#Aríya

By DYOYSIII

2.6K 495 78

A girl named, Bloomy Asbon, finally pursued her hidden dream-to become a detective. When she heard the news a... More

Disclaimer
Chapter 1: Prospect Partner
Chapter 2:Harrieta's Secret
Chapter 3:Friday the 13th
Chapter 4: Research
Chapter 5:Second Batch
Chapter 6:Request
Chapter 7:Trip to Pampanga
Chapter 8:Chanak
Chapter 9:Playful Princess
Chapter 10:Action Man
Chapter 11:The Seer
Chapter 12:Prediction
Chapter 13:Teacher
Chapter 14:Secret Investigation
Chapter 15:Disappearance
Chapter 16:Black Cat
Chapter 17:Suspect/s
Chapter 18:Techie Monster
Chapter 19: Who?
Chapter 20:Arrested
Chapter 21:Witch
Chapter 22:Trending
Chapter 23:Stalker
Chapter 24:Payback Time
Chapter 25:Back To Square One
Chapter 26:Team Bahay
Chapter 27:Team Bahay Part II
Chapter 29:Talk of the Country
Chapter 30:Posted Photo
Chapter 31:Unexpected Help
Chapter 32:Go! Go! Move!
Chapter 33:Found?
Chapter 34:Different Locations
Chapter 35:Gun Shot
Chapter 36:Finale

Chapter 28:Text Message

37 10 0
By DYOYSIII

Bloomy's POV

Dalawang buwan na ang nakalipas matapos ang nangyaring pagdakip kina Bunso sa Pampanga. Maraming nangyari pagkatapos ng araw na iyon.

"Bloomy! Bloomy! Grabe na talaga! Hula ko! Hanggang diyan sa bahay niyo lutang ka pa rin," rinig kong reklamo ni Caela na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Napakamot ako sa ulo. "Ano bang sinasabi mo?"

"Alam mo na ba ang balita? Nag-resign na daw si Ate Eris kahapon. Pinadala niya lang daw kay Dean iyong resignation letter via email. Kaya pala nung pumunta ako sa library kanina ibang mukha ang nadatnan ko doon."

"Ano? Bakit naman kaya?"

"Hindi ko rin alam. Tawagan mo mamaya."

"Oo. Sige." Sabi ko kay Caela at tinapos na ang aming tawagan.

Malaki ang pasasalamat ko dahil hindi naman pala totoo ang mga nangyari kay Ate Eris noon. Nagkunwari lamang siya upang sila ay makatakas. Ngunit hindi rin sila nagtagumpay kahit na sinuportahan siya ng kanyang mga supporting actress. Sa huli, na detain pa rin silang tatlo sa loob ng limang araw. Kaya nalaman na rin ng mga pamilya nila ang aming pinaggagawa. Tatlo na kami ngayon na grounded sa kanya-kanyang bahay.

Dinial ko na ang numero ni Ate Eris. Ngunit naka-ilang tawag na ako wala pa ring sumasagot. Sinubukan ko ang numero ni Ate Ara.

"Bloomy? Napatawag ka?" Bungad niya kaagad sa akin.

"Kumusta na kayo Ate Ara?" Tanong ko rin.

"Maayos naman kami dito. Kayo?"

"Hindi pa rin ako nakakalabas ng bahay na mag-isa. Pati sina Bunso at Caela ganoon din po."

"Caela? Sino iyon?"

"Ay! Nakalimutan ko. Hindi pa pala kayo nagkita. Bago po namin siyang kaibigan."

"Ganoon ba?" Ilang segundo itong natahimik. "Marahil napatawag ka dahil sa biglaang pag-resign ni Eris?"

"Aalamin ko sana Ate Ara kung bakit?"

"Huwag na kayong mag-aalala sa kanya. Matanda na si Eris. Alam niya ang ginagawa niya," sabi nitong natawa.

Natawa na rin ako. "Sige! Sige, Ate! Pasabi kay Princess miss na namin siya."

"Naku! Lagi nga niyang tinatanong kung kailan kayo babalik dito. Naririndi na nga sa kanya si Manolo," natatawa niyang kwento.

Nagpaalam na rin siya at nahiga na ako sa kama upang matulog. Bukas na magsisimula ang On-Job-Training ko sa kumpanya nina Eunice.

........

Alas-siyete pa lang ng umaga nasa harapan na ako ng KINE Shoe Central Building. Sinalubong ako ng guwardiya at ginaya upang maupo muna.

Mag-iisang oras na yata akong nakaupo. Pansin kong marami-rami na rin ang mga pumapasok na empleyado. Hindi ko na rin mabilang kung ilang buntong hininga ang nagawa ko dito sa waiting area. Hindi naman sa ninerbyos. Hindi ko lang kasi talaga matanggap, dito pa rin pala ako babagsak.

"Miss, please follow me," says the woman who approached me.

Sumunod naman ako sa kanya. Siya pala ang sekretarya ng pinsan ko. Pinaupo niya ako sa tapat ng isang lumang kompyuter. Napataas tuloy kilay ko.

Pinakita niya sa akin ang mga nagawa na niyang minutes of the meeting. Matapos kong makuha ang format ay binigay niya sa akin ang kanyang notes. Pinagawan niya ko ng minutes of the meeting nila kahapon. Iprint ko na raw kapag natapos ko at pirmahan. Ilagay ko rin daw ito sa mesa ni Eunice para sa final approval.

Natapos ang umaga ko na puro photocopy lang ng mga dokumento. Inutusan din kasi ako pagkatapos ni Rachelle na isunod iyon. Siya ang sekretarya ni Eunice, Rachelle Miranda.

Kasalukuyan akong kumakain ngayon sa canteen ng kumpanya. Nagpahanda ako kanina kay Nana Salome ng baon. Nirequest ko ang adobong manok.

"Pwedeng maki-upo?"

Napa-angat ako ng tingin at bumungad ang nakangiting mukha ni Ate Eris. Kumunot ang noo ko sa suot niya. Nakaturtle neck siya na may puti at pulang stripes. Nakapatong pa ang isang cool na cool na maong jacket. Pinarisan niya ito ng skinny jeans at round toe closed stilleto ankle strap.

"Sino ka? Nilalamig ka yata?" Tanong ko kunwari.

"Grabe! Hindi ako sinuka! Hinulog ako," sabi niyang tawang-tawa.

Hindi naman ako umimik. Wala akong naintindihan sa biro niya.

"Nung isang araw kasi habang mag-isa akong naglalakad sa mall may humarang sa akin. Natakot nga ako kung bakit nung una. Pero pinaliwanag naman sa akin na pwede daw akong maging model. Kaya heto na ako ngayon sinubukan ko. Pinarampa nila ako kanina, muntik nang lumabas ang puso ko sa lakas ng tibok. Pero laking ginhawa ko nung pumalakpak sila at kinuha ako bilang bago nilang talent," nag-uumapaw ang sayang sabi niya.

"Wow naman! Model ka na pala ngayon, Ate? Level up na!"

"Ikaw talaga! Magsisimula pa lang ako," sagot naman niya.

Napatingin ako sa hawak niya.

"Ito ba?" Inangat niya ang envelope. "Pumunta pa nga ako nang maaga sa Mendez Diagnostic Laboratory. Nagpa-general check up ako. Mayroon naman pala sila dito na gagawa ng medical assessment. Gumastos pa ako," paliwanag niya at bumuntong hininga.

Tinawanan ko lang siya. Naisipan kong tanungin kung bakit biglaan ang pag-resign niya bilang librarian.

"Gusto ko lang subukan ang modelling. Malay natin, palarin ako."

"Ang ganda mo kaya, Ate!"

"Aysus! Nambola pa. Pero sige na nga. Bukas sabay na tayong mag-lunch. Hintayin mo ko ha?"

Natawa ako. "Oo naman, Ate."

Hindi na rin kami nagtagal sa canteen. Pagbalik ko sa area ko kaagad akong nilapitan ni Rachelle. Dinala niya ako sa records room.

Naiinis ako! Paano ba naman? Binigyan niya ako ng listahan. Listahan ng mga luma at bagong empleyado. Ihihiwalay ko daw ang mga sandamakmak na mga files na nakakalat lang sa sahig.

"Pasensya na talaga. Napag-utusan lang," sabi niya.

Wala na akong nagawa kaya ginawa ko na lang ang pinapagawa niya. Ang init pa naman sa loob ng records room. Hindi pa siguro ako umabot ng kalahating oras tumatagaktak na ang pawis ko. May isang electric fan naman kaso mainit talaga. Grabe! Kalbaryo ito!

Sa kalagitnaan ng aking ginagawa nakita ko ang mga records ni Eight De Jesus. Ang anak ni Governor Uno ng Pampanga. Tiningnan ko ang mga laman nito dala na rin ng aking kuryosidad.

"Hindi kaya?" Nanlalaking mata kong bulaslas.

Dali-dali kong kinuha ang phone ko at magpapadala sana ng text kay Bunso. Kaso napahinto rin ako. Hindi nga pala matatanggap ni Bunso sa kadahilanang confiscated din lahat ng gadgets niya.

Si Caela na lang tinext ko. Kailangan ko lang kumpirmahin ang hinala ko.

Ilang sandali lang nakatanggap ako ng text galing sa kanya.

Caela: Ang alam ko may iniinda raw itong sakit. Ngunit walang nakakaalam kung ano iyon. Laging tikom ang bibig ng pamilya De Jesus sa mga interview.

Naisipan ko na lang mag-research mag-isa sa bahay mamaya. Sana sa puntong ito may kasagutan na kaming malalaman.

Naalala ko rin ang sinabing text ni Michelle sa tatay niya nung araw na ito'y nawala. Ang laman ng text na natanggap ni Matteo ay isang pulang puso.

"Pulang puso. Hindi literal na puso ang tinutukoy ni Michelle sa text. Dahil maaring ang pusong pinadala niya ay ang mismong location. Ang location kung saan sila dinala. Para hindi magmukhang kahina-hinala ay dinaan niya sa simbolo. Ang pulang puso na tinutukoy niya ay isang Lab. Laboratory. Bakit hindi ko kaagad nakuha iyon?" Tanong ko sa sarili ko.

Naalala ko naman iyong post ni Michelle sa Instagram niya bago siya nawala. Ang litrato sa post ay may mga lumang papel na may nakasulat. Kaso nga lang hindi namin mabasa. May dalawang litrato na nakapatong sa isang papel. Hindi rin makita kung ano ito dahil natatakpan naman ito sa anino ng camera sa tabi nila. Nagkalat ang mga posporo at upos ng sigarilyo. May salamin naman sa kaliwang bahagi ng litrato. Lapis na katabi ang isang itim na relo sa kanan. Ang isang malaking katanungan sa akin ay ang kasunod ng #Aríya sa kanyang post.

"Bakit naman may #Mama roon?" Tanong ko ulit sa sarili ko.

May natawa na naman sa likod ko dahilan para mapapitlag ako sa gulat. Mas lalo itong natawa sa reaksyon ko.

"Tsk! Tsk! Tsk! Hindi pa nga ako nag-hands on sa'yo. Nagsasalita ka na diyan mag-isa," iiling-iling na kutya niya sa akin.

Tumaas naman kilay ko matapos kong mapatingin sa aking relo. Mag-aalas singko na pala ng hapon. Kung kailan malapit na ang uwian ngayon ko lang siya nakita dito sa kumpanya nila.

"Wow! Speaking of the one who is late." Mataray na sagot ko.

"Bloomy my dear, someone just asked an errand for me to do. That's the reason why I'm not in here since morning," paliwanag naman niya.

"Really? Ang importante naman yata niyang someone na iyon? Inutusan ka talaga? Wow! Congrats sa kanya!" Sarkastikong banat ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay bilang tugon at nag-walk out pagkatapos.

"Anong nangyari doon? Lakas mang-asar! Siya rin naman itong napipikon agad." Napa-iling na lang ako sa naging reaksyon niya.

Continue Reading

You'll Also Like

157K 1.3K 6
[COMPLETE] Pano kung si Miss Computer Freak ay mag-clash sila ng landas ni Mister gangster?? ano kaya ang manaig sa kanila?? Is it War? Is it Love? E...
695K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
12.3K 470 11
Title: My Nutcracker This story is inspired by 'The selection Novel' of Kiera Cass Enjoy reading... ~Miss Eli