Chapter 13

85 2 0
                                    

Dahil 'dun, sabay-sabay kaming tumakbo, kaming lima, sa bahay na kinaroroonan nila Ameli.

Bago pa man sila nakapasok, nauna na muna ako upang ipaalam kay Gredon na may mga kasama ako.

"Sino sila?", tanong ni Gredon bago pa man ako tuluyang makapagpaliwanag, habang patuloy parin niyang inaasikaso si Ameli.

"Mga kaibigan.", simple kong sabi.

Sumenyas na ako sa kanila, at marahan silang pumasok sa loob ng bahay.

"Woah!!", paunang bati ng tatlo maliban kay Krou na parang hindi na ito kinagulat.

"May kasama kayong Spirit?", manghang tanong ni Joey.

"—Dragon knight spirit.", pagtatama ni Gredon.

"Ah oo, siya nga pala si Gredon; ang Dragon Knight Spirit at ang teacher namin; at Gredon, sila ang mga kaibigan ko. Si Alfred, Wendel, Joey, at Krou.", pag isa-isa ko sa kanila. Weird lang dahil ngayon, kaibigan na ang pagpapakilala ko sa kanila. Dati, hindi ko nga talaga sila mapakilala eh. Siguro ganito talaga lalo na't may iisa kaming mundong ginagalawan- hindi ang Mortal na mundo, kundi ang mundong nakakubli lang sa sekreto na tanging ang may kakayahan lamang ang nakakadiskubre.

Si Krou, ay marahang lumapit at kanyang sinuri ang kalagayan ni Ameli. Tumango naman ito na para bang may hinala siya na kanyang nasagot, sa pag-tingin lamang kay Ameli.

"Krou, tama ba?", tanong ni Gredon na sinagot ni Krou ng galanteng tango.

"Nararamdaman kong may makapangyarihang dugo ang nasa sa'yo. Isa ka bang Alpha?"

"Hindi pa po; pero ako ang nakatakdang sumunod sa aking ama."

"Nakita ko."

"Ahm, Clarence..", mahinang tawag sa akin ni Krou na para bang nahihiyang banggitin ang aking pangalan.

"Sa tingin ko, lason mula sa mga bampira ang tumama kay Ameli. Marahil ay 'dun po ito nakuha ng mga tree Grimlins na nakalaban po ninyo."

"Bampira? Bakit ba laging may kinalaman ang bampira sa mga pangyayari?", galit na tanong ko. Simula 'nung una, bampira na agad ang pinagmulan ng problema. Ano bang mayroon sila? Maaari bang sila nga ang may gagawan ng lahat ng 'to? Maaari din nga bang, may kinalaman din sila sa sinabing pangyayari, siyam na taon nang nakalilipas?

Lahat ng ito ay puro hinala lang pero may kutob ako na may kung saan, sa aking sinabi ay maaaring malapit sa katotohanan.

"'Yun po sana ang nais kong sagutin para sa inyo pero mas mahalaga po ngayon ang kaligtasan ng kaibigan niyo."

"May alam ka bang paraan?", tumango naman ang Werewolf na ikinabuhayan ko din ng loob- may pag-asa kaming matulungan si Ameli!

"Ahm.. Gredon, gaano mo pa ba katagal kayang pabagalin ang lason?"

"Sa tingin ko, mga tatlo o apat na oras pa; hanggat hindi pa umaabot sa puso niya ang lason."

"Ano na po bang oras?", tanong naman ni Krou sa akin. Tumingin ako sa aking relo saka sumagot.

"11:14 na."

"Sapat na oras na yan."

"Wendel, Joey- manatili kayo dito upang magbantay. Alfred, samahan mo kami.", agad na utos ni Krou sa mga kasama.

"Tara na!"

Maingat kaming lumabas ng bahay, at sumuong sa kasukalan ng gubat. Delikado kami sa ganitong lugar at ganitong oras pero hindi ito alintana sa akin. Sinigurado ko ring tapikin ang aking relo bago pa man kami makaalis kanina.

Clarence and the Mythical World of Riders: The Cursed BloodWhere stories live. Discover now