27

389 19 20
                                    

Medyo mahaba ang chapter na toh kumpara sa ibang mga chapters hehe. Enjoy reading!
_______________
_________
______
__

27 : Contest

"Guys, tapos na ang masasayang araw natin!" saad ni Kimberly habang papasok kami sa room na paglalagyan namin ng mga dala naming gamit.

"Go go! Roundell!" saad ni ate Joy.

"Ket manalo o matalo, ayos lang," saad ni ma'am Reyes. Tumango kaming lahat.

"Ang importante may matututunan kayo dito," pagpapatuloy ni ma'am bago kami nginitian.

"O sige na, mag-ready na kayo. Ang ibang mga contestants ay nasa backstage na at inaayusan na," tumango kami kay ma'am bago niya kami iniwan sa loob ng room.

"Ano guys? Walang matatapilok ha? Atsaka hoy! Jared! Ayusin mo mga desisyon mo sa buhay mo baka bigla ka nalang maging babae sa gitna ng contest," saad ni ate Joy.

"Guys! Guys!" napunta ang atensyon namin sa nagbukas ng pintuan ng room.

"Napano Erica?" tanong ni ate Joy pagkasara ni ate Erica ng pinto.

"Kailangan may motto daw tayo bago magpakilala! Ampupu wala akong motto!" agad akong napangisi dahil may motto na agad ako na naisip.

Lumingon ako kay Javi para tanungin kung may naisip na siya na motto.

"Javi?"

"Yes babe?" at dahil sanay na ako sa pagtawag niya sa akin ng ganoon, hindi ko na iyon pinansin.

"May motto ka na?" tumango siya bago ako inakbayan.

"Zani lang sapat na," ngumiwi ako dahil sa sinabi niya dahilan naman para mapatawa siya.

"Hoy! Tama na bebe time, punta na daw sa backstage," saad ni Jared.

"Gusto mo lang maghanap ng gwapo eh," saad ko bago tinanggal ang pagkakaakbay sa akin ni Javi at sumabay na din sa paglabas ng kwarto nila Kimberly.

Karating namin sa backstage, agad na kaming pinaupo para ayusan. Mabuti nalang at maluwang doon kaya kasya kami kasama ang iba pang mga contestants. Masasabi ko lang na magaganda din at gwapo ang mga contestants. Mukhang mahihirapan kami.

Nilingon ko si Javi na kasalukuyang inaayusan ng buhok. May talent portion ang contest at ang naisip namin na gagawin namin para doon ay, sumayaw. Sasayaw kaming dalawa ni Javi!

Parang nung dati lang iniisip ko kung darating ba ang araw na makakasayaw ko itong si Javier.

Lumipas pa ang ilang oras, naayusan na kami.

"Ganda mo," saad ni Javi nung makatayo na ako matapos akong ayusan.

"I know," saad ko bago siya tiningnan. I admit he looks really good! Pero di ko sasabihin ko sa kanya baka lumaki ulo niya.

"Welcome to contest of beauty and brain! Sino kaya ang mananalo from first to fourth years? At anong Universities ang mananalo?" narinig ko na ang hiyawan ng mga taong pumunta para manood ng contest. At doon ko na naramdaman ang kaba.

"Welcome to Lakewood University! And let me introduce all of the contestants!" mas lalong lumakas ang hiyawan at sigawan ng mga pangalan ng bawat Universities.

"First year contestants! Gil Peralta and Judith Antonio from Northern University!" pinanood ko kung paano umakyat ang dalawang contestants sa stage.

"Guys, goodluck. Una na muna kami," saad ni Jared nung dumaan silang dalawa ni Kimberly sa harapan namin. Sila na yata ang tatawagin pagkatapos magpakilala nung mga nauna.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now