Chapter 11

58 2 0
                                    

11

"AAARRRGGGHHH!"

Nanlilisik sa galit ang madudugong mata nito habang mabilis sa paglapit sa direksyon ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko habang pinapanood kong uma-abanse na sa distansya ang nilalang; pero kailangan kong makagawa ng paraan kundi baka ano pang magawa sa akin ng Alpha lalo na't sa tingin ko ay nasa bloodlust state siya ngayon.

Wala akong ibang naisip na makakatulong sa akin kundi si Tidron lang at alam kong alam niyang kailangang-kailangan ko siya sa mga oras na ito.

Talaga ngang may talent sa bilis ang Scroul dahil mabilis itong nakalapit sa akin sabay talon na parang predator na nakahuli sa walang kawala nitong prey. Pinagmasdan ko itong nasa ere habang tutok sa akin ang red eyes at ang pamatay nitong mga pangil.

Pero sa kaunting sandali ng pangyayari, may kakaibang pakiramdam ako na hindi ko maipaliwanag. Parang may familiar na kapangyarihan ang bumabalot at humahatak sa akin. Ngunit hindi ko na ito nawari dahil tuluyan ko nang naramdaman ang lakas ng pwersa ng pag-atake sa akin ng Alpha Scroul.

"Claaarence!", pagkakarinig ko sa malabo at mahinang sigaw ni Ameli.

Napapikit ako habang ramdam ko ang tila pagbagsak ko pababa. Sandali lang, hindi ako maaaring bumagsak dahil tangay ako ng isang Scroul!

Mabilis ko namang idinilat ang aking mga mata para makita na.. nasa ibang lugar ako? Tama nga ang pakiramdam ko at nalaglag ako sa isang malawak na dagat. Oo tama dagat nga!

Lumagapak ang likuran ko sa dagat ngunit hindi ako nasaktan dahil para akong inabot mismo ng dagat. Hindi man lang ako.. nabasa? Oo, tuyo; ramdam kong tuyo parin ang mga damit ko. Pagkahiga ko sa dagat, marahan naman akong binangon ng tubig kaya ngayon ay nakatayo na ako sa gitna na karagatan.

Nilibot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan na para bang walang katapusan. Wala ni isang isla at kahit mga ulap sa kalangitan. Puting liwanag lang ang mayroon sa taas na sigurado namang nagpaliwanag sa buong lawak ng karagatan.

Naglakad ako ng direcho- hindi alam kung saan. Habang naglalakad, may napansin akong malaki, as in sobrang laking hayop na mabilis na lumangoy sa ilalim ng dagat kaya hindi ko ito natukoy. Maya-maya pa, bigla nalang umahon ang malaking hayop at lumusong sa ibabaw. Napakataas ng paglusong nito at ilang sandali lang, nakita ko na itong lumilipad sa ibabaw.

Isang dragon?! Hindi ako nagkakamali, isang dragon nga ang nakikita ko ngayon!

Patuloy ito sa paglibot sa itaas habang mangha naman ako sa majestic nitong paglatag ng malalaki nitong pakpak na para nang tatabon sa buong ibabaw. Lumipad ito papuntang harapan ko at marahang bumaba sa harapan ko rin mismo. Pinagmasdan ko 'yung pagkintab ng dragon scales nito habang natatamaan ng liwanag. Kulay light blue siya na may saturation ng green at kaunting purple sa ibang part ng katawan niya.

Lumapit ako sa kanya habang nakatitig sa deep sea-green eyes niya. Yumuko ito sa pagtugon ng paglapit ko sa kanya.

"Clarence.", sabi nito.

"Tidron.", tugon ko rin sabay hawak sa noo niya. Habang hinahawakan ko siya, ramdam na ramdam ko ang tindi ng connection naming dalawa lalo na't magkalapit kami ngayon. Pinatong ko ang dalawa kong kamay sa ulo ni Tidron habang lumiwanag naman sa kulay nito ang aking relo.

"Sigurado ka Clarence?", maingat na tanong ni Tidron.

Marahan naman akong tumango, hindi sigurado kung anong ibig sabihin niya. Pagkatapos ay humina na ang liwanag ng aking relo. Bumaba naman ng kaunti si Tidron upang maabot ko ang likuran niya. Sa tulong ng tubig, marahan akong nai-angat hanggang sa nakasakay na ako sa likuran ni Tidron.

Clarence and the Mythical World of Riders: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now