Chapter 16

156 2 0
                                    

Hey fellow Riders! :D

First of all, I just want to thank you guys for your support! Thank the Spirits and their awesomeness! :) I reached 1k views!!

I never really thought about it but I'm just happy na sinusuportahan niyo ang imagination ko! Hehe.. And I want to give shout-outs to @qangelica, @VioletCrazyQueen123, and @aPrinCe29

For our small chitchats. And to @LunarJB and @shockwaves211 na nagvote sa chapters ko. Carry on Riders! :)

Para din sa ga nag-add ng story na'to! Hehe a shout-out to you too..

Sana kayo rin. Sabi nga ng Wattpad, voting is like giving back to the writers.. :3 But most of all, let's make our community grow. Baka makahanap din kayo ng ibang Riders, tell them na andito lang tayo.. Hehe..

And if you guys noticed, may pagbabago na sa story na ito! I decided to create drawings about significant things na mangyayari per chapter and hopefully makakagawa din ako ng para sa characters natin. I am really doing what I can to make this story colorful and I hope that we'll stay together as we watch out for these updates. :)

Anyways, mukhang mahaba na 'tong note na 'to so, here's the next chapter Riders and enjoy or shall I say, be thrilled! :)

---

16

"Andito na tayo.."

Pagkatapos naming sundan ang kalsadang binagsakan namin kanina, dinala kami 'nung daan sa isang bayan. Tahimik na ang buong paligid at tanging ang mahihinang ingay ng kuryente mula sa mga streetlights ang naririnig. Malamig narin ang hangin. Ay hindi, mas lumamig pa lalo ang hangin kaya i-imagine niyo nalang ang mga mukha 'nung tatlong minions. Hindi na mawari.

Halos pare-pareho kaming palinga-linga sa bawat kalyeng aming dinadaanan, sa pag-iingat na hindi kami maka-akit ng atensyon mula sa mga nilalang na maaaring umaaligid lang sa amin. Kakatapos lang namin sa pakikipaglaban at hindi ko lubos maisip kung ano nalang ang gagawin namin kung sakaling may sumapit muling.. Hindi! Walang mangyayaring ganun ulit. Ano ba 'tong iniisip ko!

Mabuti nalang at walang mga tao ang nasa paligid kasi hindi lang nakakapagtaka ang makakita ng grupo ng kabataan sa kalye ng alas' otso ng gabi, kundi kahina-hinala rin. Ayoko namang maghanap pa ng palusot para lang pagtakpan ang mga bagay na kailanman ay hindi paniniwalaan o maintindihan man lang, ng mga taong.. walang alam sa kahiwagaan ng mundo.

Ayun, kahit papano ay wala naman sa mga nakakagimbal na idea na lumabas sa isipan ko, ang naging katotohanan. Buti nalang, kasi kailangan na talaga naming makarating na sa hide-out. Hindi na ako napapatanag sa labas sa ganitong pagkakataon, tsaka ginugutom na talaga ako. Kailangan ko nang maagapan ito.

Makaraan ng ilang minutong pagtatago habang naglalakad (hindi ko rin alam kung paano namin nagawa 'yun), nakarating narin kami sa sinasabi nilang hide-out, na sa nakikita ko ay isang bakanteng lote na maraming matataas na damong ligaw. Teka, baka sa gutom lang 'to. Pumikit-pikit ako at kinuskos ko pa ang aking mga mata at tumingin muli. Bakante, madilim, mga damo. Seriously?

"Nakikita kong medyo tahimik nga ang lugar na ito at mukhang malawak pero.. ligtas kaya tayo dito? Ibig kong sabihin, hindi ba mas mabuti 'yung mayroon tayong maski bubong man lang na pwedeng masilungan? Talaga? Ito..?", ang mahabang pag-aalangan ni Alfred.

"Aah.. hindi kaya nanlalabo na ang mga mata mo Touper, dahil sa salamin mo, kaya hindi mo napansin na naligaw pala tayo at sa maling lugar mo kami nadala?", sabi ni Joey.

"Ah-ha.. hahaha!! Alam ko na! Joke 'to ano? Haha! Grabe, nakuha niyo kami 'dun aah.. Seryoso, dito nga?"

Humarap naman agad si Touper sa nagtanong na si Wendel at binigyan siya ng bakanteng expression. Para namang walang point 'yung sinabi ni Wendel.

Clarence and the Mythical World of Riders: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now