24

382 18 5
                                    

24 : Deah

Ilang linggo na ang nakalipas simula nung matalo ang Black Warriors sa semi-finals ng Basketball Championships. Pero I'm still proud of them dahil umabot sila sa ganoon. Atleast nakapasok sila sa best 8 teams ng basketball sa lugar namin.

Di din ako na-inform na pagandahan pala ng muse, kung kelan kami tinawag para ipakilala kami sakto namang hindi ko na suot yung heels ko, instead naka-sneakers nalang ako. Buti madaming taga-Roundell ang pumunta kaya malakas ang cheer nung pinakilala ako.

Simula nung Nationals, mas lalo na akong ginugulo ni Javi. Sabi-sabi pa siya na sa akin lang siya susunod. Ano siya? Aso? Aso ko?

"Zani!" napapikit na lang ako nung marinig ko na naman ang pamilyar na boses ni Javi sa labas ng room namin. Siniko ako ni Trixia at tingnan ko daw si Javi. Nung tiningnan ko si Javi kumaway siya ng parang bata bago ako kinindatan.

Ang ibang mga kaklase naming babae na nakita si Javi pati ang pagkindat niya ay napaliti.

"Nu ba yan?! Ang iingay! Ano Javier?! Suntukan nalang oh!" saad nung isa kong kaklase habang hinihilot pa siya nung mga iba naming kaklase na akala mo talaga ay makikipagsuntukan.

"No thanks, I don't want to let my girl watch me fight some idiots," saad ni Javi bago ako tiningnan at nginitian bago ito tumalikod para umalis. Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa ang bilis na naman ang tibok ng puso ko.

My girl?

Ako ba ang tinutukoy niyang girl niya?

Bakit parang feel ko gusto kong tumili?

"Hala bhie! Luma-love life na si kumareng matchmaker natin!" saad ni Mariel.

"Ang matchmaker na nahanap na ang ka-match niya, finally!" saad naman ni Trixia. Napailing nalang ako sa pinagsasabi nila.

Napatingin ako kay Deah nung bigla siyang tumayo sa pagkakaupo niya bago naglakad tungo sa akin.

"Zaniella," tawag niya.

"Anong kailangan mo?" imbes na ako ang magtanong niyon, inunahan pa ako ni Trixia.

"I'm not talking to you," saad ni Deah bago ulit ibinalik ang atensyon sa akin.

"Zaniella, can we talk later?" natigilan ako sa sinabi ni Deah, ilang segundo pa ang hinihintay niya bago ako tumango. Ngumiti lang siya bago bumalik sa pwesto niya.

"Hala baka pagsabihan ka niya na layuan mo na si Javier," bulong ni Trixia.

"Ano? Abangan na ba natin sa kanto?" tanong naman ni Mariel.

"Kahit kailan talaga, kakaiba ang mga utak niyo," saad ni Shiela kaya inirapan siya ni Mariel at Trixia.

Nung lunch break na, pinauna ko na sila Mariel sa canteen dahil nga mag-uusap kami ni Deah. Hinihintay ko si Deah na tumayo sa pagkakaupo niya.

"Let's talk somewhere else," tumango ako bago siya sinundan. Napansin ko nalang na sa pupwesto kami sa bench na nasa school grounds. Hindi naman mainit kaya siguro maganda sa pwesto kung saan kami mag-uusap.

"Tungkol ba kay Javi ang pag-uusapan natin?" tanong ko sa kanya pagkaupo namin sa bench.

Ilang segundo ko siyang hinintay magsalita bago niya naisipang magsalita.

"Well, alam ko naman na simula nung kinausap mo siya pakiramdam ko baka ikaw pa makatuluyan niya. Kaya medyo natakot ako nun tapos totoo pala hula ko," mapait na tumawa si Deah bago tumingala sa langit. Habang ako naman ay pinapanood lang siya at pinapakinggan.

"Imbes na sa akin mahulog, sayo pa siya nahulog. Ibang klase talaga si Javier noh?" nung lumingon si Deah sa akin bago ngumiti, napangiti ako.

"Sorry, alam kong gustong-gusto mo siya-" agad na itinaas ni Deah ang palad niya kaya napatigil ako sa pagsasalita. Oh gosh, the audacity of this girl to stop a goddess like me from talking! De joke lang.

"Nah, ayos lang. Sorry pala sa mga nagawa ko. Naimpluwensyahan lang ako nung mga kaibigan ko," nagkibit balikat si Deah pagkatapos niyang sabihin yun.

"Ayos lang," saad ko.

"Alam mo ba? Nung sinabi sa akin ni Javi na ikaw ang gusto niya, parang hindi na ako masyadong nasaktan nun kase alam ko na eh," saad ni Deah bago ngumiti ng mapait.

"Ramdam ko na eh, yung paraan ng pagtitig niya sayo noon habang kinakausap ko siya matapos mo siyang papuntahin para kausapin ako nun? Yung tingin niya sayo ay minsan ko ng pinangarap na sana may isang tao na titingin din sa akin ng ganoon,"

Lihim akong napangiti. Si Deah ay naghahanap lang ng tao na kayang suklian ang pagmamahal niya. Pinagdadasal ko sa lahat ng santo na sana, dumating na ang lalaki na para kay Deah.

Nagmahal siya sa tamang panahon pero sa maling lalaki nga lang. Kase yung lalaking iyon ay aken.

Wait what?

"Zaniella," nawala ang atensyon ko sa iniisip ko nung tawagin ni Deah ang pangalan ko.

"Oh?"

"Alagaan mo si Javier ha?" tumango ako kaya nginitian niya ako.

"Sige na pala, goodluck sa inyo. Wala na akong mapapatunayan na di ko kailangan ng tulong mo dahil simula't simula wala naman talaga akong dapat patunayan," saad ni Deah bago tumayo at iniwan ako. Pinanood ko lang ang likod niya na papalayo at papasok ng building.

Napabuntong hininga ako bago sumandal sa bench. Tumingala ako sa langit bago ipinikit ang aking mga mata. I can feel the peace now.

Napamulat ako ng mata nung may biglang nag-blow ng hangin sa mukhang ko. Amoy mint kaya mukhang kilala kung sino ang walanghiyang iyon.

"Hi babe," pagkamulat ng mata ko, si Javi ang nakita ko. And there it is again. My heart beating fast just for Javi.

"Anong sinabi mo kay Deah? Nagpasalamat ka ba?" tanong ni Javi kaya kumunot ang noo ko habang nakatingala pa din ako sa langit pero imbis na langit ang nakikita ko, ang mukha ni Javi ang nakikita ko.

"Bakit naman ako magpapasalamat sa kanya?"

"Kase kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon hindi mo pa din ako kinakausap,"

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now