Chapter 2

6 1 0
                                    

Raine

Meet Angelo

Nakakabitin yung panaginip ko kahapon.

Si ate Lyssa kasi ehh.. Istorbo.
Kung hindi imagination, panaginip lang din mga magagandang bagay nakikita ko.

Gusto ko lang maranasan ang mga bagay na yun sa reyalidad.. Kahit saglit lang...

Matapos gumayak, heto papunta na ko ng Mary's Melody Academy.

Maraming mga Students na nag kalat sa labas ng Gate.

Anong meron?

Sa di-kalayuan bigla kong nakita sa Pauline.

"PAU!!!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Lingon sya ng lingon sa kung saan saan matapos ko syang tawagin, parang di ata ako makita.

Ang dami ba naman kasi ng tao dito ehh.. Ang lapit ko na rin naman sa kanya.

"Huy!!" Pang gugulat ko sa kanya sabay kalabit sa bewang nya.
"Di mo ko nakita? Nasa likod mo lang ako. But anyway, ikaw lang mag isa?bakit naghahantay pa sila dito sa labas ng gate, staka bakit sarado pa? Anong oras naba?

"6:20am palang, inagahan ko na,b baka makatulad pa ko nung grade 8, pa grand entrance. Alam muna... Baka maging Queen of Late na naman ako..." Natawa na lang ako sa sinabi ni Pau.

"Haha!! Atleast heto.. Nag go-good girl kana! Staka anong oras? 6:20? Ang aga ko pala! Kahit kailan talaga 'tong Ateng ko! Panira!!"

"Oh bakit? Panong naging panira?? Ang aga-aga beast mode ka na naman dyan.. Baka masira beauty mo!!! First day of class bes!!" Sabi ni Pau habang nakakunot ang noo nya saken.

"Ehh.. pano ba naman kasi,ang ganda ganda ng panaginip ko kagabi,akala ko na nga totoo na yun ehh.. tapos binulyawan pa ko ng Ate ko, HOY GISING! GISING!! Nakakainis kaya!!" Halos mang gigil na ko sa pag-kukwento ko kay Pau.

"Ano ba kasi napanaginipan mo? Luma-Lovelife ka na naman... Ohh heto o chocolate.." Tanong nya sakin sabay bigay ng Chocolate Candy.

Kinuha ko ang bigay nyang chocolate.

Kinwento ko sa kanya ang mga kamalas-malasang nangyari sakin. Simula nung nagkita kami kahapon , hanggang sa matutulog na ko, at hanggang duon sa panaginip ko.

"Ang malas ko talaga kahapon diba! Pero alam mo, na cu-curious ako sa panaginip kong medyo creepy. Staka walang lovelife dun no.."

Di nagtagal sa pag hihintay at kwentuhan namin ni Pau, bigla nalang nag bell sa loob ng campus.

"Ay!P*ki!!!" Napasigaw ako.

"Grabe naman 'tong school na to!! Wala man lang sign na mag be-bell! But anyway.. Tara na nga.." Sabi ko kay Pau

"Ohh tara na, dami mo pang reklamo eh.."

Pagkabukas ng gate, pumasok na agad kami. At sa dami ng studyante, nagitgit kami. Nakipag siksikan nalang kami. Stranded na rin naman kami.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now