17

388 18 6
                                    

17 : Zani

"Ingat kayo, atsaka wag niyo lunurin si Trixia," paalala ko kila Shiela habang naglalakad kami palabas ng building ng second years. Bukas na kasi ang magaganap na school trip na sagot ng unibersidad namin.

At maraming araw na din simula nung huli kong nakausap si Javi. It's kinda sad tho, cause I always talk to him but now...

"Tara mall?" yaya ko kila Trixia tumango naman silang lahat kaya napagdesisyunan namin na pumunta sa mall at ubusin ang allowance namin. De joke.

"Kilala niyo yung sumisikat na dancer?" biglang tanong ni Mariel habang nag-aabang kami ng jeep na sasakyan namin papuntang mall.

"Si Xever?" tanong ni Shiela. Medyo nabigla pa ako dahil minsan wala namang pakielam etong si Shiela sa mga pinag-uusapan namin nila Mariel.

"Himala, kilala mo siya?" tanong ko kay Shiela, nagkibit balikat lang siya.

"May jeep na," saad ni Trixia bago nag-para ng jeep. Pumasok na kami sa jeep at tabi-tabi kaming umupo. Pagkaupo ko bahagya akong natigilan nung may umupo sa katapat ko na pwesto.

"Mall po, apat," inabot na ni Shiela yung bayad naming apat at nanatili lang ang atensyon ko kay Javi na nakatingin sa bintana ng jeep. Hindi man lang siya nag-abalang lumingon sa paligid niya.

Nung umandar na ang jeep, napangiti ako nung makitang nahihirapan si Javi sa buhok niya. Medyo mahaba na kasi yung buhok niya. His slanted sweep hairstyle is kinda messy now.

Nag-iwas na ako ng tingin at tinuon nalang ang atensyon ko sa labas ng jeep.

"Bhie, ano gusto mo pasalubong?" paglalambing ni Trixia habang papasok kami ng mall. Nung bumaba na kami nila Trixia sa jeep, hindi man lang lumingon sa amin si Javi. I wonder if Deah's already making a moves on him.

"Pwedeng buhangin?"

"Sige sige," masayang saad ni Trixia.

"Bili pala tayo ng magandang lalagyanan ng buhangin," yaya ni Shiela bago nagsimulang maglakad papasok ng mall. Kaming tatlo naman ay sinundan si Shiela.

"Bili tayong bikini!" hindi naman ako makakasama sa beach trip pero hindi ko alam bakit pati ako ay hinila ni Mariel sa bilihan ng mga bikini.

"Wait lang! Di ako bibili! Hindi pa ako ready ipakita yung sexy body ko-"

"Shut up and just pick whatever you want," saad ni Mariel kaya wala na akong magagawa kung hindi pumili.

"Bakit? Libre mo ko?" nakangisi akong lumingon kay Mariel habang hawak-hawak na ang napili kong kulay maroon na bikini.

"Syempre hindi, bakit kita lilibre?" sarkastikong tanong ni Mariel kaya napabusangot ako bago siya inirapan.

"Minsan talaga iniisip ko bakit kaibigan ko kayo," madrama akong bumuntong hininga. Napasinghap naman mula sa may kabilang pwesto si Trixia.

"Pati ako dinadamay mo? Girl, mabait ako! Hindi kagaya ni Mariel, mabait ako kaya naging kaibigan mo ako," saad ni Trixia bago umirap, napangiwi naman ako.

"Di mo sure," rinig kong bulong ni Shiela na nakatayo sa tabi ko.

"Saan tayo next?" tanong ni Trixia pagkalabas namin ng Mang Inasal. Doon kami kumain para mabusog.

"Busog na ako," saad ni Mariel.

"Walang nagtatanong," saad ko habang naglalakad kami.

"Walanghiyang babae ka," singhal ni Mariel kaya tinawanan ko lang.

"How about, puntahan natin si Xever?" tanong ni Trixia.

Parang madalas ko ng naririnig ang pangalan ni Xever ah.

"Sino kaya siya noh?" biglang tanong ko sa kanila dahilan para mapalingon sila sa akin.

"Gwapo siguro siya," kinikilig na saad ni Trixia. Minsan talaga iniisip ko kung may jowa na ba talaga siya o wala.

"Basta gwapo ang linaw ng tenga mo," saad ni Shiela.

"Auto lingon kapag may pogi," natatawang sabi ko, sumang-ayon naman ang mga gaga.

Agad akong  gumising pagkarinig ko sa alarm ko. Ngayon na ang araw ng beach trip at dahil hindi ako sasama, makakapagpahinga na ako. Humiga ulit ako sa kama ko at ipinikit ang aking mata na may ngiti sa aking labi.

"Ate!!!!!" napabalikawas ako at agad na umupo sa pagkakahiga nung nagsilundagan ang mga kapatid ko sa aking fucking bed.

"Wala nga ako sa impyerno pero tong mga to mga demonyo," madrama akong nagpunas ng walang luha kong mata bago tiningnan ang mga kapatid ko. Sana lahat may enerhiya sa umaga.

"Ate! Ate!" tawag ni Zuri bago hinawakan gamit ang maliliit niyang kamay ang mga pisngi ko.

"Po?"

"We're going to perya right?"

"May perya ba?" agad na napabusangot si Zuri dahil sa sinabi ko habang humihikab ako.

"Fine, mamaya dadalhin ko kayo sa amusement park?" agad na lumiwanag ang mga mata nila Zayden kaya napangiti ako.

"Ate! Ready na daw yung pagkain," napalingon ako kay Zion na nagbukas ng pinto ng kwarto ko habang nakasuot pa ng pajamas niya na 'we bare bears'.

Si Zion, Zayden at Zuri parang si Grizzly, Panda at Ice.

"Let's go children of Jesus," bumaba na ako sa kama ko bago hinintay ang mga kapatid ko na makalabas ng kwarto ko.

"Ate!"

"Ate!"

"Ate!"

Puro ate nalang ang naririnig ko tuwing nasa bahay ako, buti hindi ako nagsasawa cute kase ng mga kapatid ko eh. UwU.

"Manang, umalis na po ba si papa?" tanong ko kay manang pagkaupo ko sa upuan.

"Oo iha, sinabi niya din na uuwi siya ng maaga para makasama siya senyo," tumango ako bago kumuha ng sinangag.

Pagkatapos kong kumain umakyat ulit ako sa kwarto ko para makapagbihis. Sakto namang tumunog ang phone ko nung kakahubad ko lang ng pang-itaas ko.

"Oh kumusta bitch," bungad ko kay Trixia yung nag-video call siya sa akin nung nakasakay na sila ng school bus.

"Ay wow, naunahan pa tayo mag-bikini," saad ni Trixia, sumilip naman si Mariel na nasa kaliwa ni Trixia bago kumaway sa akin.

"Laki ng hinaharap," saad ni Mariel kaya kinindatan ko siya.

"Naniwala ka naman," saad ni Trixia bago umirap.

"Mga walanghiya kayo! Kaya si Shiela ang pinakagusto ko eh!"

"Di kita gusto," matabang na sagot ni Shiela nung hinarap sa kanya ni Trixia yung camera.

"Wala na talaga akong kakampi sa mundong ito," madrama kong sabi bago sinapo ang dibdib ko.

"Ghorl, wala kang sasapuin-" bago pa man matapos ni Mariel ang sasabihin niya agad kong pinatay ang tawag.

"Bwisit na babaeng yun! Ipapalapa ko talaga yun sa unggoy-" natigilan ako nung makita ko ang pangalan ni Javi sa notification ko.

Nag-message sa akin ang kumag na iyon?

Javi:
Zani...

Kumunot ang noo ko sa message niya. Anong kailangan niya?

Make You Mine (CRS #4)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora