffed toy ko, para may kasama si mama na matulog," saad ni Zuri, pinilit kong pigilan ang luha ko na lumabas, these kids are so precious. Kung makikita lang sila ni mama, sigurado akong magiging proud siya na lumaki ng ganito sila Zion.

"Why do I feel like you want to cry?" nabigla ako nung bigla akong yakapin ni Zion habang nakaluhod ako. Nakayakap ang braso niya sa leeg ko pero hindi naman ako nasasakal. Pinatong niya pa ang baba niya sa ulo ko.

Walang sabi-sabi bigla din lumapit si Zayden at yumakap, si Zuri naman ay yumakap din habang hawak-hawak niya ang tiger stuffed toy na nakuha niya kanina sa amusement park.

"I love you! You love me! We are happy family!" nagpa-sway-sway pa sila habang kinakanta yung theme song yata yun ng dinosaur na kulay purple.

"Langya kayo, umurong luha ko," saad ko.

"Oh sige na, lagay niyo na sa tabi ni mama iyang si tiger," tumango silang tatlo bago tinanggal ang pagkakayakap sa akin at lumapit sa higaan ni mama.

"Mama! Eto po si tiger, sasamahan ka po niya," saad ni Zuri bago tinabi kay mama ang stuffed toy. Nakangiti lang ako sa may tabi nila habang pinapanood sila. Lalaking mabuti at maayos ang mga batang ito.

"Then after you woke up, I hope we can be a complete family again," saad ni Zion bago hinawakan ng maliliit niyang kamay ang kamay ni mama.

"Ate? What's this?" napunta ang atensyon ko sa patient monitor na tinutukoy ni Zayden.

"Monitor yan," sagot ko kaya tumango si Zayden at ibinalik ang atensyon kay mama.

Someday, we'll be a complete family again.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon