Chapter 14

4 1 0
                                    

Raine

Right Beside You

Si Angelo? Anong nangyari?

Lalapitan ko palang sana sya ng may humablot sa kamay ko, kaya halos matumba na ko pero nasalo ako ng kung sinong humablot sakin at inilagay ako sa dibdib nya.

Mas sumakit pa lalo ang ulo ko kaya napapikit ako ng mariin.

Hanggang sa di mapaliwanag na ang paningin ko ay binalot ng napakaliwanag na ilaw.

~•••~

Hindi ko maipaliwanag kung bakit literal na sumakit ang puso ko. Naririnig ko ang malakas at mabilis na 'pag tibok nito. Sumisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga.

Napadilat ako at naghabol ng hininga.
Nahihirapan pa din ako huminga.
Nag bu-blurred ang paningin ko.

Napaupo ako sa hinihigaan ko at nagkamot ng mata. Hinawakan ko ang naninikip kong dibdib at pumikit ng mariin. Napakagat ako sa pang ibabang labi ko. Huminga ako ng malalim at dumilat.

Nasa'n ako?

Sa gilid ng kama, nakita ko si ate na nakalagay ang ulo at tulog.

Niyugyog ko sya, hanggang sa magising sya.

"Raine!!" Bigla nya kong niyakap ng mahigpit. Dahilan ng mas lalong 'pag hirap ng paghinga ko. Naramdaman ko rin ang kirot sa ring finger ko.

"O-ouch.." Biglang kumaripas ng takbo si ate palabas ng kwartong ito.

Nilingon ko ang ring finger ko. May nakatusok. Lumingon ako sa paligid.

Hospital?

Nasa hospital ako?

Nilingon ko ang kanina pa tunog ng tunog. Nakita ko ang computer na nagmo-monitor ng paghinga ng pasyente. Di ko alam kung anong tawag. Sa gilid may oxygen.

Malakas na bumukas ang pinto. Pumasok si ate at doctor.

"Gising na sya." Lumapit ang babaeng doctor sakin at kinuha ang stethoscope sa leeg nya, at pinakinggan ang heart beat ko.

"Relax ka lang." Sabi ng doctor. "Inhale Exhale." Utos nito sakin. Sinunod ko nalang. Napapikit ulit ako at tumingin sa doctor at ate ko.

May panibagong pumasok dito sa kwartong 'to. Ang adviser ko pati si... Mama?

"Ma?" Sinalubong nya ko ng mahigpit na yakap. Matagal bago kami kumalas sa isa't-isa. Nanghihina na naman ako. Umiiyak na naman ako.

"I miss you.." Pabulong habang hawak nya ang mukha ko at hinahaplos.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong nya.

"Bakit ako nandito?" Tanong ko. Binalewala ang tinatanong nya kanina. Sa pagkakaalam ko, na sa park ako bago ako napunta dito. Nakita ko pa si Angelo-- Angelo? Angelo!!

"Si Angelo?! Si A-Angelo? Nasaan sya?!!" Halos sumigaw at mag-eskandalo ako.

"Na guidance na sya." Sagot ng adviser namin. Si Ma'am Lilia.

Beside The TreeWhere stories live. Discover now