From the world of Immortal, isang prinsesa ang nasumpa ng kamatayan sa di inaasahang pangyayari. Upang makatakas sa sumpang naganap, kinakalangang basagin nya ang kristal na puso ng hangin na bumubuo sa kanya, dahil nabalutan na ng itim na salamangka ang budhi nya. Kasabay ng pagkawala ng puting liwanag sa katawan nya ang pagka-mortal nya. Ang minamahal nya ang dahilan kung bakit maspinili nyang mabuhay sa pagiging mortal kaysa mamatay sa sumpa kahit dala nya ang kapangyarihan ng hangin. Ngunit sa pagkamortal nya, mawawala rin ang alaala nya. Upang matiyak rin ang kaligtasan, kailangang ipadala sya sa mundo ng mga tao. Gayon pa man, sa taliwas nilang mundo, isang puno ang mag-uugnay sa kanila at maraming tauhan ang susuporta, subalit ang sumpang akala nila'y nawala na, ay magbabadya. Matutuloy pa kaya ang pag-iibigan nila kung ang pangyayaring yun ay napakatagal na pala at ang prinsesa ay kasalukuyang nabubuhay sa hinaharap? ••• 12 ~ 15 ~ 16 (ON-GOING)