01

691 22 9
                                    

01 : The Seductive Playboy

"Kailangan mapula labi mo para masarap kang halikan," saad ko habang nakangisi ng nakakaloko kay Deah at nilalagyan siya ng liptint.

"Ganun ba yun?" inosenteng tanong ni Deah kaya natawa ako ng bahagya bago siya sinagot.

"Syempre hindi, bakit ka naman niya hahalikan? Baka mamaya di ka pala marunong humalik," saad ko kaya napabusangot siya.

Kilala din ako sa pagiging straightforward ko. Atsaka sinasabi ng iba na pasmado bibig ko. Well, totoo naman.

"Grabe ka naman Ella," saad ni Mariel bago hinagod ang buhok ni Deah.

"Baka nga mamaya wala pang first kiss etong si Deah eh," saad naman ni Shiela.

"Turuan mo nga Zaniella," saad naman ni Trixia habang nakatayo sa gilid ko at nakatingin kay Deah.

"Game?" agad na nanlaki ang mga mata ni Deah dahil sa sinabi ko kaya natawa ako bago siya hinawakan sa balikat niya.

"Hindi ako pumapatol sa mga babae, atsaka dapat si Javi ang first kiss mo," saad ko bago siya nginitian. Namula naman siya bago tumango at nag-iwas ng tingin.

"Javi?" tanong ni Mariel.

"Ang hirap i-pronounce nung name ng lalaking yun, nakaka-pulupot ng dila," saad ko bago ibinulsa ang liptint ko at umupo sa pwesto ko.

"Mga gago, wag niyo akong kakausapin," napunta ang atensyon ko sa pintuan ng room namin.

As usual, ang bunganga na naman ng lalaking iyon ang maririnig sa umaga.

"Ang gwapo talaga ni Elion noh? Kaso ang hirap niyang lapitan," nakangusong saad ni Shiela habang pinapanood si Elion na pumunta sa pwesto niya.

Elion is one of our classmates and I heard he's friends with Javi. He's also the nephew of our principal so no one dared to mess with him.

"So ano na?" napunta ang atensyon ko kay Trixia na umupo sa upuan na nasa tabi ko. Kaming lima kase ay magkakatabi lang kaya minsan pinag-iinitan kami ng adviser namin dahil nagku-kwetuhan lang daw kami.

"Javi is kinda hard to please," napunta ang tingin ko kay Deah na nakayuko habang nakikinig.

"But I'm sure every guy's would fall to your trap if you seduce him," natahimik ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ko.

"S-Seduce?" tumango ako kay Deah na mukhang kinakabahan sa dapat niyang gawin.

"Dapat ba magsuot siya ng magandang damit para maakit niya si Javier?" tanong ni Shiela kaya tumango ako.

This is actually my first time telling someone to seduce the one they like in order for them to notice them.

Kakaiba kase si Javi eh, mukhang hindi pumapatol sa mga cute na babae.

"Magsuot ka ng magandang damit," saad ko.

"Kagaya ng?"

"Crop top," saad ko bago kumindat kay Deah.

"Sa tingin mo may lakas ng loob si Deah na magsuot ng civilian clothes?" pasinghal na tanong ni Mariel sa akin, nagkibit balikat lang ako.

Gagawin niya yun kung gusto niyang mapansin siya ni Javi.

"Edi kung ayaw nyo, taasan niya nalang yung skirt niya atsaka mag liptint," tamad kong saad bago sumandal sa upuan ko.

Hindi ko naman alam kung anong gusto ni Javier sa mga babae eh.

"O-Okay," saad ni Deah bago tumango, tumayo naman ako bago inayos ang palda ko at tiningnan si Deah mula ulo hanggang paa.

"Unang act, seduce Javi," saad ko bago pinitik ang daliri ko.

At dahil hindi namin alam kung anong tipo ni Javier sa babae edi nag-failed kami dahil hindi siya pinansin ni Javier.

"Ella," tawag ni Trixia kaya lumingon ako sa kanya. Tingin niya palang mukhang alam ko na kung ano ang gusto niyang mangyari.

"No way!" napatayo ako sa kinauupuan ko habang si Trixia, Deah, Mariel at Shiela ay napatingin sa akin.

"Anyare sayo?" nanunuyang tanong ni Trixia.

"Don't tell me, hindi mo gagawin ang pinagbabawal na technique," saad naman ni Shiela. Umirap lang ako habang nakapamewang.

"Bakit ko naman gagawin? Mas importante ang pag-aaral kesa pang-s-stalk ng isang lalaki," saad ko bago nag-flip ng hair.

"Sagot ko na ang soju, wala ng pag-asa si Deah," saad ni Mariel bago tumayo at umupo sa pwesto niya.

"Nye nye, kayong mang-stalk sa lalaking yun," saad ko bago naglakad patungo sa pwesto ko na nasa harapan.

"Hindi ko gets pinagsasabi niyo," saad naman ni Deah habang nakatingin sa aming mga kaibigan niya.

"Ganto noh, may technique si Zaniella na stalk ang isang lalaki para malaman nito ang natitipuhan nito sa isang babae," rinig kong sabi ni Shiela kay Deah.

Tumanggi akong gawin ang technique na naisip nila Trixia, pero hindi ko alam bakit nandito ako ngayon sa likod ng puno habang pinapanood sa malayo si Javi na kinakausap ng isang babae.

"Jusko, kelan ba mawawalan ng babae ang lalaking ito," bulong ko sa sarili ko bago umiling-iling.

"Kapag nakilala ka na niya," biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkabigla.

"Putang-!" agad akong napalingon sa taong nagsalita sa likuran ko.

"Who are you?" mataray kong tanong sa lalaking nasa harapan ko na ngayon.

"Aiden," sagot ng lalaki bago ngumisi ng nakakaloko. Napansin ng mga mata ko ang nakakasilaw na dimples ng lalaking nasa harapan ko.

"Bakit nandito ka?" tinaas ko ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Napadaan lang," sagot naman ni Aiden, hindi ko naman kilala ang lalaking eto pero alam kong kilalang lalaki ito lalo na't bawat napapadaan ay tumitingin sa kanya. Hindi din mapagkakaila na gwapo ang isang ito.

"Kung mag-s-stalk ka, dapat nakatutok ka sa taong ini-stalk mo, tingnan mo hindi mo nakita paano landiin ng gagong iyon yung babae," agad akong tumayo ng maayos at ibinalik ang atensyon sa lalaking pinapanood ko.

Nakaangat ang gilid ng labi niya habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Pansin kong mukhang mabait ang babae na kausap niya at namumula pa dahil sa ibinibigay na tingin sa kanya ni Javi.

Kumunot ang noo ko nung bigla niyang binasa ang labi niya bago kumindat sa babaeng nasa harapan niya dahilan para mas lalong namula ang pisngi ng babae.

"Sumumpong na naman ang kademonyohan niya," saad ni Aiden na nasa likuran ko pa rin pala.

Agad kong kinuha ang notebook ko sa loob ng bag ko bago nagsulat roon. Nagtataka naman akong pinanood ni Aiden habang sinusulat ko ang nalaman ko tungkol kay Javi.

"Mahilig sa babaeng mukhang matalino at madaling kiligin?" pagbasa ni Aiden sa sinulat ko. Agad ko iyong tinakpan at tiningnan siya ng masama.

"Umalis ka nga!" tinulak ko siya gamit ang paa ko pero hindi man siya nagalaw sa kinatatayuan niya.

"Hanggang saan kaya ikaw madadala ng pang-s-stalk mo..." nakangising saad ni Aiden bago pa-backwards na naglakad habang nakatingin sa akin. Inirapan ko nalang ang lalaki bago nilagay sa loob ng bag ko ang notebook at naglakad palayo.

Make You Mine (CRS #4)Where stories live. Discover now