02

563 23 13
                                    

02 : Manager

"Yun lang?"

"Yun lang," seryosong sagot ko kay Trixia habang nakapabilog kami sa room at pinag-uusapan ang nalaman ko kahapon tungkol kay Javi.

"Kung ganon..." napatingin kaming apat kay Deah na biglang nahiya at yumuko.

"Pwede na yan," tamad kong sagot bago itinaas ang aking paa sa desk ni Mariel.

"Ibig sabihin magugustuhan na ako ni Javier?" nahihiyang tanong ni Deah kaya napaupo ako ng maayos bago siya tiningnan.

"Hindi, gaga," sagot ko kaya hinampas ako ni Shiela sa braso ko dahilan para mapadaing ako sa sakit.

"Gaga ka talaga, humihina tuloy ang loob ni Deah," pagalit na sabi ni Shiela kaya napanguso.

Ginagamit niya nga ako para mapasakanya si Javier dahil mahina ang loob niya. Hays.

"Okay fine, maghahanap pa ako ng mga facts about your one and only," saad ko kay Deah bago tumayo at inayos ang upuan ko. Inayos na din nila Mariel ang mga upuan nila sakto namang pumasok na ang teacher namin.

"Diba may practice kayo?" tanong ni Trixia habang palabas kami ng room para mag-lunch break. Bigla kong naalala na may practice pala ang basketball team. At ako ang magaling nilang manager na nakakalimutan ito. Tsk! Kaya gusto nila akong palitan eh.

Napabusangot ako bago ko pinauna sila Trixia.

"Ghe! See you bukas!" tamad akong kumaway kila Trixia bago bumalik sa room pero hindi ako nakapasok nung harangan ako nung mga kaklase ko na kasama sa basketball team.

"Hello nga pala sa magaling naming manager," nakangising saad ni Julian, nasa likuran niya naman si Cadmus, at Dylan na mga basketball players din.

Ngumiti naman ako sa kanila na parang natatae bago kumaway. Dahilan para mapailing sila.

"Kailangan na talaga natin ng bagong manager," saad ni Cadmus kaya tiningnan ko siya ng masama. Hindi niya napapansin pero alam ko ang sikreto nilang dalawa ni Dylan. Napangisi ako sa kanya dahilan para kumunot ang noo niya.

Gandang lalaki pa naman, crush ko na sana siya kaso lalaki din pala ang gusto. Hays. Sinenyasan ko sila na sundan ako at para naman makapunta na din ako sa practice ng hindi tumatakas. Hehehe!

"Buti nandito na ang pinakahihintay na magaling na manager sa buong mundo," sarkastikong bungad ni Elion pagkapasok ko, hindi ko siya pinansin at pumunta nalang sa tabi nung coach namin para mag-sorry.

"Sorry coach, nakalimutan ko. Alam niyo naman, I'm a busy person," nakangusong saad ko kay coach.

"Busy person..., baka busy kaka-stalk," nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang bulong na iyon mula sa likuran ko kaya agad akong napalingon at nakita ko si Aiden.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya kaya napakibit balikat siya bago tiningnan si coach.

"Coach, pwedeng half day lang muna si captain Elion? Pinapatawag siya ni principal eh," napatingin si coach kay Elion na kinakausap na ang mga kasama niya bago tumango.

"Ako coach? Pwedeng half day din ako-"

"Hindi." napabusangot ako bago padabog na umupo sa isang tabi. Hindi ko nga alam paano ako naging manager ng mga kumag na ito. Binigyan lang ako ng papel tapos pinirmahan ko kahit hindi ko pa nababasa ang laman, bago pumunta sa basketball court tapos malalaman ko nalang na manager nila ako.

Napailing-iling ako. Ilang buwan pa naman bago ang tournament tsaka may beach trip pa na magaganap next next week. Naisipan ko nga na huwag nalang pumunta sa beach trip dahil nakakatamad.

Pumangalumbaba ako habang pinapanood ang paglalaro nila Cadmus. Dahil naging manager nila ako, edi dapat alam ko ang mga rules at signs sa basketball. Kaya wala akong choice kung hindi pag-aralan ang mga iyon.

Tapos ako pa ang taga-bigay ng mga tubig at pamunas nila. Hays.

Unti nalang talaga, lalayas na ako sa mundong ito. Lilipat na ako sa Mars at ako na ang mamumuno sa mga aliens.

Napailing-iling ako sa mga walang kuwentang ideya na pumapasok sa isip ko. Kung sino man ang makakakita sa akin ngayon aakalain nila na malaki ang problemang kinakaharap ko ngayon.

Napunta ang tingin ko kay Aiden na kinakausap na ngayon ni Elion. Ang pagkakaalam ko, matalik na magkaibigan itong si Elion at Aiden. At kasama na din doon si Javier.

Ibig sabihin nun, maari kong tanungin si Aiden kung ano ang mga tipo ni Javier at paano ito maakit. Napatayo ako sa upuan ko bago ngumiti ng maluwang.

"Manager, pwedeng paabot nung panyo," napalingon ako kay Andrei na nakangisi kaya padabog akong pumunta sa bench nila para kunin ang panyo niya bago ito hinagis sa mukha niya.

Oh diba, ang tino kong manager.

Buti nalang at na-survived ko ang practice na iyon, dali-dali akong lumabas ng court. Uwian na kaya madaming tao ang nasa labas ng mga building. Langya, paano ko mahahanap ang malanding tae na yun.

Punta nga muna ako sa canteen, nagugutom na ako ng bonggang-bongga at baka dumating sa punto na pati sarili ko ay kainin ko na para maging titan ako. Ehe.

"Puchang buhay to," bulong ko sa sarili pagkapasok ko sa canteen. Akala ko uwian na bakit ang dami pa ding mga tao sa loob ng canteen?

Amoy na amoy ko ang mga pawis ng mga tao dito sa loob ng canteen. Bakit kasi pinatay pa nila ang walang kwentang aircon na yun. Tsk! Kahit buksan naman yun wala pa ding kwenta dahil sira na.

Pumasok na ako para pumila. Nakapamewang akong tumayo at nanghuhusgang tinitingnan ang mga nakapaligid sa akin.

"Zaniella!" dahan-dahan akong napalingon sa tumawag sa napakagandang pangalan ko.

"Yes?" nagtaas ako ng kilay sa dalawang first year na babae. Nahihiya silang dalawa na magsalita kaya napabuntong hininga ako at nagsalita.

"Sorry, hindi ko kayo matutulungan dahil may tinutulungan pa ako," saad ko. Alam ko namang ang magaling kong talent sa pag ma-match maker at iba pa ang kailangan nila eh. Sorry sila, hindi pa ko tapos kila Deah at Javi.

"H-Hindi iyon ang pakay namin!" napailing-iling silang dalawa habang namumula.

Kumunot ang noo ko bago nagsalita. "Then what is it?"

Halos mapausog ako nung biglaan nilang nilahad sa sakin ang dalawang kulay pink na sobre at isang rose at chocolate. Nakaiwas silang dalawa ng tingin habang nakalahad ang mga bagay na hawak-hawak nila.

Kahit nagtataka, kinuha ko pa din iyon bago sila tumakbo palayo.

"Anyare sa mga yun?" tanong ko bago tiningnan ang mga binigay nila at agad itong ipinasok sa loob ng bag ko.

"Guys, rinig niyo. May bagong target daw si Javier," parang naging malaking kaldero ang mga tenga ko nung marinig ko ang pangalan ni Javier sa tatlong babae na nasa unahan ko at nakapila din.

"Weh? Sino daw?!" tanong nung babaeng may kasing kapal ng mukha niya ang make up niya.

"Sabi nila ay yung manager daw ng basketball team ng school natin," napasinghap ang dalawa nitong kasama at napailing-iling naman ako.

Sino na naman ba ang manager ng basketball team ng Roundell? Kahit kailan talaga hindi nawawalan ng babae ang lalaking iyon.

Matingnan nga kung anong itsura ng manager nila Elion-

Wait...

WHAT?!

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now