25

390 19 9
                                    

25 : Representative

"Ano na naman ba ginagawa mo dito?" tanong ko kay Javi nung umupo siya sa tabi ko habang hinihintay ko sila Trixia na bumili ng pagkain. Nasa canteen kami ngayon tapos etong si Javi bigla-bigla nalang sumulpot sa tabi ko.

"May sasabihin ako," aniya bago ngumiti ng maluwang. I admit. He really looks attractive when he smiles.

"Ano?" tanong ko bago binuksan ang bottled water na binili ko kanina at uminom.

"Ligawan kita," kaswal na saad niya habang ako naman ay muntikan pang maibuga ang tubig sa bibig ko dahil sa gulat. Nanlalaki ang mata kong tingin siya.

"Bakit parang hindi mo tinatanong? Paano kung di kita payagan?" mataray kong tanong sa kanya. Hinagod niya ang buhok niya gamit ang kanyang mga daliri bago umiling.

"Sa ayaw at sa gusto mo, liligawan kita," saad niya. Sakto namang dumating na sila Trixia. Hindi na nga sila nabigla na nakaupo sa tabi ko si Javi eh.

"Atsaka dapat ako lang nanliligaw sayo, para sa huli ako lang ang sasagutin mo," ngumiti ng nakakaloko si Javi bago tumayo at nagpaalam na bibili ng pagkain.

"Wag ka na bumalik," saad ko, napanguso naman si Javi.

"Akala ko ba sa akin ka lang makikinig? Gusto ko wag mo ko kausapin," saad ko.

"I won't do that," saad niya, naramdaman ko naman na pinapanood kami ng mga kaibigan ko.

"Tsk! Pa hard to get pa eh, but don't worry I'll do anything just to get you," saad niya bago tuluyang umalis. Natahimik naman kaming lahat ng nasa lamesa na iyon bago unang nagsalita si Trixia.

"Ligawan ka daw niya?" tumango ako bago kinuha ang pagkain na pinabili ko sa kanya. Napasinghap naman si Mariel na nasa tabi niya.

"Dalaga na ang ating anak!" saad ni Mariel kay Trixia bago sila nagyakapan. Nagkatinginan kami ni Shiela bago umiling-iling sa dalawa naming kasama.

"Guys-" natigil ako sa pagsasalita nung may biglang lumapit sa akin na dalawang babae. Naalala ko tuloy yung dalawang first year na nagbigay sa akin ng love letter.

"Hi Zani! Can you help me?" tanong nung isang babae na may maikling buhok.

"What is it?" tanong ko at mukhang lumiwanag ang mukha niya dahil doon.

"May gusto siya sa lalaking iyon kaso di man lang siya pinapansin eh," saad nung kasama niyang babae.

"Sino ba yun?" tanong ko.

"Si Cadmus na player ng basketball team," sagot nung babae na kasama nung maikli ang buhok.

My mouth formed an 'O'. Hindi kase nila alam na lalaki din ang gusto ni Cadmus!

Hindi din alam ni Cadmus na alam ko na bakla siya. Madami na kasi akong naging kaibigan nun nung highschool na puro mga bakla. Kaya ako ay naging bakla na din. Charot lang.

"Uh, sa tingin ko may jowa na si Cadmus, ayaw mo naman sigurong mas lalong masaktan diba?" saad ko kaya tumango ang babae.

"Sige po pala, salamat," umalis na silang dalawa bago ko ulit ibinalik ang atensyon ko sa pagkain ko.

"Tara na," nabigla ako nung biglang tumayo sila Trixia, dahil tapos na silang kumain samantalang ako ay hindi pa nakakakain!

"Uy mga gaga! Iiwan niyo talaga ako noh!"

"Kasama mo naman si Javi eh, kaya ayos na yan," saad niya bago hinila si Mariel at Shiela na kumakaway pa sa akin.

Sinimulan ko na lang na kumain, at naramdaman ko din na papalapit na si Javi. May biglang naglapag ng strawberry milk sa harapan ko kaya tumingala ako para makita kung sino iyon.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now