Chapter 21

7 1 0
                                    

Raine

I Love You

"You don't need to try hard for things you wanted, because I'm here to give that to you. Just please wait and give me a time." Di ako makapagsalita. Di ko alam kung anong reaksyon ang ipapakita ko. Anong bang ibig nyang sabihin? Alam nyang pinaghihirapan kong kuhain kanina yang white teddy bear na hawak nya ngayon? Sinundan nya ba ko kanina?

"P-pa'no napunta sa'yo 'yan?" Nagkatitigan lang kami. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Muli lang nyang naagaw ang tingin ko nang iharap nya sakin yung teddy bear. Kahit hindi ganitong teddy bear yung nakasulat sa planner ko, gusto ko pa rin 'to. Ang cute lang kasi kahit medyo maliit at hindi kalakihan.

"Ayaw mo?" Di ko maintindihan.. Bakit parang kinikilig ako?

Dahil di ko makayanang tumanggi, tinggap ko na. Kahit medyo nakakahiya..

"Th-thank you.." Napaatras ako nang humakbang sya palapit sakin.

"Basta ikaw." Bigla namang tumawa si manong sa likod ko kaya napalingon ako. Natigilan naman sya nung humarap ako sa kanya at biglang umalis, dun nalang daw muna sya sa chevy nila Angelo. Mas lalo tuloy um-awkward dahil kami nalang dalawa ni Angelo ang naiwan.

"Ahmm, ano.. Pa'no? Yung.. Ito--" Napatigil na lang ako sa pagkautal ko nang magsalita sya.

"Mahalaga pa bang malaman mo kung paano ko nalaman ang tungkol dyan sa white bear?" Siguro nga sinundan nya ko nung iniwan ko muna sya habang naglalaro sya ng basketball sa wonderland kanina, kaya nalaman nya na pinaghihirapan kong kunin yung white bear dun sa token machine ng mga teddy bear.

Pero di naman nya kailangang kuhain pa yun. Kaya pala iniwan nya muna ako dito kanina sa harap ng fountain dito sa labas ng mall, para kunin yun. Yun nga lang ba? O baka assuming na naman ako?

Napatigil nalang ako sa kakakilig dito nang maalala na kailangan ko nga palang dumistansya. Mahirap na kung ma-fall ako sa kanya. Ayoko ko nang maulit ang nangyari sakin noon.

"Salamat hah, pero di mo naman kailangang kunin pa 'to." Feeling ko may nasabi akong mali kasi biglang sumeryoso ang mukha nya.

Naglakad ako at umupo sa kinauupuan ko kanina. Sumunod naman sya sakin at tumayo sa harapan ko.

Binalot kami ng katahimikan. Hindi ko maintindihan, pero.. natatakot ako sa mata nyang diretsyong tumitingin sa mata ko.

"Magtapat ka nga sakin. Mag nagawa ba kong mali?" Anong mali? Hindi ko sya maintindihan.. Sinasabi nya bang maling kinuha nya pa yung teddy bear?

"H-hindi kita maintindihan--"

"Ikaw ang hindi ko maintindihan!!" Nagulat ako sa biglang pag-sigaw nya. Para akong nasaktan, dahil sinigawan nya ko.

Oo, alam kong madami na kong naging mali, at alam kong naiipit sya. Kaya nga sinisisi ko rin ang sarili ko.. Kaya lumalayo na din ako.. Dahil bawat pagkakataong kailangan ko ng tulong, sya ang laging sumusulpot. Sya ang nagliligtas sakin.. Dahilan para mahulog ang loob ko sa kanya. Dahilan na alam kong darating ang araw, masasaktan ako. Dahil natatakot ako.. Natatakot akong mangyari muli ang bangungot kong nakaraan. At kung sinasabi nyang may nagawa syang mali, dun sya nagkamali, dahil ako ang toong may mali, maling nagkagusto ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin---"

"Ang gulo mo!! Pinipilit kong intindihin ka! Pero hindi ehh!! Laging umiikot sa isipan ko kung may nagawa ba kong mali! Halos lahat ng pagkakataong magkakasama tayo, lagi akong nag-iingat na baka may magawa akong hindi mo na naman magustuhan!" Ano bang sinasabi nya? Anong nagawa nyang mali?

Beside The TreeWhere stories live. Discover now