21

407 18 13
                                    

21 : Aldridge

"Bakit pakiramdam ko kailangan ko ng mag-ingat," wala sa sariling bulalas ko habang naglalakad kaming dalawa ni Trixia sa hallway.

"Napano ba?" tanong ni Trixia habang kinakain yung granola bar na nabili niya kanina sa convenience store habang papunta siya sa school.

Hindi ko na siya sinagot dahil sa akin nalang kung ano ang dahilan. Binuksan ko na ang pintuan ng room at bumungad sa akin ang umiiyak na si Deah habang pinapakalam siya nung mga iba naming kaklase.

Napakagat ako nung mapansin ang mukha ni Deah na puno ng nagkalat niyang make-up. Sana all walanghiya.

"May multo jusko po," hinila na ako ni Trixia papasok sa room bago kami umupo sa mga pwesto namin. Si Mariel nama'y nakasandal sa upuan niya habang tinitingnan ang mga kuko niya.

"Too much drama," saad ni Shiela habang binabasa ang isang libro na nabili niya sa NBS nung isang araw.

"Ano yung may too much drama? Yung sa binabasa mo o yung nasa harapan?" tanong ko habang inaayos ang pagkakalagay ng bag ko sa likod ko.

"Parehas," sagot naman ni Shiela kaya natawa si Mariel at Trixia.

"Anyare ba?" tanong ni Trixia bago pumangalumbaba sa desk niya.

"Pumasok nalang na umiiyak yan," sagot ni Mariel habang nakatingin pa din sa kuko niya.

"Pustahan dahil kay Javier," nagkatinginan si Mariel at Trixia bago sabay na ngumisi ng nakakaloko. Napailing nalang ako.

"Mapanaket pala si Javier, sabagay playboy," saad ni Trixia.

"Ngayon lang ulit siya nagpaiyak ng babae," saad naman ni Mariel, nakuha tuloy nila ang atensyon ko.

"Simula nung nakausap niya tong si Zani girl here, di na yata nagkajowa," saad ni Mariel bago tumingin sa akin at ngumisi ng nakakaloko.

"Ano palang nangyari nung second day? Diba hinila ka niya palabas?" tumango ako.

Nanalo ang Black Warriors laban sa Lakewood University kaya makakalaro sila sa Nationals. Kaya katapos ng Exams namin na ngayon na mangyayari, sigurado akong halos buong araw ay nasa court sila.

Lumingon ako kay Elion para kausapin pero medyo natigilan ako nung makita siyang nagbabasa ng libro. Si Elion nagbabasa ng libro para sa exams?!

"Himala, may himala-!!" napalingon ako kay Trixia nung hinampas niya yung braso ko.

"Ba't?"

"Langya ka, ang ingay mo. Mag review ka na nga lang para may magawa ka namang himala," saad ni Trixia bago binuklat ang libro niya. Kumunot ang noo ko.

"What do you mean makakagawa ako ng himala?"

"May himala daw kapag mataas grades mo," sagot ni Shiela bago ako inirapan.

"Guys, samahan niyo ko sa salon later,"

"Sure," sagot naming tatlo bago kanya-kanyang nag-review para sa examinations.

Bahagya akong napaigtad nung may kamay na nagsara ng libro ko, kunot ang noo kong nag-angat ng tingin sa taong gumawa nun. Aba't walang galang na bata ah.

"Bakit? Hiram kang ballpen?" lumaki ang ngisi ko nung napansin ang inis na ekspresyon ni Deah.

"Baka make-up remover," sabat ni Trixia na may malaking ngisi din kagaya ko. Mas lalo tuloy nainis si Deah.

"Bakit make-up remover? Dapat panty nalang," sabat din ni Mariel bago kinindatan si Deah nung napunta sa kanya ang atensyon ni Deah.

"Argh! So annoying!" padabog na bumalik sa pwesto niya si Deah tapos etong si Mariel at Trixia ay nag-apir pa.

"So annoying kanila diyan, ikaw nga yung annoying eh!" parinig ni Trixia.

Nung katapos ng klase, agad kaming pumunta sa mall para samahan si Mariel na mag paayos ng kuko. Mga ilang oras din ay natapos din kami.

"Guys! Tapos na yata yung sayaw ni Xever, lapitan natin?"

"Di mo pa siya nalapitan?" tanong ni Mariel kay Trixia.

"Lapitan natin?" tanong ko sa kanila. Mukhang kailangan pa yata naming pumila para malapitan si Xever.

Mga ilang minuto pa, nasa harapan na namin si Xever. Nagpapa-picture ngayon si Trixia habang nakatayo lang ako sa tabi ni Mariel na kinukuhanan ng litrato si Mariel.

Nung katapos makipag-picture ni Trixia, napunta ang atensyon ni Xever sa amin nila Shiela.

"Hi, Xever!" maligayang bati ko bago ngumiti.

"Diba sabi mo ikaw si Xever?" kumunot ang noo ko bago tiningnan sila Shiela na nakakunot din ang noo dahil sa sinabi ni Xever.

First of all, paano niya nalaman yun? And second of all, kay fucking Javier ko lang sinabi na ako si Xever as an excuse!

"What?!" napaatras ako dahil sa gulat nung tinanggal bigla ni Xever yung sumbrero niya bago yung black mask niya.

"Hindi nga kita kilala pero ba't alam mo yun-" bahagyang nakayuko ang ulo ni Xever habang umiiling-iling dahilan para sumabay ang buhok niya or bangs niya, sa pag-iling iling niya.

"Then allow me to introduce myself," halos mawalan ako ng hininga nung nag-angat ng tingin si Xever.

"I'm Javier Aldridge Guriego, and I'm Xever the dancerist too, gulat kayo noh?" Xever smirked before raising one of his eyebrows.

Natigilan ako at ilang segundo pa bago naproseso ng utak ko ang sinabi ni Xever.

"Ikaw si Aldridge?!" tumango si Javi bago ngumiti dahilan para makarinig ako ng tilian mula sa mga babaeng nandoon din at nanonood ng sayaw niya.

Si Javi, Xever at Aldridge ay iisa?!

"Ikaw yung tinutukoy ni Elion?" tiningnan ko ng matalim si Xever or should I say, Javi.

"Tinutukoy ni Elion? Anong sinabi niya sayo?" bahagya akong namula nung maalala ang sinabi sa akin ni Elion.

"Wala! Di mo na kailangang malaman," sagot ko bago siya mataray na inirapan. Narinig ko naman ang bahagyang pagtawa niya dahilan para mas lalong pumula ang pisngi ko. Langya, anong nangyayari saken?!

"Hulaan ko," bulalas ni Javi kaya napunta ulit ang tingin ko sa kanya. Sinuot niya ang sumbrero niya bago ngumiti. Ang saya niya ah.

"Sinabi niya na, gusto ka ni Aldridge," napaiwas ako ng tingin nung mapagtanto na totoo ang hula niya at tinuon nalang ang atensyon ko kila Trixia na gulat na gulat at kinuha pa ang phone niya para kuhanan kami ng litrato ni Javi.

"Look at me, Zani," hindi ko pinansin si Javi at nakaiwas pa din ng tingin. Hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya na maingat na hinaharap ang mukha ko sa kanya.

"Well, it's true tho. Gusto kita," sa tingin ko mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko kaysa sa tilian ng mga tao sa paligid namin. Mas lalo pa iyong bumilis nung makita ko ang pagpungay ng mata niya habang nakatingin sa akin.

Putangina.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon