Chapter 10

5 1 0
                                    

Raine

Wounds

Nandito na kami ngayon sa dorm nya. Pareho kaming basa, kaya hindi ko muna sya pinahiga sa kama nya. Pinaupo ko na lang muna sya sa sofa.

"Kaya mo bang mag bihis?" Tanong ko.

Hindi sya sumagot.

So anong gagawin ko? Hayy!! Hayaan ko na nga lang!

Kumuha ako ng damit sa cabinet nya pati jogging pants.

Binalikan ko sya.

"'wag ka mag alala! Di kita pagnanasaan!" Bulyaw ko sa kanya.

Baka mamaya kung ano-ano na pinag iisip nito..

Dahan-dahan kong tinaas ang damit nya. Tinaas ko ang kili-kili nya.

Iniwasan kong huwag tumingin sa abs nya.

Nakakaloka!

Hanggang sa matanggal ko na ang damit nya. At isinuot ko na sa kanya yung kinuha kong bagong damit para sa kanya.

Nanlalamig ako dahil sa electric fan. Siguro sya rin, kaya pinatay ko muna 'yon.

Binalikan ko na ulit sya.

So, heto na. Paano ko ba 'to gagawin?

"Huy! Isuot mo 'yong jogging pants. Huwag mong sabihin na ako pa rin magsusuot nito sayo?"

"Hmm.." Nanghihina talaga sya. Di naman pwedeng ihiga ko sya sa higaan nya ng basa.

Ano ba?!!

Pinikit ko ang mata ko at iginilid ko ang ulo ko. Dahan-dahan kong hinubad ang short nya. Sumilip ako ng konti at nakita kong may suot pa syang boxer.

Nag-ingat ako na 'wag mahawakan ang "ano" nya.

Magka-scandal pa ko..

Sumilip ako ulit at nakita ang green nyang underwear.

Hinampas ko ang mata ko dahil sa nakita ko.

Pumikit ulit ako at inilihig ang ulo.

Dahan-dahan kong isinuot sa kanya ang pants.

Hay nako!! Tapos na rin!!

Umalis ako para ilagay sa laundry basket ang pinagbihisan nya.

Hay nako!! Juicekoww naman!!

Hinanap ko ang emergency kit nya at nahanap ko 'yon sa ilalim ng kama. Kinuha ko 'yon at binalikan si Gray.

Tumabi ako sa kanya at bigla syang nag salita.

"Ma-magbihis ka muna.. aww!" Sabi nya at biglang hinawakan ang baso nya.

Napatingin ako dun at nakita ko ang may gasgas nyang braso.

"Walang akong dalang damit.." Mahinahon kong sinabi sa kanya.

"Kumuha ka muna sa da-damit ko.." Nakita ko ang mata nyang pulang-pula. Ganon din yung tainga nya.

Hinaplos ko ang tainga nya pero nagsalita agad sya na magbihis na ko. Wala naman akong magawa kundi sundin sya.

Naghanap ako ng matinong maisusuot ko sa cabinet nya.

T-shirt na white na malaki sakin at jogging pants ng P.E namin ang nahanap ko.

Pumunta ako sa C.R at nagbihis.

Ngayon ko lang napansin. May nagdurugo sa batok ko. Meron din sa likod ko.

Pinunasan ko nalang yun kahit medyo mahapdi. Di naman ako mamamatay sa sugat na 'to.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now