20

405 15 11
                                    

20 : Mine

Napangiwi ako nung makita si Deah kasama ang mga 'kaibigan' niya sa bleachers na nasa itaas mismo at katapat pa ng pwesto namin. Langyang life toh.

"Guys, labas muna ako." paalam ko sa mga kasamahan ko. Lumingon naman sila sa akin.

"Luh, baka mamaya tumakas ka," nagdududa akong tinitigan ni Luis kaya inirapan ko siya bago pinahawak kay Andrei yung bag ko.

"Pahawak, para may ibedensyang hindi ako tatakas," napaigtad ako nung biglang hinagis pataas ni Andrei yung bag ko bago sinapo. Syempre, sinapak ko sa likod kaya ayun, medyo mangiyak-ngiyak nung iniwan ko. Duh.

"Buti present na ang bruha," bungad sa akin ni Trixia pagkalabas ko ng court.

"Musta na yung buhangin, ayos pa rin ba?" napabusangot ako sa tanong ni Shiela. Simula nung binigay nila sa kin yung buhangin galing sa beach na pinuntahan nila, lagi ng tinatanong sakin ni Shiela kung ayos lang ba ang buhangin.

"Napamahal ka yata sa buhangin, Shiela?" tiningnan lang ako ni Shiela bago inirapan.

"Paano ba naman kasi, naghirap siyang kunin yung buhangin," saad ni Mariel.

"Alam mo namang takot yan sa alimango, feel niya may lalabas na alimango everytime na tumatapak siya sa buhangin," sabat naman ni Trixia habang nakatingin kay Shiela.

"Dapat lumipad ka para di mo na kailangang tumapak sa buhangin," walang kwentang sagot ko bago sila niyaya papunta sa canteen.

"Ang ganda ng sinabi mo Zaniella Alora, I appreciate it. Mukhang nagbago ang buhay ko nung sinabi mo yun sa akin. Wag ka mag-alala gagawin ko yun sa susunod na pumunta ako ng beach, bitch,"

"Bitch?" tanong ko habang nakangisi ng nakakaloko, kumunot naman ang noo ni Shiela.

"Beach yun, bingi ka na," napasapo ako sa dibdib ko dahil sa pambabara.

"Bars," saad ni Trixia bago tinapik ang balikat ko.

"Shiela, mapanaket," saad ni Mariel.

"Akala mo ikaw hindi," pambabara ulit ni Shiela kaya napangiwi si Mariel.

Nung makarating kami sa canteen, agad kaming bumili ng makakain at humanap ng mauupuan.

"Guys, may tanong ako," napalingon sa akin sila Shiela at naghihintay ng sasabihin ko. Binaba ko muna ang kutsara ko bago nagsalita.

"May kilala kayong Aldridge ang pangalan?" tanong ko. Nagkatinginan naman silang tatlo.

"Bakit?" tanong ni Shiela.

"May sinabi kasi si Elion sa akin tungkol sa Aldridge na yun, parang siya pa ang galit dahil diko kilala si Aldridge," saad ko habang magkasalubong ang kilay ko.

"Kasalanan ko bang wala akong pake sa iba at nakakatamad mag pronounce ng mga pangalan, mukha pa namang mahirap yung spell ng Aldridge na yan, kung ako ang tatanungin. Aldi nalang itatawag ko para di mahirap,"

"Langya ka, dami mong sinabi," saad ni Mariel bago sumubo ng pagkain niya.

"So may kilala kayong ganun ang pangalan?" tumango si Trixia bago ngumisi.

"Di mo talaga kilala?" umiling ako.

"Ang alam ko si Aldridge ay si-"

"Javi!!!" napunta ang atensyon namin nila Mariel sa pasukan ng canteen nung marinig namin ang boses ni Deah na medyo nag-high pitch. Sakit tuloy sa ears, hmph!

"What the fuck?" napunta ang tingin ko kay Javi na nakangiwi habang nakatingin kay Deah na todo ang ngiti sa kanya. Mukhang mahihirapan etong si Deah ha.

"Halatang hindi siya gusto ni Javier, atsaka bakit Javi tawag niya kay Javier? Diba ikaw tumatawag sa kanya nun?" tanong sa akin ni Trixia, dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ko.

"Wala, di na kami close nun-"

"Don't call me Javi, ilang beses ko ng sinabi sayo di mo yata naintindihan. Poor you," biglang naubo si Mariel at Trixia kaya inabutan silang dalawa ni Shiela ng tubig.

"Di nakakaintindi amputa," wala sa sariling bulong ko, kaya natawa si Trixia bago ako tinulak ng mahina.

"Langya ka, kain ka na nga lang," saad ni Mariel kaya nagkibit balikat na ako at ibinalik ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Kumain ka na?" halos rinig sa buong canteen ang tanong ni Deah. Medyo tahimik na sa canteen dahil yung iba ay nasa basketball court na dahil nga malapit na magsimula yung game.

"Pupunta ba ako dito kung di pa ako kumain?" sa pangalawang pagkakataon naubo na naman si Trixia at Mariel.

"Kung kaya bleach nalang ipainom ko senyo para di na kaya makaubo?" tanong ni Shiela sa dalawa habang nandidiring nag-iwas ng tingin sa dalawa.

"Bobo, talsik mga kanin niyo," saad ko.

"Virus," saad ni Mariel.

"Pero mas virus yun, nilalayuan na nga lapit pa ng lapit," natawa ako nung mapagtanto na si Deah yung tinutukoy ni Trixia.

"Bat kase chinallenge mo siya ha, Zani?" tanong ni Trixia kaya nagkibit balikat lang ako.

"Ayan tuloy lapit ng lapit kay Javier kase gusto ipakita sayo na mapapahulog niya ang loob ni Javi sa kanya," saad ni Mariel.

"Bat parang kasalanan ko pa?" tumaas ang isang kilay ko sa kanila.

"Where are you going?!" rinig ang malakas na tanong ni Deah kay Javi kaya halos lahat ay mapatingin sa kanila. Etong kaibigan naman ni Deah ay nasa gilid lang na parang nanonood ng kung anong drama

"Stop, you're embarrassing me," rinig ko ang baritonong boses ni Javi.

"Oy, dalian niyo na kumain malapit na magsimula yung game-" rinig ko ang pagsinghap nung mga kasama ko nung maramdaman ko na may humawak sa pala-pulsuhan ko bago ako pinatayo.

"What the fuck-" bumungad sa akin ang matipunong dibdib ni Javi nung lumingon ako.

"Anong kailangan mo-" walang sabi-sabi bigla nalang siyang naglakad kaya naglakad na din ako dahil hawak niya ang pala-pulsuhan ko. Lumabas kami ng canteen, hanggang sa makapunta kami sa school garden.

"Bakit moko dinala dito?" tanong ko kaya humarap na siya sa akin bago maingat na binitawan ang pala-pulsuhan ko.

"I need to tell you something," saad niya bago nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa niya. I tilt my head slightly while waiting for him to talk.

"I'll make you mine," nanigas ako sa kinatatayuan ko matapos kong marinig ang mga katagang lumabas sa bibig ni Javi. Napatingin ako sa kanyang mata, dahilan para ngumisi siya at kumindat bago cool na umalis doon.

So hinila niya lang ako para sabihin yun? Sayang yung lakad namin! Dapat ibalik niya ako sa canteen! Huhu!

And what do he mean by that?

Make You Mine (CRS #4)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora