Chapter 26

13 0 0
                                    

A/N: I suggest na kung pwede panoorin nyo yung M/V ni Yeng Constantino sa youtube with a title of "Ferris wheel" para ma-feel nyo yung "Love" 😘😄. At take note lang.. Im just inspired with that song. Hindi ko ginagaya o kinokopya yung scene na nandun sa M/V na parehas na parehas. Ginamit ko lang yun as my motivation, staka di ko naman kinopya yung scene na nandun sa M/V na mababasa nyo rin in this chapter ng buong-buo, kopyang-kopya o gayang-gaya. I have my own plot. Just please understand...

Raine

In Girl's Room

"Raine.. Umiiyak ka ba?" Bigla akong napalingon kay Jay.

"Umiiyak? Ako?" Hinawakan ko ang mata't pisngi ko.

Pa-pa'nong--- Umiiyak nga talaga ako?

Kinunutan lang ako ng noo ni Jay.

"Hindi ako umiiyak!" At mabilis na pinunasan ang basa kong pisngi.

"Umiiyak ka." Natahimik nalang ako sa pag-seseryoso ni Jay. "Bakit?" Tanong nya pa.

"H-hindi ko alam.."

Binalot nalang kami ng katahimikan.

Anong dahilan para umiyak ako? Nababaliw na ba ko?

"May problema ba? Sabihin mo lang.." Di ko alam kung matatakot ba ko kay Jay o gagaan ang loob ko dahil di ko alam kung anong gusto nyang iparating.. Para kasi syang nananakot o sincere lang..

Umiling nalang ako bilang sagot sa kanya.

Maya-maya tumigil na rin sa pag-ikot yung wheel, pero nasa bandang itaas pa kami. Umaalis palang kasi yung mga nakasakay dun sa ibaba. Kailangan pa naming hintaying makaalis yung ibang nauna samin. So, baka maya-maya pa kami ibababa para makaalis na rin.

Habang nananatiling nakatayo rito, nagulat nalang ako ng may yumakap sakin mula sa aking likuran. Si Jay. Nakaramdam agad ako ng sapat na init na paunti-unting pumapawi sa lamig na nararamdaman ko.

Pero bukod dun.. Parang lumalambot ang puso ko. Parang ang sarap sa pakiramdam. Ang saya.. Kaso mali..

Pero... Di ba pwedeng--- mali.. Hindi 'to tama. Kaso--- Ahhh!! Di ko na talaga alam.. Nadadala na talaga ako sa nararamdaman ko.

Pero baka pwede namang sulitin ko ang pagkakataong ito kahit sandali lang...

Nawawala na talaga ako sa sarili ko.. Pero, parang gusto ko rin ehh.. Gusto ko yung ganitong pakiramdam. Gusto ko ganito lang lagi.. Ang sarap lang kasi sa pakiramdam.. Parang niyayakap narin ako ng ulap. At ang gaan sa pakiramdam.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now