Chapter 8

3 1 0
                                    

Raine

Jay Got It

Hinding-hindi ko taga makalimutan 'tong lugar na to..

Naaalala ko pa nung nag wish ako dito ng "Please froze my heart.." para hindi na tumibok 'tong puso ko sa kung sino mang lalaki dyan. Kasi alam ko, masasaktan na naman ako. Okay na yung wala akong nararamdamang love attraction sa kung sino nan dyan. Para wala nang makakasakit sa baliw kong puso.

Pero bakit ganon.. Si Jay pa rin.
Wala namang kami. At mas lalong walang nangyaring "kami"..

Baliw na talaga ako.. Naiiyak na naman ako

Naglakad pa ko patungo dun sa katubigan o yung maliit lang na lawa.

Gusto ko ibabad ulit yung paa ko kaso pagod pa ko katatakbo. Baka mapasma pa ko nito. Ayoko pang ma-teggy boom.

Tanaw ko na naman yung ferris wheel. Nakakainis.. Gusto kong sumakay dun, sa totoo lang, never pa kong nakasakay dyan. Pero na-try ko na yung ibang rides. Baliw na talaga ako.

Habang naka tanaw ako dun. May bumungad na lumilipad na paro-paro sa harapan ko.

Napapikit pa ko nung dumapo pa yun sa ulo ko. Baka kasi mapuwing ako sa pulbos na nandun sa pakpak ng paro-paro. Nakaka bulag daw kasi.

Nang imulat ko ulit ang mata ko, nasa hangin na ulit sya lumilipad. Gusto ko sanang padapuin sa index finger ko pero ayaw naman.

Lumipad na sya palayo habang sinusundan ko ang paglipad nya ng tingin.

Ang ganda nya. Bigla tuloy akong napangiti.

Papunta na sya sa malayo, sa likod ko ang direksyon sya, kaya napatalikod na din ako.

Di ko alam kung nananaginip ba ko. May natanaw lang naman kasi akong imposibleng mapunta rito kung nasaan ako. Dahil naniniwala akong wala naman talagang connection ang sarili namin sa isa't isa. At mas lalong hindi kami destined sa isa't isa.

Nababaliw na talaga ako kakaisip ko sa kanya. Ayan nagpakita tuloy.

Ilang beses ko pang pinikit ang mata ko pero nandun talaga sya. Sa isang mala cherry blossom tree sa malayo, pero tanaw ko.

"Jay?" Sya ba talaga yun?

Heto na naman ang puso ko. Tumatambol. Pinigilan kong h'wag umiyak pero, hindi ko na napigilan.

Bakit ba pag nandyan sya. Parang binibiyak ang puso ko. Dahil ba malabong maging kami? O yung naging sila ni Angeline?

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Habang nakikita ko namang naglalakad sya papunta sakin.

Sana kung panaginip lang 'to, nagising na ko. Ayaw ko na kasing umasa at mangarap.

Hanggang sa nasa harapan ko na sya, pero may malaking distansya samin, hindi ako gumalaw. Hindi ko magalaw ang katawan ko at mas lalong hindi ko mapigilan ang paglatak ng luha ko.

Nakita na naman nya akong umiiyak. Kung sya talaga yan. Pero sya talaga eh.

His sharp brownish eyes, broad shoulders

"Hi." And his soft voice. Boses pa lang nya alam ko na. Na-miss ko ang boses nya. Na-miss ko ang atensyon nya noong ayos pa kami sa'ken. Na-miss ko sya..

Ningitian ko lang sya at pinunasan ko ang mata kong nanlalagkit gamit ang panyo na bigay ni Drew kanina sa'ken.

Mas lalong tumambol ang puso ko at nanlambot ang tuhod ko nang mas lumapit pa sya sakin.

Beside The TreeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu