Simula

1K 30 14
                                    

College Romance Series #4:
Make You Mine

"Salamat talaga Ella! Kung hindi dahil sayo hindi kami aabot sa ganito ni Elvin," tumango lang ako habang nakatutok pa din ang aking mata sa binabasa ko ngayon dito sa library.

"Salamat ah! Pagpalain ka sana!" sambit naman ni Elvin bago hinila ang kasintahan niyang si Diana. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago pinanood ang bulto nilang dalawa na palabas ng library.

They're thanking me cause they became a couple because of me? Bakit hindi nalang sila humingi ng tawad dahil ako pa ang ginawang tulay para maging sila?!

I closed my book entitled 'What is Love?'

My friends knows me as a matchmaker. Like? What? A matchmaker na hindi pa nahahanap ang ka-match niya. Lol.

Ever since I'm a child. I used to believe in fairytales and happy endings. Mahilig ako magbasa ng mga romance stories noong nasa highschool ako minsan nagsusulat pa ako ng romance stories ko tapos ngayong second year College na ako naging matchmaker ako. Ano yun? Level up?

Madami akong alam about love, kahit hindi na ako naniniwala doon. My friends or others would always go to me to asks some advices for love. Ako ang nilalapitan nila para ang napupusuan nila ay maging kanila.

Kagaya nalang ni Elvin at Diana na ginawa akong tulay para maging sila. Well atleast sila na at hindi na ako maghihirap na mag-isip kung anong gagawin ko para maging sila.

Ibinalik ko ang libro sa shelf nito bago kinuha ang bag ko at lumabas ng library. Ngayon ay wala kami masyadong ginagawa dahil may meeting ang mga guro para sa darating na field trip namin sa beach?

Field trip sa beach? Wow! Nice! Ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. At magaganap daw ang field trip na iyon pagkatapos ng laban ng mga kasali sa quiz bee.

Habang naglalakad sa hallway biglang humarang sa akin si Trixia kaya kunot noo akong bumaling sa kanya habang hinihingal naman siya.

"Napano ka?" tanong ko sa kanya bago siya nilagpasan, sumunod naman siya sa akin at naglakad sa tabi ko.

"Pinapahanap ka ni Deah," saad niya kaya mas lalo akong nagtaka. Deah? Ano kailangan niya sa akin?

"Bakit daw?"

"May kailangan daw siya sayo, I mean favor. You know? Kung saan ka expert," nagkibit balikat siya, napabusangot ako ng mapagtanto ko kung ano ang kailangan ng tahimik naming kaibigan na si Deah.

Don't tell me, gagawin niya akong tulay?! Pero since minsan lang humingi ng pabor si Deah, pagbigyan ko na baka umingay na siya kapag may jowa na.

"Yo!" bati ko kila Deah, Shiela at Mariel ng makita namin sila sa canteen.

"Deah here needs your help," saad ni Mariel ng umupo ako sa tabi niya.

"So kelan ko sisimulan? Sino ang lalaki?" tanong ko habang kumukuha ng fries ni Shiela, ng hinding-hindi na mauulit man lang niya napapansin.

"Paalala lang ha? Medyo mahirap kunin yung lalaking gusto ni Deah eh," napatingin ako kay Deah na tahimik na umiinom ng tubig habang nakayuko.

"Tsk! Huwag kayong mag-alala akong bahala sa lalaking iyon kahit mahirap siyang makuha," saad ko bago ngumisi. Mahirap? Pffts! Ilang beses na akong naging tulay at magaling ako pagdating sa mga pangre-reto. Sigurado akong magugustuhan ng lalaking iyon si Deah dahil maganda naman si Deah at ipapamukha ko sa kanya iyon.

"Playboy siya..." halos pabulong na sabi ni Deah buti nalang at narinig ko. Ngumiti ako bago nagsalita.

"Talaga? Kapag nakilala ka niya malay mo, mapatino mo siya" saad ko bago kinuha ang juice ni Shiela at ininom ito. Napangiwi naman sa akin si Shiela.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon