28

386 18 5
                                    

28 : Woke up

"Javi, pwede na ba akong umalis?" pagkababa ko sa tawag ni papa iyon agad ang tinanong ko kay Javi.

"Di naman siguro tayo mananalo eh, asa ka," saad ko bago tumawa pero natigilan ako nung bigla niyang pinunasan ang luha sa mata ko.

"Your mother is more important than this contest, baby," saad ni Javi kaya napangiti ako.

Kaya ang ending, umalis na ako kahit hindi pa tapos ang contest. Nagpa-iwan si Javi kase siya na daw ang bahala sa mga gamit ko at katapos nun ay bibisitahin niya na si mama.

Tinext ko sila Trixia dahil alam ko na may dala silang kotse.

"Ano na girl? Gising na si mommy mo? Let's go na!" saad ni Trixia bago binuksan ang pintuan ng kotse na dala niya. Sumakay na ako pati sila Mariel.

"Ang ganda ng sagot mo kanina ha," saad ni Trixia habang nagmamaneho.

"Uy true, baka ikaw nga ang manalo eh," saad naman ni Mariel. Nung malapit na kami sa ospital biglang tumili si Mariel kaya napunta ang atensyon namin sa kanya.

"Anong tinitilian mo?" tanong ni Shiela. Pinakita niya naman ang picture ni Javi na seryoso ang itsura pero ang gwapo pa din.

"Napano?" tanong namin nila Shiela.

"First runner up kayo sis!" biglang tumili si Trixia na nasa driver's seat kaya napaigtad ako. Punyemas.

"Sino yung winner?" tanong ni Shiela.

"Yung taga-Eastfar yata," sagot ni Mariel. Agad kong binuksan ang phone ko para batiin si Javi at sila Jared.

Me:
Totoo? Tayo first runner up sa second years? Javi?

Jared:
Yes ate girl, it's true.

Kimberly:
Congrats teh!

Joy:
Good job guys, lahat tayo ay may iuuwi ket nauna ng umuwi yung isa diyan

Erica:
Luh siya, hayaan mo siya Alora, ang importante nanalo kayo

Chester:
Ganda din nung sagot ni Ella eh

Me:
Thanks, kuya Ches

Chester:
Wc.

Javi:
I'm coming

Jared:
Emeged ka papi Javi

Kimberly:
Tumigil ka nga Jared, parang tanga toh. Sorry kuya Javier

Javier:
It's alright, sa isang buwan ko kayong kasama sa practice wala na siyang ibang ginawa kundi mga kalokohan

Erica:
Baka si Jared toh.

Me:
Brb guys,

Pinatay ko na ang phone ko nung makahinto na si Trixia sa harapan ng ospital.

"Ano na girl?"

"Sige na, mauna na kayo. Baka pagod pa kayo, salamat ulit! See you sa Lunes!" kumaway ako kila Mariel habang papasok ako ng ospital. Bumusina muna si Trixia bago nagmaneho paalis.

Pagkapasok ko ay dumiretso na ako sa kwarto ni mama. At dahil kagagaling ko lang ng contest edi naka-ayos pa ako kaya madaming napapatingin sa akin. Ganda eh.

"Pa!" pagkabukas ko ng pinto bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni mama. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya. And after many years, I finally felt my mother's hug again.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa saya.

"Na-miss kita ma," saad ko habang nakayakap pa din kay mama. Nung narinig ko ang tawa niya habang hinahaplos ang buhok ko, mas lalo lang akong naging emosyonal.

"Ma, inalagaan ko ng mabuti sila Zayden," saad ko nung umupo na ako ng maayos para makausap si mama. Nakangiti si mama habang nakatingin sa akin.

How I missed her scent, her voice, her presence.

"Gusto ko na ulit kayo makasama," saad ni mama. Matutupad na ang gusto nila Zayden na umuwi na si mama at doon na ulit matulog.

"Don't worry ma, kapag pwede na kayong umuwi, magkakasama na po ulit tayo," saad ko habang hinahawakan ang kamay niya mama.

"Totoo yan, hay sa wakas. May makakasama na ulit ako," saad ni papa kaya napangiti si mama.

"Maiwan ko muna kayo, bibili lang ako ng makakain," saad ni papa bago kumaway kay mama dahilan para mapangiti si mama.

"Saan ka galing at ganyan ang suot at ayos mo?" tanong ni mama.

"Contest po ma," sagot ko.

"Dalaga na ang anak ko, parang nung kahapon lang eh iniiyakan mo pa yung pagpunta sa school tapos ngayon sumasali kana sa mga contest sa school," saad ni mama.

"Saan ka nag-aaral ng college ngayon, nak?"

"Kung saan po kayo nagsimula ni papa," sagot ko kaya napangiti si mama.

"Sa Roundell..." saad ni mama. Sa Roundell University din sila nag-aral ni papa at doon nagkakilala.

"May nanliligaw na ba sayo? O baka naman may jowa kana," ngumiti ng nakakaloko si mama. Sa kanya talaga ako nagmana eh.

"Wala pa po akong jowa, pero manliligaw meron," sagot ko bago naalala si Javi. Papunta na daw siya dito.

"Talaga? Sino?" nawala ang atensyon namin sa isa't isa nung bumukas ang pinto.

"Zani!..." parehas na lumipat ang atensyon namin ni mama kay Javi na pumasok sa loob ng kwarto.

"Diba ikaw iyong pasaway na bata na walang pake sa paligid niya?" tinuro ni mama si Javi kaya agad na napayuko si Javi habang kinakamot ang likod ng leeg niya.

"S-Sorry po, kung hindi po sa pagiging pabaya ko edi sana wala po kayo ngayon sa ospital," saad ni Javi. Tumayo muna ako para makausap ni Javi si mama. Naghintay din kasi kagaya namin si Javi na magising si mama.

"Ayos lang iyon iho, ang importante ligtas ka at gising na ako," saad ni mama. Napangiti naman ng bahagya si Javi bago tumingin sa akin. Kumindat siya sa akin kaya pinandilatan ko siya ng mata. Walanghiyang toh. Pati ba naman sa harapan ni mama.

Lumapit sa Javi kay mama at umupo sa upuan na inuupuan ko kanina.

"Salamat po," saad ni Javi, si mama naman ay ngumiti lang bago nilahad ang palad niya. Tinanggap naman ni Javi ang palad ni mama kaya niyakap siya ni mama.

"Sa susunod, maging mapanuri ka na sa paligid mo," saad ni mama habang yakap yakap si Javi. Nakatayo lang ako sa gilid habang pinapanood sila na may ngiti sa aking labi.

"Malay mo, hindi ka na nga maaksidente may makita ka pang babae para sayo," saad ni mama, agad akong namula nung kinindatan ako ni mama. Wtf?

Ilang minuto pang nag-usap sila mama at Javi nung naisipan ng umuwi ni Javi.

"Zani, kita nalang tayo bukas?" nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Javi.

"Ha? Tayo?" tumango si Javi.

"Bakit?" tanong ko.

"Gusto kitang masolo," saad niya bago ngumiti at umalis na.

"Nak," tawag ni mama kaya lumingon ako sa kanya.

"Boto ako sa kanya," saad ni mama na ikinalukot ng noo ko.

"Boto? Kanino po?" nagtataka kong tanong.

"Kay Javier, boto ako kay Javier para sayo, sana siya nalang ang nanliligaw sayo di mo sinabi kilala mo pala siya," saad ni mama bago ngumiti ng matamis sa akin.

Make You Mine (CRS #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon