I never knew I was a rider; at hindi ko minsang pinangarap maging ganito ang buhay ko. Naramdaman kong may kakaiba, pero hindi ko na muna ito pinansin hangang sa nangyari ang gabing iyon at maraming nangyari sa akin mula 'nun. Mga bagay na hindi ko akalaing pu-pwede, mga pangyayaring hindi ko inaasahang maaari; lahat ng ito, namulat ako. Hindi madaling makibagay at tanggapin ang lihim na buhay sa mahiwagang mundong matagal nang nakakubli sa mundong mortal. Pero kailangan nila ako.. Mahalaga ako dito.. At marami akong kailangang gawin dito.. Hindi basta-bastang nangyari lang ang lahat ng ito. Talagang bulag lang ang karamihan sa katotohanan. Malala ang panibangong buhay na ito para sa akin at hindi ako mamimilit na paniwalaan ako. Pero magbibigay ako ng babala dahil maaaring mangyari din ito sa'yo. Ako si Clarence Garcia, at ito ang kakaibang katotohanan sa panibagong yugto ng kwento ko bilang tao at bilang isang Rider.