Chapter 17

9 1 0
                                    

Raine

Friend

Nagising ako dahil sa liwanag na tumatapat sa mukha ko na galing sa bintana.

Bumangon na ko at nag-unat.

Ang sarap ng pakiramdam ko ngayon. Parang dalawang araw akong tulog.

Dumungaw ako sa wall clock at nakita ang saktong 7:30am.

Anong oras na pala ako nagising. 7:00am ang breakfast nila Angelo. Kumakain na siguro sila ngayon sa baba.

Umalis na ko ng kwarto at bumaba. Tahimik.

Anong meron?

Nang nakababa na ko, lumingon-lingon ako. Nasa dining table siguro lahat sila kaya tahimik.

Tahimik akong naglakad papuntang dining table nila, katabi lang ng kitchen. Nakiramdam ako sa mga naririnig ko. Wala akong naririnig na ingay.

Laking pagtataka ko nang wala ni isang tao ang naroroon.

Pumunta ako sa kitchen, at mga maid lang ang naroroon. Napangiti ako ng mapalingon sila sakin.

"Nag breakfast na po ba kayo ma'am?" Tanong sakin ng isa sa mga maid.

"Ate naman... Di ba nga Raine nalang itawag nyo sakin. Hindi nyo naman ako amo ehh." Binalot kami ng tawanan.

"Okay!" At nag thumbs up sila sakin. Gumaya nalang din ako.

"Ano pong niluluto nyo?" Lumapit ako sa kanila at dinungaw ang niluluto nila. And as usual, laging nasa tatlo o higit pang putahe ang niluluto nila.

Napapikit ako nang maamoy ki ang masarap nilang niluluto. Parang ginugutom tuloy ako. "Ang bango.."

"Omelet, shanghai, at Miso soup po ang mga yan." Sagot naman ng isapang maid.

"Wala nyo na rin akong i-opo. Magkaka-edad rin naman tayong lahat dito ahh." Muli kaming binalot ng tawanan.

Ilang beses ko pa silang pinanood sa paghihiwa nila, paglalagay ng mga seasonings at kung ano-ano pa.

"Kayo ba? Kumain na kayo?" Umiling lang sila. "Patapos na rin kami. Wait ka lang dyan at ma-amaze ka." Sabi naman ni Lucy na naghihiwa ng carrots.

"Okie!" Ngumiti ako sa kanila at tumalikod na para pumunta muna sa labas.

Pagkabas ko, nakita ko ang isang maid na nagdidilig ng halaman. Ngumiti ako sa kanya nang mapatingin sya sakin.

Sa may gilid, nakita ko si Angelo. Nakaupo sa table at busy'ng busy sa laptop.

Dahan-dahan akong lumapit sa likod nya at kiniliti ang balikat nya. Kung saan may kiliti sya.

Natawa ako sa gulat na reaksyon ni Angelo. Halos mag lumpasay na sya sa kina-uupuan nya dahil sa kiliti.

Tumayo sya at hinablot ang kamay kong nangingiliti sa kanya.

Hinila nya ako, buntik pa kong matapilok. Pero nasalo naman nya ko at kinulong sa bisig nya. Kiniliti nya ko sa tagiliran ko.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now