14

393 14 11
                                    

14 : Prove

"Bye!" kumakaway ako habang papalayo ako sa gate ng bahay namin, kung nasaan ang tatlo kong mga kapatid na kumakaway din pabalik sa akin. Pupunta na ako ng school ng ganito kaaga. Di ko nga alam bakit ang agang nagising nila Zion.

Nung hindi ko na nakikita ang gate namin, binaba ko na ang kamay ko at nag-book ng cab. Ang layo-layo ng bahay namin sa Roundell tapos lalakarin ko lang?

Hindi na din pala ako natuloy ang pagpunta ko sa hospital kahapon dahil may biglang in-email si ma'am sa amin at nag-send pa ng lectures na ipapa-quiz ni ma'am ngayon. Siguro next Sabado dun nalang ako bibisita kay mama.

"Uy! Nakapag-review ka?" bungad sa akin ni Trixia pagkatapos kong ipakita sa guard yung I.D ko. Ang ganda ko nga sa personal tapos sa I.D naman para akong patatas.

Unfair!

"Syempre..." saad ko bago nag-flip ng hair. Lumiwanag naman ang mukha ni Trixia bago yumakap sa braso ko.

"Pakopya-"

"Syempre hindi ako nag-review, kelan pa ako nag-review?" biglang nawala ang ngiti ni Trixia, tahimik kaming pumunta sa room namin at naabutan namin ang maingay na mga kaklase namin. Wala mang nag-re-review.

"Tae ka, kokopya na sana ako sayo," inirapan ako ni Trixia bago tinanggal pagkakayakap sa braso ko at umupo sa pwesto niya.

"Wag na mag-review magiging tambay lang naman tayo," saad ni Mariel bago umupo sa pwesto niya. Sumunod naman si Shiela na umupo na din sa pwesto niya.

"Lapit na din pala ng trip noh?" saad naman ni Trixia.

"Hindi ka talaga sasama, Zani girl?" umiling ako, napanguso naman si Trixia bago sumandal sa upuan niya.

"Ang daya, kelan ka sasama? Next year kapag third years na tayo?" tanong ni Shiela habang nilalabas ang notebook niya para mag-review. Hala sanaol nag-re-review.

"Malay niyo, next year maisipan kong sumama," sagot ko bago nagkibit balikat.

"Ay true, sa beach pa din yung punta natin nun! Pakita sana natin mga sexy bodies natin," saad ni Trixia bago mahinang tumili. Napangiwi naman ako bago pumangalumbaba sa desk ng upuan ko.

"Sigurado kang sexy body ang body mo?" natawa si Mariel at Shiela sa tanong ko, habang si Trixia naman ay nakabusangot. Natahimik ang pagkukulitan namin nung pumasok na sa room si Deah, na hinatid pa yata nung mga new friends niya. Hala sanaol hinahatid.

"Guys, may chika ako. Alam niyo ba? Nakita ko kahapon sila Deah dun sa mall. Andun sila sa bilihan ng panty, butas yata panty nila kaya bumili ng bago," pagku-kwento ni Mariel at halos mabulunan na ako sa laway ko dahil sa chika ni Mariel.

Kaming apat ay napatingin kay Deah na nakaupo sa harapan habang naka-krus ang mga binti at braso nito. Nagbago na nga siya, hindi namin alam paano niya kami napagpalit. Porket naging close na siya sa ibang students at kay Javi.

"Feel niya sikat na din siya," saad ni Shiela bago umiling-iling. Nawala ang atensyon ko sa mga kaibigan ko nung may kumalabit sa akin sa may likuran ko, kaya hinarap ko kung sino at hindi na ako nagulat na si Elion yun.

"Oo na, mamaya. Pupunta ako sa court, alam ko din na kailangan mong matapos kaagad mag-practice dahil pupuntahan mo pa si Azielle," medyo nagulat pa siya sa sinabi ko at napansin ko din ang bahagyang pamumula ng pisngi niya.

"Akala mo diko alam noh?" nag-iwas siya ng tingin habang nakangisi ako ng nakakaloko. Lately, napapansin ko etong si Elion at yung taga-section one na magkasama kumain. Tutor niya ba yun or what.

"Class, did you review your lectures?" nagkatinginan muna kaming magkakaklase para tingnan kung sino ang unang magsasalita. Dahil mabait ako, edi ako ang unang nagsalita kahit hindi naman ako nag-review.

"Yes ma'am! Nag-review kami," sagot ko napangiti naman si ma'am habang ang mga kaklase ko ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.

"Pero ma'am, medyo nakalimutan namin." saad nung isa naming kaklase.

"Ehem! One hour review," nakipag-apir ako kay Trixia dahil sa sinabi niya. Each subject namin ay tig-iisang oras.

At sa huli, hindi kami nakapag-quiz. Bukas nalang daw kaya mamaya sigurado na akong mag-re-review ako. Hehehe.

"Guys! Una na kayo, punta lang akong court," tinanguan ako nila Mariel bago sila naglakad papunta sa canteen. Kailangan kong pumunta kay coach lalo na't malapit na din ang tournament. Mga ilang weeks from now. Ih tapos may examination pa kami katapos ng tournament. Tapos ano na nun Nationals.

Kung mananalo sila ng Nationals. Mas lalong magiging busy ang mga players. Ngayong month ay madaming ganap. Meron pa yung mga journalists na ilalaban sa Eastfar yata yun. Tapos alam ko pagkatapos ng Nationals ng basketball, may beauty contest kung saan lalaki at babae ang representative kada isang University.

Iniisip ko pa lang ang mga ganap sa University, sumasakit na utak ko. Hinilot ko ang sintido ko habang palabas ng building ng second years, para makapunta sa basketball court.

Napahinto ako nung makita si Deah sa labas ng building at mukhang may hinihintay. Pero nagpatuloy ulit ako sa paglalakad, lalagpasan ko na sana siya pero nagsalita siya at sinabi pa ang maganda kong pangalan.

"Zaniella, stop helping me with Javi," napalingon ako kay Deah dahil sa sinabi niya.

Dahil madali lang naman akong kausap edi sige.

"Sure," sagot ko bago ngumiti ng matamis sa kanya, mukhang nainis siya.

"Huwag mo na din kakausapin si Javi," saad niya kaya kumunot ang noo ko.

"Why would I do that?" humarap na ako sa kanya para makita ko siya ng maayos.

"Hindi na din naman ako nagpapatulong sayo kaya bakit kakausapin mo pa siya?" medyo napaisip ako sa sinabi niya. Kinausap ko lang naman si Javi dahil nagpapatulong sa akin nun si Deah.

"Tsk! Kung hindi lang naman dahil sa sakin hindi ka nun papansinin," saad ko bago umaangat ang gilid ng labi ko.

"Wala akong pakielam! Basta wag mo siyang kakausapin! I can prove you wrong! Javi will be mine without your help!" tumaas ang isang kilay ko sa sinabi sa akin ni Deah.

"Prove me wrong?" bahagya akong natawa bago seryosong tiningnan siya sa kanyang mga mata.

"Sure, I'll accept that. Prove me that Javi will be yours without my help, got it?" paghahamon ko sa kanya.

"Since I accepted that, from now on I'll stop talking to him so you can focus on proving me wrong," huling saad ko bago siya tinalikuran. Pero hindi pa man ako nakakalakad, nilingon ko siya para biruin.

"Pag nagtagumpay ka, huwag niyo akong kalimutang invite sa kasal niyo," saad ko bago siya kinindatan at tumalikod na ako sa kanya para magsimula ng maglakad palayo.

Bilis ko ding magpasya noh? Sana hindi ko pagsisihan.

And all I need to do now is to tell Javi, that the one month he gave me to make him fall for Deah isn't going to continue now.

Make You Mine (CRS #4)Onde histórias criam vida. Descubra agora