Chapter 9

5 1 0
                                    

Raine

With Gray

"Sorry..." Ano na naman ba 'tong katangahang ginawa ko..

Lumapit sya sakin. At.. Mukang alam ko na ang gagawin nya sakin

Pumikit ako at yumuko.

"Sige sakta mo na ko.. Gray."

Naghihintay ako na may kamay na dadaplos saan man sa katawan ko pero wala.

Binuksan ko na ang mga mata ko pero nakita ko lang syang nagtataka.

Isa lang naman kasi sya sa mga naghaharing grupo dito sa campus. "X-throb kings" daw yung name ng grupo nila. Hmm! Ang corny!!

Mayayabang, bully at playboy daw sila.

Naalala ko tuloy nung isang araw , pumunta ako sa likod ng school para magpahangin. Pero iba ang bumungad sakin. Nakita ko silang lahat na pinagkakaisahan yung lalaking walang kalaban-laban. Nakita ko pa kung paano hampasin ng tubo yung lalaking binu-bully nila.

Hindi ko na nakayanang panoorin kung paano naligo yung walang kalaban-laban na lalaki sa dugo nya. Kaya tumakbo na ko at hindi nalang pinagsabi kung ano ang nakita ko sa lugar na 'yon.

"Ah-ahh.. Aalis nalang ako.." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya. Baka ito na pala ang last day ko. Wag naman... Di ko pa nga nahahanap ang happiness ko eh.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng naramdaman kong lumapit sya sakin

Dahan-dahan akong tumingin sa kanya. Nang makita ko na ang mata nya, mukhang alam ko na mangyayari sakin. Seryoso syang nakatingin sa mata ko. Nakakatakot naman ang presensya nito.

"Para kang tanga.." Wow!! Medyo makapal huh! Oo! Tanga talaga ako... Alam ko naman yun. Dati pa..

Napabuntong hininga nalang ako. Kung kaya ko lang patulan to. Sinasabi ko sayo. Magiging memorable ang moment na yun. Pero.. Ako talaga ang talo.

May grupo lang yan! Kaya ganyan.
Matapos ako magpakabait sa kanya noong mag pa-flag ceromony. Hah! Mukhang nagkamali pala ako..

"Alam ko.." Pabulong na sinabi ko sa sarili ko

"Tssk!" Ang hangin talaga..

"Aalis nalang ako. Sorry kung nagulo kita. Pero quits na tayo. Sana natatandaan mo pa yung flag racing ceromony.." Aalis na sana ako nang nagsalita sya

"Oo. Bakit ko makakalimutan yon?" Ewan ko sayo..

Di ko nalang sya pinansin at ipinagpapatuloy ko nalang ang pag hakbang palabas ng dorm nya. Pero nagsalita na naman sya kaya napatigil ulit ako.

"Its curfew hours." Napatingin ako sa kanya. Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at tinignan ang oras.

8:11pm

Uh-oh~

So saan na ko ngayon? Hindi pwedeng dito ako! No way!!

"So.. Ano ng gagawin mo?" Pangungutya nya.

"Makaka-uwi ako.." Sabay irap..

"Then go.." Sabi nya

Talaga!

Nang makalabas na ko ng pinto. Bigla nyang sinara ang pintuan.

Tssk!

Tumingin ako sa kaliwa't kanan ko.

Biglang humangin ng pagka-lamig lamig. Mas lalo akong natakot dahil sobrang dilim.

Patay na ang mga ilaw at napakalamig ng hangin. Sobrang dilim na na parang madaling araw na.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now