16

396 18 11
                                    

16 : Familiar

"Papa, alis na po kami," paalam ko kay papa na nasa sala namin habang nakikipaglaro kila Zuri. Kumaway sa akin ang mga kambal kaya kumaway ako pabalik bago pumunta sa front door.

"May pupuntahan ka pa ba bago pumunta sa ospital?" tanong ni kuya Jake habang nakasunod siya sa likuran ko. Sasamahan niya akong pumunta sa ospital dahil utos iyon ni papa.

"Wala man, pero pag pauwi na pwede punta muna sa mall? Bibilhan ko lang ng pasalubong yung tatlo," tumango si kuya Jake bago ako pinagbuksan ng gate at ng pinto ng kotse.

Nung nakasakay na kami ng kotse at nagsimula ng magmaneho si kuya Jake. Hindi ko maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Javi kapag mas lalong maging desperada si Deah.

Tsk! Halata sa babaeng yun na determinado talaga siyang makuha si Javi. Napatingin ako sa labas ng bintana ng kotse habang pinapanood ang ibang mga tao na abala sa kanilang ginagawa.

"Sa labas lang ako," tinanguan ko si kuya Jake kaya lumabas na siya at iniwan ako sa loob ng private room ni mama.

Napapaligiran si mama ng mga tubes, dextrose, at tanging tunog ng patient monitor ang naririnig sa loob ng kwarto. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama kung nasaan si mama na mahimbing pa din na natutulog.

Tatlong taon na ang nakakalipas simula nung mangyari ang aksidente dahilan para ma-comatose si mama.

Nasagasaan si mama nung pabalik siya galing sa palengke. Nung una sinisisi ko pa ang sarili ko dahil kung hindi ko lang pinilit si mama na magluto ng dinuguan edi sana hindi siya pupunta sa palengke at hindi nun siya masasagasaan.

Sabi nila kahit comatose ang isang tao, maririnig niya pa din ang sinasabi mo. Kaya sa tuwing pumupunta ako dito, lagi kong kinakausap si mama sa mga nangyayari sa buhay ko.

Hiling ko nga na sana bago ako makapagtapos, sana magising na si mama. Hinawakan ko ang kamay ni mama bago siya tiningnan. Maganda si mama, kasing ganda ko. Yieee.

Isang oras pa akong nanatili doon, kalabas ko ng kwarto medyo nahiya pa ako kay kuya Jake kase pinaghintay ko siya. Napansin ko din ang isang sobre na hawak-hawak niya.

"Para san yang sobre?" tanong ko kay kuya Jake nung palabas na kami ng ospital.

"Tulong para kay mama mo, bibigay ko mamaya kay papa mo," tumango ako. Nagpapasalamat din ako kase may tumutulong, at may iba ding umaasa at naghihintay na magising si mama.

"Kuya, diretso na tayo sa mall," saad ko kay kuya Jake bago siya nagmaneho papunta sa mall.

Bumili ako ng pasalubong para kila Zion at kumain na din kami ni kuya Jake. Nakakahiya naman kung hindi ko siya pakainin matapos ko siyang paghintayin sa labas ng halos isang oras.

"Uy bhie! Nandoon si Xever!" rinig kong sabi nung isang babae na naglalakad sa may bandang kaliwa namin. Bitbit na namin ni kuya Jake ang pinamili at uuwi nalang kami, pero mukhang medyo matatagalan kami ah.

Naalala ko tuloy yung sinabi ko kay Javi na ako si Xever. Bahagya akong natawa sa naalala ko na yun pero agad din akong nagseryoso nung maalala kong kasama ko pala si kuya Jake. Baka akala niya kase baliw ako dahil bigla-bigla nalang tumatawa.

"Kuya Jake," tawag ko kay kuya Jake kaya napalingon siya sa akin.

"Sino ba yung palaging nagbibigay ng sobre or tulong kay mama?" medyo natigilan siya sa tanong ko. Kase lagi kong nakikita na si kuya Jake ay may inaabot kay papa na sobre, tulong daw iyon.

Iniisip ko na siguro iisang tao lang ang nasa likod ng gawain na iyon. At gusto ko siyang makilala. Natigil kami ni kuya Jake nung mapunta kami kung saan sumasayaw si Xever.

Medyo nakaka-proud kase ngayon madami ng nanonood sa kanya at nagbibigay ng pera. Dahil nung una ko siyang nakita, halos wala man ang interesadong manood sa kanya.

"Xever..."

"Kilala mo siya?" napatango ako sa tanong ni kuya Jake habang nasa lalaking naka-itim na mask at nakasumbrero, ang atensyon ko. I really admire this guy's style when it comes to dancing.

Imagine, I'm dancing with this guy.

"Pwedeng panoorin muna natin siya?"

"Sure," sagot ni kuya Jake kaya napangiti ako. Napag-isipan muna namin na panoorin si Xever bago umuwi.

"Alam mo ba kuya Jake, ako ang pinakaunang audience ni Xever," saad ko bago ngumiti. Mula sa peripheral vision ko, nakita ko si kuya Jake na napalingon sa akin. Kuryoso siyang tumingin sa akin.

"Nung unang sumayaw siya dito? Ikaw yun? Ikaw yung babaeng sinasabi niya-" natabunan ng palakpakan ang tanong ni kuya Jake kaya hindi ko na masyadong naintindihan.

"Ha? Anong tanong mo?" tanong ko sa kanya nung natigil na ang palakpakan. Napakamot siya sa batok niya bago umiling.

"Wala, hayaan mo na yun." tumango ako bago tiningnan si Xever, nagsisimula na siyang palibutan ng mga tao kaya naisipan kong yayain na si kuya Jake na umuwi.

"Tara uwi na tayo,"

"Hindi mo ba siya kakausapin?" napatingala ako kay kuya Jake dahil sa tanong niya sa akin. Bahagyang nagsalubong ang kilay ko bago napalingon kay Xever.

Nanigas ako nung naabutang nakatingin sa akin si Xever. Natatakpan halos ang mukha niya at ang mata lang talaga niya ang makikita.

At dahil nakatingin siya sa akin, nakita ko ng maayos ang mga mata niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung mapansin ang kakaibang tingin niya.

Bakit parang pamilyar sa akin ang mga matang iyon?

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now