06

446 18 5
                                    

06 : Deal

"Nakita mo na siya?" tanong ko kay Javi habang nakasandal ako sa pader na nasa tabi mismo ng pasukan ng canteen. Si Javi naman ay nakasilip sa loob ng canteen habang nasa tabi ko.

Tinitingnan ko pabalik ang mga estudyanteng napapatingin sa amin ni Javi. Bakit ba tinitingnan nila kami? Ngayon lang ba sila nakakita ng dyosa na may kasamang diyos? Charot.

"Kasama niya yung tatlong kaibigan niyo," saad ni Javi pagkaharap niya sa akin, tumango naman ako bago umayos ng tayo.

"Ganito gawin mo, lapitan mo siya tapos tumabi ka sa kanya tapos kausapin mo siya ng kahit anong topic, makipag-close ka sa kanya," saad ko. Kumunot naman ang noo ni Javi.

"Bakit naman ako magsasayang ng oras sa babaeng yun-"

"Gago, para sayo din tong ginagawa ko. Gusto mo maging masaya? Tutulungan kitang magkagusto kay Deah," pasinghal kong sabi sa kanya kaya napakibit balikat nalang siya.

"Argh, fine. But don't blame me if I still didn't fall for her in one month," saad niya bago pumasok sa canteen.

One month?

Ibig sabihin pumapayag siya na tulungan ko siyang magkagusto kay Deah?

Nakangisi akong pumasok sa canteen.

One month...

One month lang at may bagong couple na naman sa school na ito dahil sa akin.

Napatigil ako nung mapansing wala ng available na upuan sa lamesa kung nasaan sina Trixia. Kung saan kase dapat ang pwesto ko ay naupuan na ni Javi.

"Zaniella!" saad ni Trixia kaya ngumisi ako at tiningnan si Deah na namumula dahil sino ba naman ang hindi mamumula kung katabi mo yung crush mo?

Napunta ang tingin ko kay Javi na nakatingin sa akin, sinenyasan ko siya na kausapin si Deah pero nakanguso lang siyang umiling. Nung pinandilatan ko na siya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Dito ka Zani, share tayo ng upuan," yaya sakin ni Trixia pero nginitian ko lang siya bago nagsalita.

"My healthy butt wouldn't fit with that," saad ko bago kinindatan si Trixia. Muntikan pang mabulunan si Mariel kaya agad siyang inabutan ng tubig ni Shiela.

"Pwet mo? Healthy? Asan pwet mo?" sarkastikong tanong ni Trixia kaya inirapan ko siya bago lihim na tiningnan si Javi na namamanghang pinapanood kami.

Gamit ang mata ko sinabi ko sa kanya na ayusin niya ang ginagawa niya.

"Ge hanap lang akong pwesto," tiningnan ko si Deah na nakatingin na sa akin bago ko siya kinindatan. Sana magkasundo na sila.

"Ella!" napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

"Yes?" hinarap ko ang lalaking tumawag sa akin habang nasa gitna kami ng canteen. Buti nalang abala ang iba sa ginagawa nila kaya walang nakakapansin sa amin.

"P-Pwede manligaw?" kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, napansin ko naman ang mga ka-tropa ng lalaking nasa harapan ko, na nagsisigawan.

"Manligaw? Seryoso ka?" tumango naman ang lalaking nasa harapan ko, nginitian ko lang siya dahilan para matulala siya.

Didn't know that I had this effect with someone.

"Sorry but I have no time for that things," sagot ko sa tanong niya bago bahagyang tinusok ang pisngi niya at tinalikuran.

Huli na nung mapagtanto kong dapat hindi ko na iyon ginawa baka mamaya mas lalong magkagusto sa akin yun. Hays.

"Ano yun?"

"Putang-!" sinamaan ko ng tingin si Javi nung bigla siyang lumitaw sa likuran ko habang nakapila ako.

"Ano ba?! Are you mushroom?" tanong ko sa kanya.

"Bakit?"

"Kung saan saan ka nalang sumusulpot, bwisit ka," ngiti lang ang isinagot niya sa sinabi ko bago tiningnan ang estudyanteng nakapila sa likuran ko.

"Move." seryosong utos ni Javi sa lalaki, na agad namang umusog para may pwesto siya.

"Oh? Bakit di mo kasama si Deah?" tanong ko kay Javi ng hindi nakatingin sa kanya.

"Kapag kinakausap ko, pabebe eh..." napailing nalang ako sa sagot ni Javi. Another fact about Javi, ayaw niya sa mga pabebe.

"Unlike you, kabaligtaran niya, kulang nalang murahin mo ako ng murahin sa tuwing kinakausap kita," bahagya akong natawa sa sinabi niya bago siya bahagyang nilingon.

"Buti alam mo na gusto kitang murahin," blanko ang ekspresyon ko nung sinabi ko yun sa kanya. He bit his lower lip while looking at me with amusement in his eyes.

Masyado na yatang bilib sa akin ang lalaking toh.

"Back to the topic, anong sinabi sayo ng lalaking yun?" hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip eh tinanong ko din siya.

"Anong naging reaksyon mo nung nakausap mo si Deah? Bumilis ba tibok ng puso mo?" napangiwi siya bago kinamot ang likod ng leeg niya.

"I don't have any reactions, my heart is beating at normal pace and why are you avoiding my question?"

"Why are you talking to me in English?"

"Then why are asking me in English?"

"Bakit hindi kayo umusog? Kanina pa kami naghihintay," napunta ang atensyon naming dalawa ni Javi sa isang lalaking first year na nakapamewang.

"Gago, ano na naman ba ang naisip mo?" hinila siya ng kaibigan niyang nakasalamin.

"This is your fault! Go back to Deah and get close to her," singhal ko sa kanya bago naglakad sa harapan dahil kanina pa pala umalis yung ibang nakapila.

"Anong makukuha ko kapag naging close kami?"

"Puso niya?"

"No! Not that, I mean anong makukuha ko sayo kapag nagawa ko ang gusto mo?" taning niya kaya tiningnan ko siya.

"Bakit? Gagawin mo ba ang gusto ko kapag may makukuha ka?" tumango siya na parang bata. Ngumiti ako bago sinagot ang tanong niya.

"Suntok," sagot ko bago pinakita ang kamao ko. Napansin ko kung paano nawala ang ngisi niya at napalitan ng busangot.

"Bakit suntok?"

"Eh wala akong maisip eh!" mataray kong saad sa kanya.

"Kung wala kang maisip, then I'll think for you," saad niya bago ako kinindatan.

"May isip ka?"

"Huh?" aniya.

"Huh?" natahimik kaming dalawa.

"Nevermind, I'll make sure we're close within this days if you agree to go out with me this Saturday, deal?" kumunot ang noo ko sa gusto niyang mangyari.

"Date? Dapat kayo ni Deah ang mag-date-"

"Okay I won't do what you want-"

"Sige! Payag ako!"

"Sure," saad niya bago ako kinindatan at tinalikuran para bumalik sa tabi ni Deah.

Walanghiya, parang nakipag deal ako sa isang devil ah. Tsk!

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon